Please don't take It seriously.
-
Pilit akong nag bubulagbulagan, para lang hindi sya mawala sa mga panigin ko. Nag bibingi bingihan para lang hindi ko marinig na may iba na syang mahal.
Dumating ang araw na ikinatatakot ko simula pa noong may nalaman ako. Ito na yun, Lahat ng pag bubulag bulagan, Pag bibingi bingihan ay mawawala.
"Here's the annulment paper. "
Wala akong nagawa kungdi ngumiti.
"Pipirmahan ko to pero-
"Pero?"
"Ibigay mo saakin ang araw na Ito. "
Sabi ko na nag pagulat sakanya.
"Sa mismong pag lubog ng araw, Pipirmahan ko to. Maging akin ka lang ngayon please mahal? Ngayon lang please? "
Ngumiti siya senyas na pumapayag siya.
Ito ang araw na sadyang hinding hindi ko makakalimutan. Ang pinaka masaya't pinaka malungkot.
Buong araw ay nasa bahay lamang kami. Nag kwekwentuhan, nag lalambingan, nag haharutan at kung ano ano pa. Pinaparamdam niya sakin ang nais kong maramdaman.
6:00pm, Inaaya ko siyang lumabas sa may veranda.
"Dito na yata nag tatapos ang ating istorya mahal, Salamat sa araw na Ito. Salamat dahil pinag bigyan mo'ko sa huling sandali. Salamat dahil katulad dati, binuo mo ang araw ko. Ito na ang hinahangad mong pirma mahal."
"Hanggang sa susunod na pag lubog ng araw mahal"
Saad ko pag katapos kong ibigay sakanya ang envelope na nag papatunay na hindi na ako ang nag mamay ari sakanya.
-
Yun lang Gudnayt.

BINABASA MO ANG
One shot (OgRe)
RomanceIf you're sensitive, don't read It nalang. This story contains different kind of typings. If you're going to read this, please keep In mind that this Is just a FAN FICTION and nothing to do with real life scenes. This Is just a made up story so Ple...