prologue

2.1K 74 2
                                    

Malambot na kutson, at matigas na unan ang unang napansin ni Jace nang maalimpungatan siya dahil sa sinag ng araw na tumatama sa kaniyang balat. Napaungot siya at napahawak sa kaniyang ulo nang maramdamang para iyong mabibiyak sa sakit. Pati ang kaniyang katawan ay masakit, lalo na ang kaniyang balakang at p'wet pero hindi niya iyon gaanong pinansin.

Gusto niyang tumayo na sa kaniyang higaan at uminom ng mainit na gatas. Gusto na rin niyang maligo dahil ramdam niyang napakalagkit na ng kaniyang katawan. Ngunit ang init ng unan at ng kutson at ang kamay na nakapalibot sa kaniyang baywang ay muli siyang hinahatid sa mahimbing na tulog.

Hinawakan niya ang matigas na mga brasong nakapalibot sa kaniyang katawan at muli sanang matutulog ngunit dahil sa napagtanto ay napabalikwas siya at binuksan ang mga mata. Napatakip siya sa kaniyang bibig nang makitang tanging kumot lang ang nakabalot sa kaniyang hubad na katawan. Nakarinig siya ng pag-ungol ng isang mababang boses sa kaniyang tabi kaya mabilis siyang bumaling dito at doon nakita ang mukha ni Callian. Nakakunot ang noo nito, ngunit nakapikit pa rin ang mata. Gumalaw ito at tinalikuran siya.

Unti-unting nanlaki ang mga mata niya at kahit may ideya na siya sa nangyari kagabi ay pilit niyang iniisip na nagkakamali lang siya. Kasi hindi p'wede. Hindi ito totoo. Isa lang itong panaginip. Kagabi ay umiinom siya kasama ang mga kaibigan sa mansion ng schoolmate nila kaya siguro naghahallucinate siya ngayon dahil sa kalasingan. Hindi kasi p'wedeng mangyari 'to!

Nagsimulang uminit ang kaniyang mga mata.

Ang matinding sakit sa kaniyang balakang at p'wetan ay nagpagising sa kaniya sa reyalidad. Doon na tuluyang tumulo ang luhang nagbabadyang lumabas. Ngunit pinilit niya ang sarili na hindi gumawa ng ingay.

Kahit napakasakit ng kaniyang ulo at katawan, lalo na ang kaniyang p'wetan ay hindi iyon naging balakid upang hindi siya tumayo mula sa pagkakaupo sa malambot at mainit na kama. Hinanap niya ang kaniyang mga damit na nagkalat sa sahig na paika-ika. Gustong niyang sumigaw dahil sa sakit na nararamdaman niya hindi lang sa kaniyang katawan kung 'di sa kaniyang puso. Hindi niya inaasahan 'to.

Bakit ba ganito ang buhay niya? Bakit palagi na lang pumapalpak ang kaniyang plano? Bakit ba ang hina-hina niya?!

Nang maisuot ang mga damit, kaagad siyang lumabas ng silid at nilisan ang hotel. Pinipilit niyang maglakad ng normal kahit pa napakasakit ng kaniyang katawan. Nahihilo rin siya ngunit hindi siya tumigil sa paglalakad hanggang sa makasakay siya sa isang taxi. Hindi niya na rin inisip na wala pala siyang pera'ng ipambabayad dito. Ang tanging laman ng utak niya ay ang kuwarto at ang lalaking kaniyang iniwan doon.

-

A Good Night's MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon