Prologue

308 16 32
                                    

Sa isang maaraw at magandang umaga ng Big Birds Academy, katatapos lang ng Fun Run at opisyal nang magsisimula ang intrams. Pagkapasok na pagkapasok palang ni Youngjae sa gate ay rinig na rinig na ang malakas na boses ni Jackson at Jb na nagaaway.


"AKO NGA NAUNA DIBA?!" Umaapoy na sigaw ni JB.

"Huh? Excuse me instik na walang nakikita! Sa tinggin mo matatalo mo ako eh puro muscles katawan ko huh?" Tapos pinakita ni Jackson muscles niya. ᕙ(⇀‸↼‶)ᕗ


 "MUSCLES? TABA YAN!!!! MALIIT KA NA NGA, MATABA KA PA!!! TABAA!!!" Sigaw ni JB.


"ANO SABI MO!? ATLEAST MAS MALAKI ITLOG KO KAYSA SAYO!" Tinulak ni Jackson si JB.


Tinulak rin pabalik ni JB si Jackson at nagtinginan sila ng super close na halos maduling na sila sa isa't-isa.


Ganyan lagi ang umaga ni Youngjae. Maingay na Jackson at JB. Pero kahit mag-away, magtulakan, magsabunutan, magsampalan, magwrestling, magpatayan at kung ano ano ang gawin ni Jb at Jackson sa isa't-isa, matalik parin silang magkaibigan.


"Hyuunngg!~" Biglang nag-earthquake habang papalapit ang isip bata na damulag na si Yugyeom.


"O bakit?" Tanong ni Youngjae. Eh pano? Ang laki laki ng ngiti ni Yugyeom! Halos linya na ang mga mata niya sa ngiti niya.


"Nauna ka pala hyung? Bilis mo talaga! May nakita kasi akong teddy bear stand kaya yun! Bumili muna ako!" Ngisi ng damulag habang pinapakita ang teddy bear kay Youngjae na siya namang nakangiti nalang para sa Barney na kaibigan.


Pagkapasok ni Mark at JR sa gate tumatawa sila nang biglang nadapa si Jr.


"Aray! Yung daliri ko!" Hawak ni Jr sa hinliliit niya na parang  wala namang diperensya.

"Jr!? Okay ka lang ba? Gusto mo idala kita sa clinic?" Nagpapanic na tanong ni Mark sabay hawak nito sa mukha ni Jr.

"Hindi na. Siguro ito sasakit kung bibigyan mo ako ng..." At tila nginuso ni JR and labi nito kay Mark.


Ngumiti naman si Mark nang malambing at binuhat naman si Junior papunta sa upuan BRIDAL STYLE. Mukhang doon pa nila naisip magkaroon ng PRIVATE TIME.

Habang naglalandian sina Mark at Jr sa gilid, nagaaway sina Jackson at Jb, naglalaro naman si  Yugyeom sa bagong laruan niya na tila parang may sariling mundo, at Youngjae naman ay napapabuntong-hininga nalang sa araw-araw na set-up nila.


Sa gilid ng maliit ng mata ni Youngjae, nakita niya ang isang pakembot kembot na toothpick na naglakad...Si BamBam pala.


"Mga hyung andito na—" Biglang nadapa si BamBam kahit wala namang rason para madapa, gumulong gulong at naitilapon ito sa kanal.


"WAHAHAHAHHAHAHAHA!" Tawa ng buong barkada.

"YAN KASI ANG TANGA TANGA MO BAMBAM!" Sigaw ni Jb.

"Guys!! Huwag kayong ganyan!!" Hiyaw ni Jackson na nagpaka-lunod rin sa kanal upang tulungan ang kanyang baby.

"TANGINA JACKSON!!! ANG BAKLA MO!!!" Sigaw ni JB. Sabay tawa nito sa huli.

Jologs 7 (GOT7 CrackFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon