Alex's POV
"Waaaaah! Atlast break time na gutom na gutom na ako eh. Tara mga tol kain na tayo" - Stephen
"Tara gutom na din ako eh" - Morris sabay tayo. Sumunod na din ako kaso si Gerald nakatunganga pa din tsk! Tsk! Di ba siya nagugutom.
"Oy! Gerald tara na ayaw mo ba kumain?"
"Ayoko na mag-aral" - malumanay niyang tugon sakin. Ano daw? Ayaw na niyang mag-aral?
"Anong ayaw mo nang mag-aral pre? Kung kalian 4th year na tayo saka ka pa susuko? Ang Bading mo pre HAHA" - Stephen
"Ayoko na! nakakadugo ng utak! Yung Physics... Arrrrgggh!" - sabi ni Gerald sabay tungo sa desk.
"Alam mo Gerald may mas mahirap pa sa Physics! Kung ngayon pa lang sumusuko ka na pano ka sa college NGA-NGA!"- Morris, tama nga naman kung ngayong 4th year pa lang suko na pano pa kaya pag-college tsk! Tsk!..
"Tama na nga yan! Gutom na gutom na ako eh, tumayo ka na diyan Gerald dami mong drama. Tara na!" - sabay hila ng kamay ni Gerald na halatang walang gana. Kawawa naman halatang di na kaya eh HAHAHA.
Tuluyan na kaming naglakad papunta sa Main Canteen ng school. Habang naglalakad napansin ko na agad yung babaeng kakalabas lang ng canteen may hawak siyang Palabok at nestea. Ang Ganda niya talaga kahit malayuan kumikinang ang pagka-light brown niyang buhok sa tapat ng araw, ang ganda din ng mata niya na magpapa-isip sayo kung isa ba siyang koreana.
Hindi ko namalayan na nasa tapat na niya pala kami halata sa mukha niya ang gulat ng Makita kami. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko ng magkatinginan ang mga mata namin pero hindi ko pinahalata na naiilang ako. Hanggang ngayon wala pa rin akong lakas ng loob na magtapat at sabihin ang nararamdaman ko, naiinis ako sa sarili ko na sana katulad na lang ako ni Gerald, madali lang ang magtapat at sabihing mahal ang isang babae na sana katulad na lang ako ni Morris na kayang ipadama at aminin na mahal niya ang isang babae at sana katulad ako ng bestfriend ko na kahit mayabang at may pagka-pessimistico ay matapang pa din.
Kaso hindi ako ganun hindi ko kayang maging womanizer, hindi ko kayang manloko at higit sa lahat hindi ko kaya ang magtapat lalo na sa babaeng gusto ko, ay mali, MAHAL KO HINDI KO KAYANG MARINIG ANG ISASAGOT NIYA. HINDI KO KAYA.
"Hi Ehra"- nagising ako sa realidad ng magsalita si Gerald, halata rin sa mukha ni Ehra ang pagtataka.
"A-ah H-hi?"
"You're stuttering Ms. MERMAID" - nagulat naman ako sa sinabi ni Stephen. Ms. Mermaid? Ano nanaman bang naiisip ng mokong na toh?
"Hey Dude! You're being rude" - Morris habang natatawa. Ms. Mermaid? Rude? Ngayon ko lang nakuha ano bang problema nila naiinsulto na si Ehra.
"Ms. Mermaid?" Mataray na sagot ni Ehra na halatang naiinis at naguguluhan sa sinabi ni Stephen.
"Oo diba ikaw yung nakawalang sirena sa dagat tapos nag-slide sa hagdan last week HAHAHAHA So-sorry naa-lala .....HAHAHAH..... ko lang.. Sh*t men sakit ng tiyan ko!" -sabi ni Stephen na hindi ko mapigilang maiinis. Eto ang isa sa kinaiinisan ko sakanya. Babae pa rin si Ehra wala pa rin siyang karapatan pahiyain at insultuhin si Ehra, ang babaeng mahal ko. Kitang kita ko naman ang pamumula ni Ehra sa kahihiyan hindi ko kayang Makita siyang nasasaktan kaya nang dahil dun hindi ko na napigilan ang hindi sumabat sa inis.
"Stop it Stephen! Nakaka-insulto ka na"
"Oh ! oh Sorry pre di ko sinasadya" sabi niya sabay tuon agad ng tingin kay Ehra.
"Sorry Ehra pero hindi ko talaga makakalimutan yon. Yun ang pinaka magandang scene na nakita ko sa buong buhay ko HAHAHA sige sa susunod ulit" -sabi niya ulit pero tumigil din sa tapat ni Ehra at bumulong "sa susunod ulit yung mas nakakatawa" -sabay diretsong pumasok sa Canteen sumunod naman si Gerald sakanya na kumindat pa kay Ehra bago umalis.
BINABASA MO ANG
My First Love, My Destiny (On-Going)
Novela JuvenilSi Ehryza jane ay isang masipag, mabait, makulit, minsan mataray, pilosopo at positibo kung mag-isip. Ehra's Status: Single :) Si Stephen Raye naman ay gwapo kahit maitim, matangkad, chinito, matikas at dancer in short Heartthrob ang pangit lang sa...