Prologue

22 2 0
                                    

Mag-alala, takot, takot na maiinis siya sa akin, natatakot ako na iwan niya ako at ikulong ako. Kaya't hindi niya dapat alamin ang katotohanan. Natitiyak ko na ang aking buhay ay magiging paraang gusto ko at ititigil ko ang anumang pumipigil dito.

-----------------------------------------------------------

"Ibaba mo na ang gamit Nhicole" utos ni mama.

Pinatay ko ang cellphone ko at bumaba sa sasakyan. 'Family reunion' ika nga ni Alyna bunso kong kapatid pero isang taon lamang ang agwat niya sa akin.

"Ngumiti ka naman Nhicole" bigkas ni mama.

Paano ba hindi sisimangot makikita ko na naman yung mga pinakamasusungit kong lola at kamag-anak na bitter sa buhay. Kung ano-ano na naman ang ihuhusga ng mga yun sakin, kesyo wala pa daw asawa't anak.

Binuhat ko ang cooler at inilapag sa lamesa ng magsisilbi naming cottage. Malapit ito sa dagat at gawa ito anahaw na para bang bahay kubo.

"Ate may dala daw si mama na pusit, iihawin mamaya" wika niyang may ngiti sa mukha.

Paborito namin yun lalo na yung parte ng galamay ng pusit at kapag ito'y inihaw. Ngumiti ako bilang tugon. "Paunahan nalang" sambit ko.

Nang makalipas ang ilang oras ay naayos na nilang lahat ang mga gamit. Kasama ko sa nagsilbing cottage namin ang kararating ko lang na tiyahin at ang lola ko sa side ni papa.

"Iha kamusta kana? Balita ko graduate ka na ah" Sambit ni tiya.

Hindi na lamang ako sumagot at kumuha na lamang ng pagkain at patuloy sa pagscroll sa aking selpon

"Wala ka bang balak pa mag-asawa apo? Para naman maabutan ko pa ang magiging apo sa tuhod ko" wika ni lola.

"Wala pa ho tita, Wala pa po lola sayang lang yun sa oras at pera hindi ko pa naman po gusto" Sabay alis ko sa cottage para maiwasan na ang paglawak pa ng paksa.

Paglabas ko sa cottage ay nakita kong ngumunguya na ng inihaw yung pinsan ko, sa sobrang kaatatan ko ay akala ko'y niluluto na ni mama ang pusit.

Dali dali akong tumakbo sa ihawan at tinignan ang mga putaheng iniihaw ni mama.

"Titingin-tingin mo uy? Wala pang pusit dyan t*nga" Salubong sakin ni Alyna kasabay ang pagtawa ng malakas.

Umirap na lang ako.

Maya maya habang nagaayos ng iba pang pagkain at nakapag lakad-lakad na rin ako sa tabing dagat ay sumigaw si mama. Kakain na daw.

Umupo ang lahat sa lamesa at nagdasal na kami. Una kong hinanap ang inihaw na pusit.

"Shuta ang dami" bulong ko sa sarili at agad nang kumuha ng isang stick.

---------------------------------------------------------

"Isa nalang HAHA" sabay aktong kukunin ni alyna yung nagiisang stick ng inihaw na pusit.

Dahil mas malapit ako sa kanya ay mas nauna ko itong kunin, kita ko sa mukha ang inis nito at para bang handang manakit. Tumakbo ako para hindi niya makuha ang hawak ko. Paglingon ko sa likod ay nakita ko siya tumatakbo rin kasabay ang saglit na pagtigil nito at dakma sa buhangin at sabay itcha saakin.

Napuwing ako at napasigaw "Lintek Alyna ang sakit" bigkas ko habang tumatakbong nakapikit. "Akin na kase share nga tayo madamot ka" sigaw din niya. Pagdilat ko ay napansin kong nasa dagat na ako kaya kinain ko na yung pusit na hawak ko at sabay ang paglangoy para matanggal na rin ang ibang dumi sa mukha.

Nakita kong lumalanggoy na rin si Alyna kaya mas binilisan ko yung pagglangoy ko

Pupwesto na sana akong patayo kaso napagtantuan kong napakalayo ko na sa dalampasigan at wala na akong nararamdaman na buhangin sa paa ko, sa labis na taranta ay agad akong pumalaspas at humingi ng tulong.

Lumubog na nga ang aking mukha dahil hindi na kinaya ng katawan ko ang pagod. Pati ang mga paa ko ay namumulikat na. Sa ilalim ng tubig ay naaaninag ko pa ang liwanag ng ulap ngunit sa bawat pag ahon ko ng mukha upang makahagilap ng hangin ay mas lalong napapagod ang aking katawan.

Kusang tumigil ang mga paa at kamay ko, hindi ko sila maigalaw... lumalabo na ang salubong ng tubig sa mga mata ko at tila ba nagbibigay ito ng liwanag. At kusa ring mawawala. Nahihilo ako... nanghihina at namamanhid ang mga kamay.

Napagod ang aking mata sa pagdilat kaya kusa na lang itong pumikit at nakaramdam na ako ng paninikip ng dibdib nang hayaan ko ang katawan kong sumabay sa alon ng dagat ay hindi ko na rin nasilayan ang liwanag ng ulap.

Paggising bilang Taksil Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon