CHAPTER FOUR

10 2 0
                                    

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatagos galing sa bintana ko kahit may kurtina. I checked my phone at tinignan kung anong oras na, it's 6 am so I got up and went to the bathroom para maligo.

Habang naliligo ay nagpapatugtog ako ng kanta para hindi naman ako ma-bored. Mabilis lang naman akong maligo so nagbihis na agad ako at lumabas na.

Agad akong sinalubong ni mama at ibinigay ang dalawang basket na puno ng labahan. "Maglaba ka nang magkaroon ka naman lang ng silbi," Sabi niya sa 'kin at pumunta sa sala at naupo habang nanonood silang apat ng TV.

Napabuntong-hininga na lang ako. Wala pa akong kain simula pa kagabi kaya nagugutom ako, pero hindi naman ako makakakain dahil may pinapagawa sa akin.

Agad kong sineparate ang puti sa ibang kulay para hindi mahaluan ng ibang kulay na galing sa ibang damit. Sinimulan kong labahan ang mga puti dahil kakaunti lang naman ang mga 'yon at pagkatapos ay sinunod ko na rin ang mga de kolor na damit.

Napapabuntong-hininga na lang ako dahil sa pagod. Walang tumutulong sa 'kin ni isa sa kanila. Wala naman silang ginagawa; nanonood lang ng tv at nagce-cellphone.

Pagkatapos kong maglaba ay agad kong inilabas para paarawan para matuyo. Pagkapasok ko ay nakita kong kumakain sila at wala nang natira kaya pumasok na lang ako sa kuwarto para magpahinga. Masyadong marami ang damit na nilabahan ko kaya namumula at meron mga kaunting sugat ang kamay ko kaya napapangiwi ako sa hapdi.

I opened my phone at nag scroll sa fb. I saw a post at may caption na, "With my family.". It was posted by my mother one hour ago. I ignored it at inilibang ko ang sarili ko by sharing memes.

As I was scrolling, nag popped out ang chat head ng profile ni Nics kaya binuksan ko.

Nicole Allison Chua:
Accla! anek ang ganap for 2 dayz vidyaur?

I laughed dahil sa chat niya. Kahit kailan talaga, hindi seseryoso 'tong babaeng 'to.

Aliesha Buenaventura:
Secret baka mahulaan mo.

Agad siyang nag seen at nag reply din agad.

Nicole Allison Chua:
Gaga, tara sa mall tapos ipapaalam kita riyan :-P

Aliesha Buenaventura:
Go.

After non ay agad akong nag out at nagsimula nang mag ayos. Agad naman silang pumapayag pag si Nicole ang kasama ko kaya walang problema. Mabait naman sila kay Nicole kaya agad-agad pumapayag.

Matapos kong mag ayos ay eksatong nakapasok si Nicole sa k'warto ko. Nakalimutan ko pala mag lock.

I'm wearing a white dress and black sneakers. Nag lagay lang din ako ng light makeup para naman presentable ako pag labas ko.

"Ganda ah," Nicole complimented me and I smiled at her. "Bolera," I said and she laughed.

She's wearing a crop top pero backless and high waist jeans and two inches black shoes. She's so sexy.

"Gaga, mas maganda ka kaya 'wag kang patatalo," I said and she smiled. "Labas na nga tayo," I added.

Lumabas na ako at sumunod din siya. As usual, they complimented her and compared me to her. Nagpaalam na kami at umalis na ng bahay.

Nang makalabas kami ay nakita ko ang sasakyan ni Nicole na nakapark sa tapat ng bahay namin. Agad niya akong hinila at pumasok na kami sa loob ng sasakyan niya. Hindi siya ang magdri-drive ngayon kaya magkatabi kami ngayon sa likod.

"Alam ba nila tita na dala mo 'yong car mo ngayon?" I asked her. Hindi kasi siya pinapayagan na ilabas ang sasakyan niya hanggang hindi pa siya eighteen.

Where Do I BelongWhere stories live. Discover now