Prologue
Isang tunay na magkaibigan ang nagkakilala sa London. Naging magkaibigan sila mula ng sila ay naging mag kaklase sa College. Sa hindi inaasahang pagkakataon si Raigne ay napagkumpirmahan na may dinadalang malalalang sakit at dumating sa pagkakataon na nag paalam sya kay Sandro na aalis sya upang magpagaling ngunit lumipas ang maraming taon ay hindi na sila muling nagkita. Nangako ito na kahit na anong mangyari ay babantayan sya nito na para bang nagpapaalam na at babalik itong muli para sa binata.
*Raigne's Pov
Habang naghahanda si Raigne para pumasok sa trabaho. Naalala nito na nag papatulong pala sya sa pinsan nya na makapasok sa Municipal Hall ng 1st District sa Laoag City sa Ilocos Norte kahit na hindi naman nya kailangan.
"BAKLA!!" sigaw ni Raigne sa pinsan na si Angelo. Gela for short(yes he's gay)
Nakalimutan ata nito na wala na ang pinsan sa bahay. 2 buwan na ang nakakaraan.
"Asan na ba iyon." Tanong ng dalaga sa sarili.
" °_° " Naalala na nito na wala na ang pinsan kaya naisipan na lang nya na tawagan ito.
*PHONE RINGING*
"Hello, ang aga-aga at ako na naman ang iniistorbo mo at anu na naman iyon ha?" Inis na sagot ng pinsan sakanya.
"Galit agad, kakamustahin lang naman kita ehh." Sagot nito. "May itatanong lang naman ako."
"Ano iyon?"
"Kamusta yung pag-apply ko sa municipal, tanggap na ba ako?" Masayang tanong ni Raigne.
"Excited, advance mag-isip."
"Tungkol pala doon, kagabi lang nag text saakin ang secretary sa municipal hall na pwede ka daw mag start muna as secretary. May interview tomorrow, free kaba?" Dugtong nito.
"Yes, I'm free tomorrow. What time so I can set it?"
"Wala pa sinabi saaking oras but I gave your number para mainform karin nila."
Nagpasalamat ang dalaga sa pinsan. Lagi talaga itong maaasahan sa lahat ng oras.
Malakas ang loob ng dalagang si Raigne na matatanggap sya dahil sa mataas na natapos nito sa kolehiyo na siya namang bagay na bagay para sa lugar na papasukan nya kung sakali na matanggap siya.
*PHONE VIBRATES*
Naramdaman nya na nagba-vibrate ang kanyang telepono. Indikasyon na maaaring mayroong tumatawag, kaya dali-dali nya itong tinignan at nakita nya na mayroong tumatawag na hindi nakaregister na number sa kanyang cellphone.
Naalala nya ang sinabi ng pinsan na ibinigay nito ang kanyang numero sa Secretary sa Municipal hall kaya dali nya rin itong sinagot.
"Hi good morning, how can I help you?" Pormal na bati ng dalaga sa kabilang linya.
"Hi I'm Lauren from the Municpal hall of 1st district here at Laoag. Secretary of Gov. Matthew Manotoc. I just want to know if this is Raigne Villarazon?"
tanong ng babae na nasa kabilang linya ng telepono.
"Yes po. What can I do for you ma'am?"
Sagot nito na parang hindi alam kung sino ang kausap nya. Pinipilit na pigilan ang tawa at saya dahil alam nya na malapit na ang hinihintay nya.
"Ok ma'am, just want to inform you that you have a interview tomorrow at 8:30am sharp for the position that you are applying with, as the secretary here at the Municipal. Please don't be late."
Paliwanag ng babae na Lauren daw ang pangalan.
"Yes po ma'am I'll be right there tomorrow, thank you!"
*CALL ENDED*
Sa sobrang saya nakalimutan na yata nito ang trabaho😆
YOU ARE READING
Unfamiliar
FanfictionThis story is purely fictional. All of the events and some of the charcters are only one of the author's imagination. Their character in this story are not they are in real life. Hope you enjoy and keep supporting the Marcoses.🤗