chapter nine

1K 42 4
                                    

Mabilis na lumipas ang oras, parang isang kisap lang ng aking mga mata at lumubo na ang aking tiyan. Apat na buwan ko na rin itong dala-dala kaya medyo halata na. Dahil dito, hindi na ako masyadong lumalabas pa ng bahay. At saka, may isa rin akong rason kung bakit ayaw kong lumabas dito; natatakot akong magkasalisi kaming muli ni Callian at makita niya itong tiyan ko. Alam niya na siya ang nakauna sa'kin, at ang pagkamuhi ko sa mga alpha kaya malalaman niya kaagad na sa kaniya itong bata. Matalino si Callian kaya mabilis niya lang maipapagtagpi-tagpi ito. Alam ko naman na may karapatan siyang malaman ang patungkol sa batang dinadala ko, pero ayaw ko pa ring sabihin sa kaniya. Ayaw ko siyang makita, at lalong ayaw ko siyang makasama. Malilito lamang ako sa hindi ko malamang kadahilanan.

Sa apat na buwan ding 'yon ay pilit ko siyang winawaksi sa aking isipan. Sa tuwing naiisip ko kasi siya ay stress lang ang kalabasan no'n at masama iyon sa bata. Ngunit may ganitong oras talaga na maiisip ko na lang siya bigla. Lalo na kapag napapatingin ako sa asul na kalangitan, bigla ko na lang maaalala ang mga mata niyang kakulay nito. Ang mga matang parang nasasaktan no'ng huli kaming nagkita sa isang grocery store.

"Anak, tahimik ka na naman." Wika ni Mama nang makalapit sa'kin. Nagtungo ito sa aking likod at hinaplos ang aking buhok na humahaba na.

Natigil ako sa pagmumuni-muni at ibinaling ang pansin sa kaniya. Nasa harapan ako ng malaking bintana sa sala na kitang-kita ang labas. Tanaw ko ang mga dumadaang tao at sasakyan sa labas ng gate. "W-Wala lang 'to, 'Ma. Si Tito pala? Papunta na? Kasama niya ba si Gabby?" Pag-iiba ko sa usapan. Ayaw kong pag-usapan si Callian.

Tumango si Mama bilang sagot, "Excited na nga raw si Gabby na makita ka."

Napangiti ako. Ilang taon na rin no'ng huli kong nakita sina Tito. Kapatid ito ni Mama na nakatira sa Amerika dahil doon ito nagt-trabaho bilang isang engineer. Isang beta si Tito at ang asawa niya'y isang lalaking omega na si Tito Gabrielle, sa kasamaang palad ay patay na ito kaya sila na lang ng anak niya ang magkasama ngayon na si Gabby na isa ring omega. Si Tito rin ang dahilan kung bakit hindi na kailangan pang magtrabaho ni Mama, pinapadalhan niya kasi kami ng pera kada-buwan. Silang dalawa lang ang magkapatid kaya close sila. Protective din si Tito kay Mama lalo pa't isa siyang omega. Hindi naman kasi nakakapagtrabaho si Mama dahil isa siyang omega, dahil mababa ang tingin nila sa'min, madalang lang ang mga kagaya namin na makapasok sa trabaho.

Alam na nila na buntis ako, noong unang buwan pa lang ang tiyan ko. May karapatan kasi silang malaman hindi lang dahil kamag-anak ko sila, kung 'di dahil isa sila sa mga taong mahalaga sa buhay namin ni Mama. At kahit malayo sila, close naman kami dahil nagvi-video call kami paminsan-minsan.

"A-Ano?! Buntis ka, 'insan?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Gabby nang magkuwento ako sa sitwasyon ko nang tumawag ito noong mag-iisang buwan na ang aking tiyan. Naalala ko pa rin ang nanlalaki niyang mga mata na para bang nakakita ng multo. Alam kasi nito iyong patungkol sa galit ko sa mga alpha kaya siguro ganito na lang siya kung magreak.

Inirapan ko ito, "Oo nga!" Pasinghal kong sagot.

"Oh my gosh!" Nakatakip ang bibig na reaksyon niya. "Bakit mo ako inunahan?!"

Napailing ako, "Gago ka talaga, Gab." Katulad na katulad talaga sila ng ugali ni Flame. Kung magkikita ang dalawang 'to, tiyak na magkakasundo sila.

Kahit pa hindi sila makapaniwala sa sinabi ko, tanggap naman nila itong sitwasyon ko.

Ngayong araw ay uuwi na sila Tito. Hindi upang bumisita o magbakasyon lang dahil lilipat na talaga sila ng tuluyan dito sa Pilipinas. Halos 15 years na rin silang nakatira roon, at siguro'y nagsawa na at namiss na nilang tumira rito sa Pilipinas. Pero ang sabi ni Gab ay mahirap daw'ng mag-English kaya lilipat na lang daw sila rito. Ewan ko sa isang 'yon.

A Good Night's MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon