Ikalawang Kabanata

17 2 0
                                    

Umalis na siya sa kweba, tuluyan na akong nag iisa dito. Iniisip ko ang mga nangyari kanina. Hindi ko alam kung anong nangyari sa sakin kanina. Kahit na ganun ay nagawa ko naman ang hinihingi niya. Hindi ko napansin na gabi na pala at inabot ng gabi ang paggawa ko ng potion. Nakaramdan na rin ako ng antok na tuluyan ng nakatulog.

---------------------------------------------------------

POV: Phoebe

Habang naglilibot ako sa madilim na parte ng dalampasigan, naisipan ko muna na sumandal sa malaking bato sa bandang gitna ng tubig. Papalubog narin kasi ang araw kaya't naisipan ko na pagmasdan ang tanawin at magpahinga lang.

Habang pinapanood ko ito, hindi ko maiwasang mamangha at matulala sa ganda ng paglubog ng araw, ang kulay kahel na may pagka pula na itsura ng araw habang ito ay papalubog ay tunay ngang napakaganda, ang tanawin na hindi man mapapalitan ng kahit anong kagandahan.

Napalingon ako ng may marinig akong malayong tunog ng humahampas na tubig at tawanan, nakita ko ang malaking bangka na gawa sa kahoy at puno ng ilaw. Bumaba ako at pumwesto sa likod ng bato para pagmasdan ito.

Matagal na akong namamangha sa kagandahan ng mga gamit ng tao, naniniwala ako na marami itong gamit at nais kong masubukan. Ngunit laging pinapaalala ng aking ama ang masamang dulot ng mga tao. Ang kanilang mga sakim at mapagmataas na ugali, wika ng tatay ko.

Sa kalagitnaan ng paguusisa ko sa bangka, may nakita akong lalaki na pababa ng hagdan, matangkad, matangos, mestizo, at kulot ang buhok. Naka suot siya ng puting tela na hinahangin habang siya ay nakangiti at nakikipag usap sa mga kasama sa barko. Napakaganda ng kanyang mata na tila kumikislap kapag natatapat sa ilaw.

Dahil madilim na, hindi ko makita ng sobrang linaw ang ginagawa nila sa barko, pero malinaw sakin ang pag hanga ko sa lalaking ito, napaka ganda ng mukha at maihahalintulad ko ito sa buwan, maganda ngunit napakalayo abutin.

Natigilan ako sa pagtitig sa maganda niyang mukha ng lumingon ito sa akin. Matagal kaming nagkatitigan ng lalaki, naramdaman kong may paghanga rin ito sa akin dahil nanatili ang mga ngiti nito sa pisngi niya maya maya'y napagtantuan niyang nasa tubig ako kaya nataranta siyang bigla narinig kong sumigaw siya para humingi ng tulong kaya lumanggoy ako agad papalayo.

Lumipas ang ilang araw, lagi na akong pumupunta sa dati kong pwesto para pagmasdan siya, at sa di malamang dahilan tuwing titignan ko ang maamo niyang mukha, laging malakas ang tibok ng dibdib ko at nabubuo ang araw ko.

Pero pagkalipas ng ibang araw, ng muli akong bumalik sa dalampasigan, wala na ang kanilang barko. Sinubukan ko hanapin ang barko nila sa paglangoy sa malalapit na dalampasigan ngunit hindi ko na ito makita uli.

Nanlumo ako at sobrang nalungkot, pero bigla kong naalala si Nhatasha. Sikat siya dito sa amin dahil kilala siya na gumagawa ng mga gamot. Maraming may ayaw sa kanya dahil sa kasabihan masama ang ugali niya, pero dahil may gusto akong gawin ngayon, naisip ko na magpagawa sa kanya ng gamot para magawa ko ang plano ko.

---------------------------------------------------------

Pumunta ako kay Nhatasha upang kunin ang pinagawa kong gamot, sa totoo lang unang kita ko palang sa kaniya, ang mga ngiti at halakhak niya ang nagpa-humaling sakin.

Matagal ko ng pinagmamasdan sa malayo si Dave, siya yung lalaking laging malakas ang tibok ng dibdib ko, narinig ko ang kanyang pangalan nung tinawag siya ng isa sa mga kasamahan niya, pero ngayon desidido na ako na magpakilala sa kanya bilang tao.

