SIMON'S POV
*In the car
Saan kaya nya kinuha yung pambayad nya saakin? Naka cheque pa.
What the hell....why I am thinking like this? Do I really need to know? Dapat maglasalamat na lang ako dahil nabayaran na nya ako. Hindi naman sya siguro nagbenta ng....Basta.
But she's cute. She's nice and kind. I like her. What...no, hindi pwede. She's only a secretary, kuya's secretary kaya hindi dapat. It's very wrong.
End of Simon's Pov
Hindi nakatulog ng maayos si Raigne dahil sa kirot ng sugat. Nanggaling yun sa singsing na suot ng lalaki na humatak sakanya. Medyo namamaga iyon at tuloy parin ang pagdugo kaya naisipan nya na linisin iyon ulit para hindi na maimpeksyon. Naalala nya ang paggamot sakanya ni Sandro kaya hindi nya maiwasang mapangiti. Ito nalang ulit ang unang beses na naramdaman nya ang pagkalinga ng dating kaibigan. Ito ulit ang unang beses na natitigan nya ang binata ng malapitan.
Mag-aalauna na ng madaling araw ay gising padin sya. Nakahiga sa kama at nakatulala sa kisame ng kanyang kwarto ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. Dahilan para masira ang katahimikan na bumabalot sa loob ng kanyang silid.
*Messages
"Gising ka pa ba? Kamusta yung sugat mo?" -Sandro
"Opo, ok naman na po yung sugat salamat po." -Raigne
"Bakit gising kapa?" -Sandro
"Hindi ko po alam." -Raigne
"Medyo inaantok na po ako." -Raigne
"Good night sir." -Raigne
"Good night." -Sandro
Iyan lamang ang pinag-usapan nila dahil naisipan na ni Raigne na tapusin agad at sabihin na inaantok na sya kahit hindi pa. Naisipan nyang magtimpla ng gatas para makatulog na at makapagpahinga na.
YOU ARE READING
Unfamiliar
FanfictionThis story is purely fictional. All of the events and some of the charcters are only one of the author's imagination. Their character in this story are not they are in real life. Hope you enjoy and keep supporting the Marcoses.🤗