CHAPTER SEVEN

5 1 0
                                    

Nagising ako dahil sa ingay na nagmumula sa labas ng kwarto ko. They're banging my door like they're planning to ruin it. Kahit kailan hindi talaga nila ako bibigyan ng pagkakataong mag pahinga. As far as I remember, the last time I rested was years and years ago.

"Hoy! 'wag kang mag feeling senyorita riyan! gumising ka at mag handa ng makakain!" Sabi ni mama mula sa labas habang pinupukpok ang kuwarto ko. Bakit kaya hindi niya magawang mautusan 'yong iba kong mga kapatid?

Bumangon ako at nag palit ng damit. Ipinusod ko na rin 'yong buhok ko para hindi na rin ako mainitan at para hindi na rin ako mahirapang kumilos.

Pagkalabas ko ng kuwarto ay nag tinginan silang lahat sa akin. May naka-upo sa sofa na may edad na lalaki at isa ring lalaki na parang kasing edad ko lang, isa ring babaeng parang kasing edad lang ni mama. It was my first time seeing them here, so hindi ako pamilyar sa kanila.

Dumiretso na lang ako sa kusina dahil alam ko naman na ako ang kikilos para sa mga bisita nila. Maaga pa naman para sa klase kaya hindi ko na masyadong binilisan.

Habang naghahanda ako ng pagkain ay naririnig kong nag-u-usap-usap silang lahat sa sala at nagtatawanan. Gusto ko rin naman maranasan 'yan.

"So, kumusta naman si Ally?" Rinig kong tanong ng ginang. Lahat sila nag tinginan sa akin at bigla namang nag salita si ate para mapukaw ang atensiyon nila sa kaniya.

"Sus! gano'n pa rin talaga, tita. Wala talagang pakinabang. Hindi namin alam kung anong plano niyan sa buhay niya, e," Sabi ni ate kaya tumingin sa akin 'yong binata at nginitian niya ako. Nag iwas na lang ako ng tingin at ginawa ang ginagawa ko.

Nang matapos ako sa ginagawa ko ay pumunta na ako sa sala at ibinigay ang mga inihanda kong pagkain. Lahat sila nakatingin sa akin kaya hindi ko maiwasang hindi mag isip ng kung anu-ano.

"Salamat," Sabi ng binatilyo at ngumiti sa akin. Alam kong bawal akong ngumiti sa mga bisita dahil 'yon ang sabi sa akin kaya hindi ko na lang pinansin.

Agad akong bumalik sa kusina at kumuha ng makakain ko. Habang kumakain ay naririnig ko silang napag-u-usapan kung gaano ka-successful na model at unfluencer si Althea. At, kung gaano rin katalino si Avery.

Maya't maya pa ay pumasok ang binatilyo sa kusina na may dala-dalang baso at plato na mukhang pinagkainan niya lang. Ngumingiti ito sa akin. Hindi ba 'to nangangalay kangingiti?

"May maitutulong ba ako sa 'yo?" I asked him. Tumalikod ito at inilagay ang pinagkainan sa lababo at umupo ito sa harapan ko.

He cleared his throat first before saying anything. "It's my first time seeing you. Akala ko, dalawa lang silang anak ni tito," Panimula nito. Hindi na rin ako nag taka sa sinabi nito, lahat naman ganiyan ang akala. Silang dalawa lang naman ang palaging pinapakilala sa lahat.

Hindi na lang ako nag salita dahil wala rin namang lumalabas ng kung ano sa bibig ko. Naramdaman niya ata 'yon kaya nag salita siya ulit. "I'm Kenneth, your cousin," Pagpapakilala nito sa akin at inilahad ang kamay niya sa akin, tinignan ko 'yon nang nagdadalawang-isip.

"I'm Aliesha," Sabi ko at tinanggap ko naman ang nakalahad nitong kamay.

Nagkuwento siya ng kahit na ano. Kinuwento niya rin kung bakit ngayon lang kami nag kita at dahil 'yon sa lumaki siya sa ibang bansa at kauuwi niya lang dito sa pilipinas. Magaling siya mag tagalog dahil sa bahay nila, 'yon ang ginagamit nilang lenggwahe.

Pala-ngiti itong tao kaya mas lalong nakikita ang dimple nito. Maputi ito at light brown ang mata, matangkad din at matangos ang ilong. Siguro nga ay marami na itong babaeng nasaktan.

Napatingin ako sa oras at agad akong tumayo at nagpaalam kay Kenneth. Sinabi ko na malapit na mag time sa school at naintindihan niya naman 'yon.

Takbo-lakad ang ginawa ko papuntang school, buti na lang ay hindi ako naabutan ng time dahil 'yong sunod sa akin ay hinarangan na ng guard.

Where Do I BelongWhere stories live. Discover now