Unang Kabanata

18 2 0
                                    

Napagod ang aking mata sa pagdilat kaya kusa na lang itong pumikit at nakaramdam na ako ng paninikip ng dibdib nang hayaan ko ang katawan kong sumabay sa alon ng dagat ay hindi ko na rin nasilayan ang liwanag ng ulap.

---------------------------------------------------------

Unting-unti kong minulat ang aking mga mata. Nang tuluyan ko ng mabuksan ang mga mata ko ay may nakita agad akong mga gamit na hindi ko maintindihan kung para saan iyon at kung kanino gagamitin. Alam kong nasa loob ako ng kweba ngayon, paglabas ko ng kweba ang mga nakita ko ay puro halaman, mga iba't ibang uri ng isda at mga kabibe. Tumingin-tingin ako sa paligid ko at ngayon ko lang napansin na sana dagat pala ako.

"Hala! Bakit may galamay ako!" Ngayon ko lang rin napasin na may paa ako na parang gaya sa pusit. Piling ko nalulunod ako. "Pero bakit hindi ako malunod-lunod eh nasa kailalim-laliman ako ng dagat? Nananaginip ba ako?" Iyan ang mga katanungan kong hindi masagot habang ako ay naglalakbay sa dagat.

Patuloy ako sa paglalakbay ng biglang may lumapit sakin at ng hihingi ng potion. "Nhatasha manghihingi lang sana ako ng potion mo para maging paa ng tao ang aking mga paa."

Nagtataka ako sa mga sinasabi niya. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Bakit may buntot siya na parang serena? Bakit nanghihingi siya ng kung ano man iyon? Teka nga! "Nhatasha? Huh? Ano ang hinihingi mo sa akin?" iyan ang lumabas sa bibig ko.

"Ikaw, sino pa ba may pangalang Nhatasha dito kundi ikaw lamang at ikaw nagbibigay ng mga potion dito katulad na lang ng potion na yung para sa paa ng mga tao at yun ang hinihingi ko sayo ngayon." Iyan ang sagot ng kausap kong magandang babae.

"Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi mo. Nhicole ang pangalan ko at hindi ko alam ang sinasabi mo tungkol sa potion o kung ano man iyon!" Hindi na nakakatuwa itong mga nangyayari. "Isa akong tao at bakit may galamay ako ng parang sa pusit?" Alam kong panaginip lang ito kaya dapat magising na ako.

"Ano ba ang sinasabi mo? Hindi mo ba ako naalala? Ako ito si Alyssa at ikaw si Nhatasha na pusit naman talaga. Ano ang sinasabi mo na isa kang tao? Baliw ka ba? May ginawa ka bang potion para magbago na lang ang isip mo katulad na lang na nangyayari ngayon"

Nhatasha? Alyssa? Potion? Hindi ko na alam ang mga sinasabi niya! Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi niya pero isa lang ang naiisip kong paraan para malaman kung totoo ba iyon..

"Ano ba ang ginagawa ko dito? Paano kita matutulungan tungkol sa paa ng tao na sinasabi mo?" Gusto ko rin malaman kung paano yun ginagawa.

"Pang dalawang beses ko pa lang manghihingi ng potion sayo. Doon tayo sa bahay mo, nandoon yung mga kagamitan mo sa paggawa ng potion." Alam niya kung paano ko daw ginawa yun? "At nakita na kita gumawa ng potion noong unang beses ako nanghingi sayo kasi inimbitahan mo ako sa bahay mo na doon na muna maghintay kaya wag kana magtanong pa." Akala niya siguro yun ang itatanong ko.

"Bahay? Iyon ba yung kweba?" Tanong ko sa kanya.

"Oo nandoon ang lahat ng gamit mo kaya halika at pumunta doon." Sagot niya sakin.

"Mauna ka muna hindi ko matandaan kung saan ang kweba na sinasabi mo." Nauna siyang naglakad at sinundan ko lang siya kung saan man siya pupunta.

"Nandito na tayo" Sagot niya at sabay na humarap sakin. Nauna ulit siyang pumasok doon at sumunod ako. "May libro ka na inilabas noon at sa pagkakaalam ko na nandoon lahat ng mga hakbang sa paggawa ng mga potion. Kailangan mong hanapin ang librong iyon." Yun ang sabi niya.

"Natatandaan mo ba kung saan ko kinuha ang librong iyon?" Umikot ang paningin niya at parang may hinahanap siya nang tumigil ang paningin niya sa mga kabibe at tinuro ang pinakamalaking kabibe na naroon.

"Doon, doon mo kinuha yung libro." Dali dali akong pumunta doon at binuksan ang kabibe at nandoon nga ang libro na sinasabi niya.

"Hanapin mo dyan ang potion para sa paa ng tao. Hindi kita maaring tulungan dahil may nilagay ka dyang sumpa na kapag hinawakan ng kahit na sino ang librong iyan ay magiging bato ang kalalabasan nila."

Binuklat ko na ang libro at sinimulang hanapin paisa-isa. Bawat pahina ay may iba't ibang potion na nandoon at may pamagat din ito. Ang tagal kong naghanap ng potion para sa paa ng tao hanggang sa malapit na ako sa dulo ng may nakita akong word na paa tapos binasa ko ang mga nakalagay doon.

Mga hakbang ang nakalagay doon at ang mga sangkap na kakailanganin. Ang pamagat ng potion para sa paa ng tao ay eklabu. T*ena eklabu

"Sundan mo ang mga nakalagay dyan." Sabi niya sa akin at tumango naman ako. May mga eksaktong sukat din ang nakalagay sa libro at may mga nakalagay sa lamesa na iba't ibang kulay na tubig, sa madaling salita ito ay para kang nag eksperimento. Habang naghahanda ako sa paggawa ay bigla na lang kusang gumagalaw ang kamay ko na parang alam niya ang ginagawa niya. Hindi ko alam ang nangyayari sa katawan ko. Habang yung kamay ko ay kusang gumagalaw at hindi ko na kailangang tumingin pa sa libro dahil alam na alam na ng kamay ko ang ginagawa niya. Habang nageeksperimento ako ay nakikita ko sa gilid ng mata ko na nakatitig sa akin si Alyssa pinapanood niya ang ginagawa ko.

"HIndi ko alam ang ginagawa ko, kusa na lang gumagalaw ito." Sabi ko sa kanya, baka ikalain niya na marunong akong gumawa ng potion dahil sa uri ng titig niya. Kahit na kusang gumagalaw ang aking kamay ay madali naman akong makatanda ng mga bagay-bagay kaya matatandaan ko agad ito.

"Ito na ang hinihingi mong potion." Sabay abot sa kanya ng lalagyan.

"Maraming Salamat, Nhatasha" Sabi niya sakin

Umalis na siya sa kweba, tuluyan na akong nag iisa dito. Iniisip ko ang mga nangyari kanina. Hindi ko alam kung anong nangyari sa sakin kanina. Kahit na ganun ay nagawa ko naman ang hinihingi niya. Hindi ko napansin na gabi na pala at inabot ng gabi ang paggawa ko ng potion. Nakaramdan na rin ako ng antok na tuluyan ng nakatulog.

Paggising bilang Taksil Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon