Pareho kaming tahimik habang nasa hapag. Nasa harapan ko siya at napapansin kong panaka-naka itong tumitingin sa'kin. At sa hindi ko malamang dahilan, naiilang ako sa mga tingin niya. Hindi naman ako ganito kahapon o noon kaya ano ba ang nangyayari at ngayon ko ito nararamdaman? Pero pinilit ko na lang na hindi iyon pansinin at nagpatuloy sa pagkain ng nakahain sa lamesa, na ayon kay James ay niluto nila ng kaniyang Daddy. Mahirap mang aminin, masarap ang pagkakaluto ni niya sa pagkain.
"Do you want to go anywhere after this?" Mababa ang boses na tanong ni Callian na sumira sa katahimikan.
Mabilis akong umiling at tinignan siya, "Plano kong umuwi na. Wala akong pera kaya..."
"I will pay, but if you really want to go home, then so be it." Pagputol nito sa aking sasabihin.
"Uuwi na lang kami ngayon, Callian. Nakauwi na sila Mama."
"Then, I'll drive you home."
Tumango ako. Wala akong pera pamasahe ng sasakyan patungong siyudad, at gusto ko ring makasama ni James ang Daddy niya. Ipinagkait ko sa kanilang dalawa ang karapatang makasama ang isa't-isa, kaya kahit pa may takot at lito sa aking puso, babawi ako at uunahin naman ang kapakanan ni James. Gusto ko ring buksan ang aking puso at turuan itong maniwala sa mga salitang sinabi sa'kin ni Callian. Alam kong may kalituhan at takot pa rin akong nararamdaman, ngunit... hindi naman masamang sumugal, hindi ba?
May maliit na ngiting sumilay sa kaniyang labi, "What time will we go?" Tanong nito.
Napatingin ako kay James na mahimbing pa ring natutulog. "Kung magigising na si James." Sagot ko.
Napatango ito at nagpatuloy kami sa pagkain.
"Ako na ang magliligpit ng pinagkainan natin." Wika ko nang maubos namin ang mga pagkaing nakahain. Siya ang nagluto kaya naman ako naman ang magliligpit nito bilang kapalit. Tumayo ako at akmang magliligpit na ng hawakan niya ang kamay ko. Kaagad kong naramdaman ang pagdaloy ng kakaibang kuryente sa kaniyang hawak. Dahil sa gulat, mabilis kong naingat ang aking ulo upang makita ang mukha niya. Nakita ko ang bahagyang panlalaki sa kaniyang mga mata at tila ba nararamdaman ang kuryenteng dumadaloy.
Tumitig ito sa'kin at pinisil ang aking kamay, "Let them be. Someone will clean it up."
Kahit nag-aalangan ay tumango na lang ako at binawi ang kamay kong hawak niya. Iniwas ko na rin ang aking tingin sa kaniya. Ano ba iyong naramdaman ko? Isa rin ba iyong katangian ng mga alpha?
"I'll take care of you and our child from now on, so you don't have to do anything and tire yourself."
Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi at naramdaman ang kakaibang pakiramdam sa aking tiyan, para bang may gumagalaw dito, ngunit hindi ito masamang pakiramdam. Ano ba itong nararamdaman ko? Bakit ganito? Mas lalo lang akong nililito. Mas lalo lang akong nilalamon ng mga katanungan. Mga tanong na wala namang sumasagot. Mga tanong na siguro'y mananatiling tanong na lamang.
"Dada? Daddy?"
Mabilis akong napalingon sa kinaroroonan ni James nang marinig ang inaantok nitong boses at nawala pansamantala ang mga iniisip. Ngumiti ako sa kaniya bago ito nilapitan. Umakyat ako sa kama at hinalikan ito nang tuluyang makalapit sa kaniya. "Good morning."
"Morning pa rin, Dada?" Takha nitong tanong.
Tumango ako at pinaupo siya sa aking mga hita. Inayos ko ang kaniyang magulong itim na itim na buhok, "Malapit ng magtanghali, 'nak. Bakit ka ba nakatulog kanina? Just when we were about to eat."
Naramdaman ko ang paglundo ng kama. Alam kong si Callian iyon. Umupo ito sa aking likuran, at ramdam ko ang mainit niyang katawan sa aking likod. Kasabay no'n ang pag-init ng aking pisngi at ang paglakas ng tibok ng aking puso. A-Ano bang ginagawa niya? Pilit kong kinalma ang sarili at hindi na lang ito binigyan ng pinansin.
BINABASA MO ANG
A Good Night's Mistake
Romance[ BOYS LOVE : OMEGAVERSE ] Jace loathes alphas ever since he was a kid, that's why he promised himself that he will never give in to them-because he knew that in the end they will always treat omegas like some kind of trash. But destiny has other pl...