Nang makita ko na ang pag angat ng araw, nagmamadali akong umangat sa tubig at pumunta sa pwesto ng balak ko pag inuman ng gamot, para mabilis at maka ahon ako kaagad. Huminga ako ng malalim at sinumulan buksan ang bote. Malakas ang amoy nito at parang masang sang, isinawalang bahala ko ito at tumuloy. Pumikit ako at ininom ang laman ng buong bote.
---------------------------------------------------------
Hinawakan ko ang ulo ko at tumingin sa paligid. Pagka inom ko ng gamot, bigla nalang sumakit ang ulo ko at hindi ko na alam ang nangyari. Nakatulog ata ako pero hindi ko sigurado. Lumibot ang tingin ko at nakita ko na nasa dalampasigan parin ako at kalahati ng katawan ko ang nasa tubig.
Pagkatingin ko sa kalahati ng katawan ko at napasigaw ako ng konti. Dalawa itong mahaba na maputi, at may kakaibang talampakan sa ilalim. Sinubukan ko itong igalaw at nagulat na sumusunod ito saakin. Nang maalala ko at katulad nito ang mga pang lakad ng mga tao sa barko.
Huminga ako ng malalim at sinubukan ng tumayo. Nang una kong subok ay tumuba lang ako at napahiga, hanggang sa ilang oras kong sinubukan na tumayo at lumakad, tsaka lamang ako nakatayo pero hindi pa rin diretso ang lakad.
Napatingin ako sa sarili ko at tinignan ang nakapatong sa katawan ko. Isang puting tela na abot hanggang sa ibaba na parte ng katawan ko. At napansin ko na walang nakalagay sa paa na meron ako. Sinubukan kong tumingin sa paligid at sa kalayuan ay marami akong nakitang ilaw sa paligid, kaya naman ay pumunta ako doon para hanapin siya.
Habang papalakad ay natatapilok ako sa mga daanan, ngunit ang mga mata ng tao ang nagpapataka sakin. Ang mga titig nila ay tila nandidiri at nagtataka sa itsura ko. Sila ay magaganda at may makikinang na damit, napaka ingay rin sa lugar na ito, at puno ng malilikot na liwanag. Napatakip ako sa mata ko at tumingin sa paligid.
May nakita akong pwesto na lilim at hindi masyadong nalalagyan ng liwanag dito. Pumunta ako doon at umupo sa gilid. Naguguluhan ako at hindi ko alam kung paano ako makakapamuhay o mahahanap siya dito. Pero nilakasan ko ang loob ko at nagsimulang maglakad ulit.
Hanggang sa may nakita akong pwesto na maraming nakapwestong barko. Nagliwanag ang mata ko at tuwang-tuwa pinagmasdan ito at sa kalagitnaan ko ng pagmasdan dito, nakita ko na may mga taong nag bababaan dito, may mga dalawang bitbitin at tila tuwang-tuwa sa mga nangyari.
Habang nakatingin ay napansin ko si Dave, na pababa at may dalang gamit. Dali-dali akong tumakbo at lumapit sa kanya. Napatingin siya sakin dahil sa bilis ng lakad ko kahit natatapilok pako pero kumunot ang noo niya at tila nagtataka sakin.
Ngumiti ako pero hindi ako makapag salita dahil hindi ko alam kung paano magsasalita ng ganitong lagay, pero kahit ganoon alam kong makikilala niya ako.
Hinawakan ko siya sa braso at tinuro ang sarili ko, tuwang-tuwa ako ng makita ko siya, sa wakas ay nagkita rin kami. Ngunit taliwas ang reaksyon na ibinigay niya sakin. Kumunot ang noo niya at tila galit sa pagkakakita sakin, humakbang siya palayo sakin at nagsalita ng
"Sino ka, bakit mo ko hinahawakan?!"
Hindi ko siya maintindihan pero sinubukan ko ulit na ituro ang sarili ko para malaman niya na ako ito. Pero iling siya ng iling at sigaw ng sigaw ng hindi ko matandaan, hanggang sa tinulak niya ko palayo at naglakad papalayo sakin.
Ang mga mata niya'y diring-diri at hindi ako kaya titigan ng matagal, nanghuhusga at may pagkamuhi. Hindi ganito ang una niyang tingin sakin, puno iyon ng paghanga at katuwaan, ngunit malayo iyon sa pinakita niya sakin ngayon.
Umiyak ako at hindi makapaniwala sa mga nangyari, gusto ko na lang umuwi at bumalik na parang walang nangyari, totoo nga ang sinabi ng tatay ko, ang mga tao ay puno ng kasakiman at panghuhusga, sana hindi na lang ako pumunta dito at sana ay hindi ako nasaktan ng ganito.
Tumuntong ako sa ibabaw ng barkong sira na, hanggang sa napadaan ako sa bintana na parang salamin at napatigil sa itsura ko. Gulat na gulat at hindi makapaniwala na ganito, napaka pangit at puno ng dumi, ibang mata at ilong, hindi makapaniwalang napaluha ako at napuno ng galit ang puso ko. 'Taksil ka Nhatasha'
Tangi kong nasabi sa sarili ko.POV: Nhatasha
Habang tinitignan ang bolang krystal na nasa dulo ng silid na ito ay lumangoy ako papalapit dito, napansin kong napatitig ng luhaan si Phoebe sa isang salamin ng barko at nakita ang anino niya.
Nangingilid ang mga luha sa mata niya kaya nakaramdam ako ng awa ngunit agad itong napalitan ng saya nang maalala kong may kakayahan na akong hingkayatin at akitin si Dave, Pasensya na Phoebe pero sa dati kong katawan ay hindi ko ito naranasan, ang mahulog ang loob sa isang lalaki.
Tanging si Dave lang ang nakagawa nito. Habang pinapanood ko kanina ang pagkikita nila ay sobra akong natuwa sa nangyari, ngayon ay oras ko na.
Tumayo na ako at sinimulang kunin ang mga gamit ko.
BINABASA MO ANG
Paggising bilang Taksil
FantasyKung si Ariel ay may happily ever after, ang mabait at inosenteng si Phoebe dito ay wala, isang kataksilan ang mararanasan niya dahil lamang sa pagmamahal ng isang lalaki. Saksihan ang pagtataksil ni Nhatasha na isang pusit at si Phoebe bilang isang...