"Syempre!!! Coach ng TEAM SIOPAO si Suga eh!!! Siguradong panalo sila!!" Pagrereklamo ni Yugyeom.
"Paano ba yan Yugyeom, makakalaban niyo sina Mark hyung at Jr para sa championships." Hinawakan ni Youngjae ang kabuteng buhok ni Yugyeom.
"Tssskkkk!!! Wala akong pake-alam. Gagalingan namin at TEAM ITLOG ang magiging champion ng basketbol." Seryosong sagot ni Yugyeom.
Tumungo ang dalawa sa locker room ng TEAM ITLOG. Nakita nila si Jin at Jimin.
"Wala pa ba si Jackson-hyung?" Tanong ni Yugyeom sa kanilang dalawa.
"Wala pa siya. Hanapin mo kaya siya." Nagma-make-up si Jin.
"Punta ka na Yugyeom. Limang minuto nalang at magsisimula na ang laro." Sabi ni Jimin habang nagb-body wave ng katawan sa harapan ng salamin. "Hay.... Ang sexy ko talaga." Hindi palang nagsisimula ang laro ay tagaktak na ang pawis ni Jimin dahil sa walang tigil na pagwa-wave niya. Jusmiyo itong bata na ito.
"Sige, sasamahan kita." Alok ni Youngjae kay Yugyeom. "Malakas ang kutob ko kung nasaan sila."
Nagtungo ang dalawa sa likod ng gym At doon nga ay narinig nila si Jackson at Bambam na tila nag-eexercise ang dalawa.
"Pagod na ako hyung!!! Tama na!!!" Nagmamaka-awang sabi ni Bambam.
Nang makaliko na si Youngjae at Yugyeom sa pinagmulan ng boses ni Bambam, nakita nilang papatakbo ito sa direksyon nila.
"Hyuuungg!!" Mahigpit na yakap ni BamBam na parang bata kay Youngjae sabay hagulgol.
Lumabas na rin sa dilim si Jackson at nakitang pawisan.
"Bam! Were not done yet!" English ng WangKong at hahawakan na niya sana ang kamay ni BamBam ngunit agad itong tinapik ni BamBam.
Tila nanunuod si Youngjae at Yugyeom ng telanovela sa ABS-CBN dahil sa kadramahan ng dalawa.
Halata na galit si BamBam kay Jackson pero eto naman si Jackson napaka-slow at hindi ma-gets ang sitwasyon na galit si BamBam.
"Aii~ Gusto mo pa 'no? Halika na kasi!" Sinubukan muli ni Jackson na hawakan ang kamay ng kasintahan pero agad na sumigaw si BamBam.
"Jackson-hyung ano ba?! Hindi mo ba naiintindihan na ayaw ko na? Pagod na ako hyung! Kung sabi kong masakit, masakit talaga! Ano ba tingin mo saakin laruan na anytime, anywhere pwede mong i-ganun?!" Sigaw ni BamBam.
"Wow. Hugot." Mahinang sabi ni Yugyeom at tila pinipigilang tumawa.
Nagulat naman si Jackson sa sinabi ni BamBam. "H-hindi ka laruan BamBam! Wo Ai Ni!!" Depensa niya.
"Mahal? Mahal pa ba ang sinasaktan at walang sawa sa pagganun saakin?! Mahal rin kita Hyung kaso sobra na ito! Ayaw na kitang makita muli! I hate you!" Iyak ni BamBam at tumakbo palayo na nanghihina. Para siyang stick na bakla patakbo kung saan man na umiiyak.
Napabuntong hininga si Youngjae at umiling.
"Hyung ayos ka lang ba?" Nag-aalala na hawak ni Yugyeom kay Jackson sa balikat. Yung nakangiti at mapanglokong mukha ni Jackson ay ngayo'y naka-sumimangot.
"Hayaan niyo nalang muna ako..." Sabi ni Jackson sabay walkout na nakapamulsa sa shorts niya. Parang may nakakadepress na aura na nakapaligid kay Jackson.
"Hyung game na kaya punta ka nalang sa gym!!" Sigaw ni Yugyeom.
Itinaas lang ni Jackson ang kamay niya na parang sumasang-ayon at nagpatuloy pa rin sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
Jologs 7 (GOT7 CrackFic)
FanfictionCOME AND GET IT! JOLOGS SEVEN! Samahan ang Jologs Seven sa mga kalokohan, kabaklahan at katarantaduhan ng buhay nila sa BigBirds Academy.