"Dada, who was that guy po? W-We have the same eyes po, Dada. A-And he's sad po like us." Sunod-sunod na usal ni James, halatang nagtatakha sa mga pangyayari kanina at kuryoso kay Callian. May lungkot pa rin sa mga mata nito.
Nasa loob na kami ngayon ng hotel room at nakaupo sa malambot na kama. Nakaangat ang mukha ni James sa'kin at kitang-kita ang pinagsamang takha, pagod, at lungkot sa kaniyang mga asul na mata. Kanina pa ito nagtatanong sa loob ng elevator patungkol sa ama niya, sinabi ko na sa kuwarto ko lang siya sasagutin pero ngayong nagtanong na ulit ito ay hindi ko magawang sabihin sa kaniya ang totoo. Nag-aalala ako para sa anak ko.
Hinaplos ko ang kaniyang matambok na pisngi na parang siopao. "Anak." Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam kung tama itong tatahakin kong daan pero karapatan ng anak ko na malaman ang totoo. "H-He's your second Daddy." Sabi ko kahit labag sa aking kalooban.
Nakita ko kung paanong nanlaki ang mga mata nito. "D-Daddy po? B-But... I thought Dada is my only Daddy." Nakakunot ang noong tanong nito.
Napangiti ako dahil sa kakyutan nito. Mahina kong pinisil ang kaniyang pisngi. "Hindi mabubuo si James kapag ako lang mag-isa, baby. You have another Daddy, and that guy earlier is your Daddy. Nakuha mo ba?" Tanong ko, titig na titig sa malalaki nitong matang parang diyamante.
Tinitigan niya ako ng ilang segundo bago naningkit ang mga mata saka tumango-tango. "O-Okay, Dada. I-I get it now."
Mahina akong natawa dahil sa ekspresyon pa lang sa mukha nito ay alam kong hindi niya talaga naintindihan ang sinabi ko. Pero gano'n pa man, gumaan kahit papaano ang bigat na nararamdaman ko sa aking damdamin.
"B-But why po now n'yo lang sinabi sa'kin, Dada?" Nakasimangot na tanong niya.
Napaiwas ako ng tingin at napakamot sa aking psingi. "Ah, eh..." Ano bang sasabihin ko? "K-Kasi, anak, si Daddy mo ay busy sa kaniyang work para makabili tayo ng laruan at ice cream." Lihim akong nagdiwang dahil sa palusot na naisip.
Kuminang ang mga mata ni James dahil sa narinig. Basta talaga ice cream ang usapan ay nakakalimutan nito ang ibang mahahalagang usapan namin. "Bili ba ako ni Daddy ng a lot of toys po and ice cream now that he's here po? Daddy came here po because of my birthday?" Nakatagilid ang kaniyang leeg ng sabihin iyon habang palapit ng palapit sa'kin.
Natawa ako at tumango-tango, "Yes. He came to celebrate your birthday, so Daddy will buy you everything you want." Pero kung hindi niya gagawin, ako na lang ang bibili. Ayaw kong paasahin itong anak namin.
"Yehey!" Sabik na wika nito at tumalon-talon sa malambot na kama dahilan kung bakit ito umalog-alog.
Hinawakan ko ito sa mga braso upang mahinto ito at muling pinaupo sa kama. "But first, I'll talk to your Daddy muna, okay? Stay here and magsleep ka muna."
Tumango ito at mabilis na humiga. Napailing na lamang ako dahil sa kaniyang ginawa. Basta talaga usapang laruan o pagkain, ang bilis nitong isang 'to.
"Babalik ako kaagad, 'nak." Lumapit ako sa kaniya para halikan ang kaniyang noo.
"Daddy will be here too?" Nakangiting tanong niya. "And buy me ice cream?"
Napakamot ako sa aking ulo at kahit pa malabong makasama si Callian pagbalik ko rito sa kuwarto ay tumango na lamang ako para hindi ito malungkot.
Mas lalong lumaki ang ngiti nito. "Okay po! I'll wait po here sa inyong dalawa."
Jace, anong ginawa mo?! Gusto kong sampalin ang aking sarili dahil sa mga kasinungalingan na sinasabi ko sa aking anak.
"O-Okay, anak." Sagot ko. "Rest ka muna, okay?" Sabi ko bago tumayo mula sa pagkakaupo sa kama. Muling bumalik ang bigat na nararamdaman ko sa aking dibdib. Paano kung saktan lang ni Callian ang anak namin?
BINABASA MO ANG
A Good Night's Mistake
Romance[ BOYS LOVE : OMEGAVERSE ] Jace loathes alphas ever since he was a kid, that's why he promised himself that he will never give in to them-because he knew that in the end they will always treat omegas like some kind of trash. But destiny has other pl...