Chapter : 1 White Cape

640 25 0
                                    

Ang kwentong to ay nag simula ilang libong taon na. Tungkol ito sa isang lalaking nag ngangalang Elde at ang kanyang pag lalakbay patungo sa tinatawag na mosa. Ang Mosa ay isang paraiso ng Dyos. Doon nakalagay ang tableta ni moises ang arko ni noah ang krus ni kristo at ang lahat ng mahahalagang bagay nang sina unang panahon.

Umaga non ng magising si Gaspi sa kanyang higaan dahil ginigising sya ng ina nito.

"Gaspi gumising kana tanghali na kaylangan mo pang mag ani ng ating pananim upang may makain tayo"

Tumayo si Gaspi sa kayang kinahihigaan. "Inay nasaan ba pumunta si kuya at wala pa sya 3 taon na sya di bumabalik"

Tumalikod ang kanyang ina at sinabing. "Kung nasan man siya ngayon alam kong ligtas sya"

Naglakad sa pinto si gaspi at nag pa alam sa kanyang ina. "Nay mag aani muna ako".

Ngumiti ang kanyang ina at sinabing. "Sige anak mag ingat ka wag kang mag papa gabi ha"

Lumabas sa pinto si gaspi at kumaway sa kanyang ina. Habang nag lalakad si gaspi patungo sa palayan upang mag ani may na bangga syang lalaki na naka puting kapa. Natumba silang dalawa

"Pasensya na kuya hindi kasi ako na katingin sa dinadaanan ko"

Tumayo ang lalaki at tinakpan ang kanyang muka at patuloy na nag lakad

Napaisip si gaspi sa itsura nito."Ang laki naman ng espada nang lalaking to at bakit sya na ka kapa".Tumayo si gaspi at nag papag ng kanyang damit."Nako naman na dumihan tuloy ang damit ko".Nag lakad si gaspi hanggang nakarating sa palayan "Hay eto nanaman tayo"

Yumuko si Gaspi at nag simula ng mag ani ng biglang may kumaluskos sa likod nya. Tumingin sya dito at lumapit. Hinawi nya ang palay at nakita nya ang isang taong may pakpak at may mapupulang mga mata at may pulang balat

"Kamusta manong" Ngumiti si gaspi

Tinignan sya ng masama neto at nilabas ang mga pangil

Tumalon si gaspi palayo at kinuha ang itak sa tabi nya."Wag kang lalapit sakin tatagain kita"

Ngumiti ang halimaw at nilusob sya. Na hawakan ng halimaw ang kanyang kamay

"Ahh wag po ayoko pa mamatay".

Sumigaw ng malakas ang halimaw. Naka kuha ng pagkakataon si gaspi at pumalag siya inalis nya ang isa nyang kamay at tinaga ang kaliwang kamay ng halimaw

Tumalon ang halimaw palayo."Ahh magbabayad ka sa ginawa mo".pinatubo ng halimaw ang kanyang kamay

Nagulat si Gaspi sa ginawa ng halimaw. tumakbo si Gaspi palayo sa halimaw. lumipad ang halimaw at dinagit si Gaspi

Takot na takot na si Gaspi at na ihi sa pantalon nya."Wag nyo po akong papatayin"

Kakagatin na ng halimaw ang ulo ni gaspi ng biglang humiwalay ang ulo ng halimaw sa katawan nito

Sumirit ang dugo sa muka ni Gaspi."ew kadiri naman to"

Inalis ni gaspi ang halimaw sa katawan nya at tumayo nakita nya ang lalaking naka puting kapa na hawak ang kanyang espadang may dugo

Inalis ng lalaki ang kapa."Kamusta Gaspi malaki kana na iihi ka pa sa salawal mo"

Nakita ni Gaspi ang kuya nya at naiyak ito at niyakap nya eto."Kuya Elde ang Tagal mo nang nawala san ka nag punta"
                       Abangan

Elde : Finding the Ten Holy TreasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon