One shot.

273 8 0
                                    

Purely an imagination.

-
"Bye ate Rye. Ingat ka ha! Always lock your door anak ha." I said as our eldest daughter bid her goodbyes since babalik na siya sa Condo niya. Their sem break just finished.

"We love you ate. Always be safe. " My husband said while kissing and hugging our daughter.

"Yes po. I love you mom, dad! " Oh gosh. Here we are again with those good byes. She was about to go but since i couldn't help my self, i ran into her and hugged her very tight.

"We will miss you Anak."

"I will surely miss you both too Mom." Rye said and kissed my forehead.

"Hon, halika na. Rye needs to go, hon." My husband said while caressing my back.

And ayon na nga. Rye moves to her condo. We have Sarah and Nathan left. Ogie's still caressing my back as well as my hips.

"Tama na. Wala na ang anak natin." Sabi ko at tinanggal ang kamay niya.

"Hon naman. Itigil na natin to please?"

Me and my husband are rarely okay. Well okay naman kami but as Husband and wife, I guess we're not. Were both happy and contended before. Hindi ko nalang alam kung anong nangyayari ngayon. It just feels like, We felt out of love. Well not until my husband turned his company into his house. Yes. You heard It right. There's no third party.

"Please mahal. I'm begging you. Hayaan mo akong bumawi sainyo ng mga anak natin. Please hon. "

"Ginusto mo 'to hindi ba? So anong ina-arte arte mo diyan? "

"Please hon g-"

"Stop. I want to rest. Anjan naman sila Manang, pag nagutom ka mag pa luto ka nalang." I said and left him at the kitchen.

Hindi ko alam kung bakit humantong ako sa ganito. Manhid naba talaga ako? O sadyang nasaktan lang ako? Umakyat na'ko sa kwarto. Maya maya lang, bumukas ang pinto.

"Mag pahinga ka na. Mamaya aalis na tayo."
Sabi ko naman sakanya dahil buong araw yata tong naka buntot sakin.

"Saan nga tayo, hon?" Makakalimutin.

"Dinner nga diba? Dinner kasama sila Mama." Inis kong sabi. Ang tagal na kasing sinasabi to samin nila Mama.

"Ah okey sige. "

Nanatiling tahimik ang buong kwarto. Ni isa samin ay walang imik.

"Hon? Can we talk? Please?" Bungad ko sakanya. Alam kong nagulat 'to because it's been a while since I last called him hon. Sa mga oras na ito, Hindi ko na alam ang ginagawa ko. All i knew is that, Ayokong tuluyang masira ang pamilya ko.

"Please hon. 'Wag mong hayaan na masira ang pamilya natin. Huwag mo akong sukuan, Mahal." Luhang luha kong sabi habang nakahawak sa kamay niya.

"Nag mamakaawa ako sayo, Mahal. 'Wag please. " Humahagulgol na sabi ko sakanya.

"H-hey, hon. Hon. Look at me. Hon." Iniaangat niya ang ulo ko upang mapantayan ko ang mukha niya.

"Hinding hindi kita susukuan, mahal. Lagi mong tatandaan 'yan ha? Hinding hindi, mahal. Hindi. "
How can I unlove this man?

"Hindi ko rin hahayaang tuluyang masira ang pamilya natin, hon. Hindi mangyayari yun. " he said while Caressing my back.

"S-salamat mahal."

-

"Happy Birthday, Anak! Daddy and Mommy loves you very much! " Sabi ni Ogie sabay halik sa anak namin.

"Thank you po Dad! I love you both too!" Sagot naman ng anak namin.

"Aside from your wish na lego, Do you have any wishes left anak?" Ogie said while fixing our sons polo.

"Yes dad. I want you and mom to be together po." Anak, bakit naman ganyan yang sagot mo.

"Uhm anak, let's go down stairs na. Andon na raw sila tita lei. Come na." Iwas ko naman. Grabe na to ha.

"Mahal. "

Hindi ko masisisi kung bibitaw na ang asawa ko. Ako ang napapagod para sakanya. Bakit ba hindi nalang to sumuko? Ano bang nangyayari sakin? Ayaw kong mawalan ng tatay at mawalan ng perpektong pamilya ang mga anak ko pero bakit hindi ko siya magawang mapatawad? Balikan natin.

"H-hon. W-wag ka nang umalis please? W-wala akong kasama dito sa bahay. Please baba? "

"Mahal naman. Kailangan kong pumasok. Umabsent na'ko kahapon hindi ba?"

"Pero mahal. M-masakit pa din pakiramdam ko hon. "

"Sorry, hon. But I really need to go. I'm sorry baba. Babawi ako." He said and kissed my forehead and lips.

Ng mga oras na ito, wala na'kong ginawa kung di humilata sa kama at hintayin ang asawa ko. Nang bigla namang sumakit ang tyan ko. Hindi ko alam kung anong nangyayare. The last thing I remember, I was calling out my husband's name before I blacked out.

I woke up then figured out I'm In a hospital. I saw mommy (My husband's mom) beside me and shocked when I opened my eyes. She immediately called the doctor.

"Mrs. Alcasid? How are you feeling?"

"O-okay naman po. " Why do I feel so light tho?

"Uhm. I'm about to tell you something Mrs. You were 1 month pregnant and due to the delay nang pag punta mo dito, hindi kinaya ni baby at tuluyang bumitaw."

-

See? That's how It works. Kaya ako napagod sakanya. We lost a baby. Ang daling sabihin pero ang hirap tanggapin. Kung hindi lang siya umalis, baka buhay pa sana ang anak namin. Kung mas pinili niya lang sana ako kesa sa trabaho niya, Buhay pa sana ang bunso namin. Sa iba, apaka simpleng rason para tuluyang lumayo ang loob ko sakanya. Pero para sakin? Sapat na itong rason na ito para iwan siya. Alam ko naman na hindi niya kasalanan. But when the doctor said "due to the delay nang pag punta mo dito, hindi kinaya ni Baby at tuluyang bumitaw." Kung sana andyan lang siya, Masaya pa sana kami.

Aside from that, Ayoko parin na tuluyang masira ang  pinag hirapan naming pamilya dahil lang sa pag ka wala ng anak namin.

"Hon? Are you okay?" Sabi sakin ng asawa ko nang napatulala ako.

"Y-yes. I-i'm fine."

-

"Happy Happy Birthday my Sweetheart. I love you!"

"Thank you Mommy! I love you more."

Today Is Nathan's 7th Birthday. Nag aayos lang kami para sa party niya.

"Aside from your wish na Lego anak, What more do you want?" My husband said while fixing Nathan's polo.

"I want you and mommy to bati na po." I am completely in shock on what my son just said.

"A-anak?"

"Don't deny it mommy. I know you and dad are not in good term. Please, mom dad. Fix our family po."
Hindi ko alam kung saan at paano niya nalaman.

"W-we will anak. We will.  Me and dad will fix this okay? Enjoy your day boo. Happy Birthday anak."

-

"Mom, baka naman gusto niyong bigyan ng bunso si Boo. Sa kwarto ko to matutulog ha."

"Sarah jusko kung ano anong naiisip mo. Mabuti pa't umakyat na kayo't mag si tulog na."

"Hahaha bye mom, dad. Good night po. Love you both." Hinalikan naman kami ng dalawa bago tuluyang umakyat.

"Ogie. "
"Mag usap tayo. Pag usapan natin. "
Tumango lang ito at tila iniintay akong mag salita.

"Hon, I just want to say na, hindi ko sinasadya mahal. Hindi ko naman alam na yun na pala ang nagiging epekto ng pag ka lulon ko sa trabaho. Patawad mahal. Patawad. "

Tuloy tuloy ang pag agos ng aming nga luha. Nag usap na para bang wala nang panahon upang gawin itong muli. At sa huli, lumabas kaming mag ka hawak kamay, mag ka dikit ang mga katawan. Lumabas kaming dala dala parin ang pag mamahal ng isa't isa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 03, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One shot (OgRe)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon