Tanging si Dave lang ang nakagawa nito. Habang pinapanood ko kanina ang pagkikita nila ay sobra akong natuwa sa nangyari, ngayon ay oras ko na.
Tumayo na ako at sinimulang kunin ang mga gamit ko.
---------------------------------------------------------
POV: Nhatasha
Gagawa ako ng potion at pupunta sa lupa para hanapin ang nais ko, si Dave. Inaamin ko, habang pinapanood ko sila ni Phoebe ay nahuhulog na ang loob ko sa kanya. Matangkad, matangos, mestizo, at kulot ang buhok, iyan ang hinahanap ko sa isang lalaki.
Labis ang galak ko dahil mali ang potion ang naibigay ko kay Phoebe at dahil mali ang potion, gusto ko ako na lang maibigin ni Dave. Kaya heto ako ngayon gumagawa ng potion magiging paa ang mga buntot ko tulad ng nais ni Phoebe ngunit taliwas sa kanyang itsura ay magkakaroon ako ng tanging ganda na tiyak na maakit si Dave.
Nandito ako sa dalampasigan na sigurado akong walang tao ang pumupunta dito at hawak ko na sa aking kanang kamay ang potion. Tinanggal ko ang takip at sabay na ininom ito. Unti-unti kong nakita yung mga galamay ko ay naging paa na ulit ng tao. Sinubukan kong tumayo pero sa unang tayo ko palang ay natumba agad ako.
Nagtaka ako dahil bakit hindi ako makatayo sa sarili kong paa. "Bakit hindi ako makatayo?" Pagtataka ko dahil dati naman din ganto yung paa ko.
Sinubukan ko ulit tumayo sa pangalawang beses. Nanginginig ang mga binti ko sa pagtayo buti na lang din na may bato sa tabi ko kaya agad akong umalalay ng hawak rito,ngayon unti unti ko nang nababalanse ang katawan at paa ko. Isa lang naman ang naisip kong dahilan kung bakit ganto ako ngayon, dahil matagal na akong hindi naglalakad gamit ang mga paa ko dati.
Kasalukuyan akong naglalakbay sa paghahanap kila Phoebe at nararamdaman kong nananakit ang mga binti ko, nang may nahagip ang aking mga mata. Hinanap ko ulit na sa ganun ay masigurado kong tama nga ang nakita ko.
Tumuon ang atensyon ko sa isang babaeng nakatayo. Nagbago na ang itsura niya, gumanda siya lalo at syempre sa akin nagmana yan, ate niya kaya ako. Naiiyak ako sa nasaksihan ko.
Hindi ko lubos akalain na makikita ko siya rito, lumipat ang tingin ko nang may tinawag siya at sabay upo na parang may yayakapin siya na paslit, papalapit sa kanya ang lalaki at dalawang batang babae na tumatakbo para salubungin ang yakap ng kapatid ko.
Tila nahuhulaan ko na ang relasyon ng lalaki at ang dalawang batang babae sa kapatid ko. Pamilya. May pamilya na si Alyna.
Ako bilang panganay ay wala daw mapatunayan sa aking pamilya at magulang. Sabi nila kaya hindi ako makapag-asawa ay dahil sa dahilang walang magkakagusto sakin ngayon kahit na hindi nila ako makita, kahit na akala nila ay wala na ako kahit papaano ay may mapapatunayan na ako sa sarili ko.
Magkakaasawa ako.
Magkakapamilya ako tulad ni Alyna.
Lumaki ang galit ko kay Phoebe ngayon ko naiisip na siya ang tanging hahadlang sa mga plano ko, paano na lang kung bigla itong makilala ni Dave?
Hindi ko dala ang aking bolang krystal kaya nagdala na lamang ako ng isang kwintas kung saan nakikita ko rin ang tinatahak na daan ni Phoebe. Malakas ang aking kutob na baka makilala ni Dave si Phoebe dahil nga't sa palagay ko'y nahulog rin ang loob nito kay Phoebe kaya habang maaga pa ay hahanapin ko na si Phoebe kailangan ay mawala siya. Masawi ang buhay para kung sakaling maalala siya ni dave ay hindi na niya ito mahahanap pa.
Habang nililibot ang tingin sa dalampasigan na aking pinuntahan ay naglalakad-lakad ako para makahanap ng mataong lugar. Maya maya pa ay nagtagumpay na nga ako.
Medyo malayo ito kaya nilakad ko pang muli. Pagdating sa lugar ay naakit akong agad. Mag uumaga pa lang kaya kita ko ang sumasayaw na mga ilaw sa lugar kasabay ang paggising ng araw sa ulap. Nang ilibot ko ang aking tingin ay nakakita ako ng limang cottage na gawa sa anahaw at tila napatigil ako at napatitig dito.
Tsaka ko lang napagtantuan na sa lahat ng oras na ito, ito pala ang lugar kung saan ako nalunod, kung saan ko huling nakasama ang pamilya ko. Ang lugar kung saan huli kong nasulyapan ang pamumuhay ko. Naramdaman ko ang luha na tumulo sa aking pisngi kaya agad ko itong pinunasan.
Ang tangi na lamang makakapagpasaya sakin ay kung matagumpay kong makukuha si Dave at kapag siya ay naangkin kona.
Tinignan ko ang hawak kong kwintas at napansing nasa isang tindahan si Phoebe, kita ko din dito ang paglayo sa kanya ng mga tao. Napangiwi ako.
Isa rin sa napansin ko ang mabuhangin na lugar kaya sa lagay ko ay hindi ito masyadong kalayuan dito. Agad akong tumakbo at naghanap ng labasan dito sa tabing dagat. Habang naglalakad ng mabilis ay may narinig akong naguusap sa hindi kalayuan.
"Oo nanghingi nga rin siya ng tubig sa akin eh." Sambit ng isa.
"Ay ewan ko natakot na lang ako, hindi ko alam kung maawa pa ako grabe na ang lagay niya, ngayon ko lang siya nakita sa lugar na ito, ikaw ba?" Wika naman ng kausap nito. Kaya agad akong lumapit at nagtanong sa kanila.
"Hello po." Bigkas ko kita ko ang paglingon nila at pagtitig ng matagal sa akin.
"Uhm sino po yung tinutukoy niyo?" Tanong ko
"Ahh yung babaeng pangit." sagot ng isa. "Nandoon siya sa tindahan malapit sa kalsada nanghihingi ng tubig" pagpapatuloy niya.
"Paano po ba makakapunta roon?" tanong ko.
"Dito neng, makidaan ka lang sa eskinita na yan pag labas mo dyan sa kanto yun na ang bubungad sayo, sana nga nandun pa rin yung babaeng hinahanap mo kase sa palagay ko baka nakalayo na yun. Ramdam din siguro niya ang takot sa kanya ng mga tao" Sambit naman nung isa.
Tumango ako at nagpasalamat agad kong tinahak ang eskinita at pagdating sa kanto ay nakita ko na ang tindahan.
Tahimik.
Walang tao.
Sa inis ay kinuyom ko ang aking kamay at napasapo na lamang sa mukha. Nang maalala kong may kwintas nga pala ako at pwede ko siyang makita ay tinignan ko itong muli habang patuloy ang paglalakad ko. Sa kwintas ay tila ba may sinusundan siya, isang babaeng naglalakad rin sa daan na iyon.
Matagal ko itong tinitigan upang kilalanin ang lugar at nang tumigil ako ay napansin kong tumigil rin ang sinusundan niya kaya tumigil din si Phoebe.
Ako ba yun?
Lumingon akong agad sa likod ko.
"Ate pahingi pong tubig" Maluha-luhang sambit ni Phoebe.
Kaya nagulat ako dahil tama ang hinala ko.Imbis na awa ay galit ang naramdaman ko. Galit na hindi ko pa noon nararamdaman.
"Gusto mo ng tubig?" Tanong ko
Tumingin siya sa akin "Opo"
Hinawakan ko ang kamay niya at dinala siya sa lugar kung saan walang tao ang nakakarating dito. Ang lugar kung saan kami parehas umahon dahil sa parehas ring dahilan. Nanlaki ang mata ni phoebe kaya nalaman ko nang alam na nito ang balak ko at kung sino talaga ako. Patayin siya.
BINABASA MO ANG
Paggising bilang Taksil
FantasyKung si Ariel ay may happily ever after, ang mabait at inosenteng si Phoebe dito ay wala, isang kataksilan ang mararanasan niya dahil lamang sa pagmamahal ng isang lalaki. Saksihan ang pagtataksil ni Nhatasha na isang pusit at si Phoebe bilang isang...