Ehra’s POV
Umuwi ako sa bahay ng pagod at gutom wholeday kasi namin ngayon. Hindi din ako nakakain ng hapunan dahil sa ang daming bayarin kanina sa school naubos tuloy ang pera ko.. Hay buhay :3 Dagdagan mo pa sa init ng ulo ko dahil sa isang Toasted Human. Hanggang ngayon hindi pa rin ako maka-move on sa pamamahiya niya sakin kanina nakakainis talaga.
“Oh anak nandito ka na pala tamang tama mainit pa itong pagkain na inihanda ko. Halina at kumain ka na” sabi sakin ni nanay Elvira pagkapasok ko sabahay. Nag-mano muna ako bago sumagot “Sige po”
“Bakit naman ang asim ng mukha ng baby ko eh kararating mo lang? anong nangyari sa school at ganyan ka ngayon?” tanong sakin ni nanay
“Wala naman po Nay nakakapagod lang po ang araw na toh tsaka may nakilala po kasi akong taong tostado, ang sama po ng ugali pinahiya ba naman po ako?sa harap pa ng crush ko (-_______-“) nakakainis talaga ..” sabi ko na lang kay Nanay.
“Siraulo yun ah! Anong karapatan niya insultuhin ang baby ko! Aba’t pupuntahan ko yang sinasabi mong taong tostado ngayon din. Tara na! Resbakan na natin!” sabi niya at umaktong nakikipagsuntukan, hay nako si Nanay talaga.
“Nay naman eh wag po kayo mag-alala pinagtangol naman po ako ng crush ko ^_____^ tsaka itigil niyo po yan di bagay sa inyo haha”
“eeeeehhh? Pinagtanggol ka ng crush mo? Yung Alex ba kamo? Aysus lumalablayf na talaga itong anak ko dalagang dalaga na talaga.” Sabay halik ni nanay sa mukha ko.
“Nay naman eh pinagtanggol lang naman po ako tsaka sabi ko nga po sa inyo imposibleng may gusto sakin yung tao….. pero alam niyo nay pakiramdam ko may gusto siya sa akin hihi… pero imposible talaga na may gusto siya sakin pero naramdaman ko nay, naramdaman ko.. Ang gwapo niya” sabi ko habang kinikilig.
“Pakiramdam mo lang yun.. Assuming itong batang toh”
“Nay naman eh!”
“OO na ito naman biro lang eh haha” si nanay na iiling iling na natawa. Si nanay? Alam niya lahat. Ikinukwento ko lahat sakanya kaya alam niya din ang tungkol kay Alex. Mahilig din kasi yan sa mga loveteam at siya yung tipong hindi lang nanay kundi para ko na ding tatay, kapatid at kaibigan.
“Ay oo nga pala Nay dapat ako ang nagsasabi niyan sa inyo eh. Bakit ba kasi di niyo pa po asikasuhin ang Lovelife niyo, bakit po di pa kayo mag-asawa ?gusto ko na din po ng kapatid” sabi ko ng nakangisi at pataas taas ng kilay.
“Ay jusko ginoo Nak! Manahimik ka nga diyan bata ka” sabi niya sakin sabay hampas sa braso ko ng di oras.
“Eh bakit naman nay? Wala pa naman po kayo sa edad-40 tsaka kahit mataba kayo eh maputi at makinis naman. Kahit isa lng din po kayong labandera eh may asim pa din. Oh” sabay amoy ko sakanya
“Ewan ko sayo Ehryza Jane! Puro ka biro tsk! Tsk! Kainin mo na lang yang pagkaing inihanda ko nilalamig na yan puro ka kasi daldal naku..naku itong batang toh talaga..Hala sige kumain na alam kong gutom ka na” wala na akong nagawa kundi ang sumunod ang cute ni nanay eh namumula kasi siya.
“Sige na nga po si nanay talaga” at kinuha ko na ang pagkin na inihanda ni nanay at sunod ay kinain.
Maya maya lang din ng malapit na akong matapos sa pagkain ay nagsalita ulit ako.
“Nay Elvira?”
“Hmmm?” sabay tungo ng kanyang paningin sa akin “Tapos ka na pala kumain ako na ang maghuhugas niyan” nang tuluyang kunin ni nanay ang pinagkainan ko at aakmang na sanang tatayo ay nagsalita ulit ako.
“Bakit niyo po piniling itaguyod ako mag-isa?” walang anu-anong tanong ko sakanya na halatang ikinagulat niya.
“Ang ibig ko pong sabihin ay….. alam ko naman po na may ilan ilang tumutulong sa inyo para suportahan kayo sa pagpapalaki sa akin, pero kayo…. Bakit hindi kayo nag-asawa? Alam naman po natin ang katotohanan na hindi ninyo ako anak. Ayoko rin naman po na ako ang dahilan kung bakit mas pinili niyong maging matandang dalaga at alagaan ako imbes na mag-asawa. 35 pa lng naman ho kayo kaya pwede pa” sabay ngiti ng bahagya “ Isapa ayos lang naman po sakin eh. Ayos lang po na mag-“
BINABASA MO ANG
My First Love, My Destiny (On-Going)
Dla nastolatkówSi Ehryza jane ay isang masipag, mabait, makulit, minsan mataray, pilosopo at positibo kung mag-isip. Ehra's Status: Single :) Si Stephen Raye naman ay gwapo kahit maitim, matangkad, chinito, matikas at dancer in short Heartthrob ang pangit lang sa...