Alam ko naman na hindi kapani-paniwala kung magpapakita ako sa kanya ng may buntot, baka matakot siya at tuluyan na akong layuan imbis na magkakilala kami at magmahalan.

Kaya naman nag pagawa ako kay Nhatasha ng gamot para magkaroon ako ng pang taong paa upang malapitan siya at masabi sa kanya ang aking damdamin. Mahirap at nakakakaba dahil ito ang unang beses na tatapak ako sa mundo ng mga tao. Ngunit dahil malalim na ang nararamdaman ko sa kanya, handa akong sumugal upang makilala niya ako.

Dumayo ako at pinuntahan si Nhatasha upang kunin ang gamot na pinakiusap ko sa kanya. Habang papasok ako sa kinalalagyan ni Nhatasha, napaisip ako at wari kabado sa mga mangyayari pagkatapos kong gawin ang nais kong gawin.

Alam ko na pagkatapos nito, maaring magbago ang buong takbo ng buhay ko at malagay ako sa panganib, maari din naman akong sumaya at makasama si Dave, at maari rin na hindi na ako makabalik dito sa nakasanayan ko na mundo. Maraming pagduda at pag iisip ang tumatakbo sa ulo ko ngayon, pero isinawalang bahala ko ito at tumuloy sa pupuntahan ko.

"Magandang umaga Nhatasha, nais ko sanang kunin ang gamot na ipinakiusap ko sayo, maari na ba siyang kunin?" Galak kong sabi at sabik na sabik na makapitan ito.
Humarap siya sakin at ngumiti.

"Oo tapos na maari mo na itong kunin, pero may mga kondisyon ako na nais gawin bago ko ito ibigay sayo. Alangan, wala ng libre sa ngayon" nakangisi na saad niya sakin.

Kumunot ang noo ko at nainis ng bahagya, dahil wala naman ito sa usapan namin kanina. Pero nagpakumbaba ako dahil ako naman ang may kailangan sa serbisyo niya. "Sige, ano man ang kondisyon mo ay maaari ko itong sundin, basta't magagawa ng gamot mo ang dapat niyang gawin sa katawan ko." Desidido kong sagot, tumaas ang kilay niya at ngumiti.

"Simple lang naman ang kondisyon ko, gusto ko habang nasa lupa ka, kontrolado ko ang bawat galaw mo, depende kung sa ikakatuwa o sa ikakagalit ko. Dapat mo rin ako kuhaan ng kayamanan ng mga tao upang mapunan mo ang serbisyo ko"

Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kanya at napa ismid. Hindi ko kasi inaakala na ganitong kondisyon ang balak niyang ialok, edi parang wala na akong kalayaan kung ganitong kondisyon ang ibibigay niya diba?

Pero sa kabila ng aking isip, eto na, nasa harapan ko na ang pagkakataon upang makilala ako ng lalaking mahal ko, sasayangin ko paba ito ng dahil lang sa kaba at pagdududa sa mangyayari palang? Kaya't isinawalang bahala ko ito at pumayag. "Sige, hahayaan kitang gawin ang gusto mo, basta't ibigay mo sa akin yang gamot na gusto ko." Desidido kong saad.

Ngumiti siya at tumalikod sa lamesa niya na punong puno ng bote at ng gamot sa loob. Inabot niya sakin ang bote na may pulang likido sa loob, matubig ito at napuno ng kalahati ang bote.

Napangiti ako at excited na humarap sa kanya

"Maraming salamat dito! Sisiguraduhin ko na maibibigay ko ang ating pinagkasundo" nakangiti kong sabi at tumalikod para lumisan sa kinatutuluyan niya.

Nagsimula akong maglibot para alalahanin ang mga lugar na hilig ko puntahan dito, sinusulit ko na lang ang oras na natitira bago ko inumin ang gamot, malungkot ngunit masayang masaya ako dahil magagawa ko na ang gusto ko.

Nang makita ko na ang pag angat ng araw, nagmamadali akong umangat sa tubig at pumunta sa pwesto ng balak ko pag inuman ng gamot, para mabilis at maka ahon ako kaagad. Huminga ako ng malalim at sinumulan buksan ang bote. Malakas ang amoy nito at parang masang sang, isinawalang bahala ko ito at tumuloy. Pumikit ako at ininom ang laman ng buong bote.

Paggising bilang Taksil Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon