Chapter : 19 Evacuation

104 3 0
                                    

Natalo ni Elde si Rix sa di malamang dahilan. Nakuha na ni Elde ang basong ininuman ni Jesus at na ibinigay na nya ito kay Dana. Sinabi ni Elde na lumikas sila sa bundok robta.

"Hah bakit ano ba ang ginawa mo" sabi ni Dana.

"Natalo ko yung Rix na sinasabi mo ngunit hindi ko sya napaslang ngunit hindi ko alam kung pano ko sya natalo ang alam ko lang ay sinuntok nya ako sa likod at sa lakas nito tumagos ito sa tiyan ko pagkatapos non ay wala na akong ma alala. Nakita ko na lang na nang hihina sya at ako ay naka tayo na ako at nawala ang butas na ginawa nya sa likod" sabi ni Elde.

"Ganun pala. Tara patunugin na natin ang kampana upang mag si tipon ang taong bayan sa entablado" sabi ni Dana.

Agad silang nag patunog ng kampana narinig ito ng mga tao at ang lahat ng ito ay nag si puntahan sa entablado.

"Ano ba ang nang yayari meron bang i aalay muli" sabi ng isang lalake.

Pumunta si Elde sa gitna ng entablado.

"Mga mamayan na nandito sa lugar na ito kaylangan nyo ng lumikas ano mang oras ay pwedeng dumating ang mga halimaw na sinasabi nyo. Ang mga halimaw na yon ay mga eltrado. Namumungad ang napakaraming eltrado sa simbahan nyo. Ano mang oras ay lulusob sila dito. Lumikas kayo sa malapit na bayan dito. Lumikas kayo sa bundok robta" sabi ni Elde.

Hindi naniwala ang mga tao sa sinabi ni Elde biglang may babaeng sumigaw sa di kalayuan.

"Tumakbo na kayo papalapit na sila"

Napatingin ang mga tao sa babae. Biglang nakita ng mga tao ang napakaraming eltrado. Dinagit ng isang eltrado ang babae at kinagat ang dibdib nito. Kinagat ng kinagat ng eltrado ang dibdib ng babae hangang sa nakain ng eltrado ang puso ng babae. Nag kagulo ang mga tao sa nakita nila.

"Lahat ng tao lumikas na sa bundok robta sundan nyo si Dana" sabi ni Elde.

Lahat ng tao ay nag si alis sinundan ng mga tao si Dana. Lumipad si Elde sa mga eltrado kinalaban nya ang mga ito ni labas nya ang espada nyang si Fraim at sa hiniwa nya ang ulo ng mga eltrado. Saka bilang banda lumikas na si Dana kasama ang mga taong bayan patungong bundok robta. Nakalipas ang tatlong araw natalo rin ni Elde ang napakaraming eltrado. Pagod na pagod sya sa pagkat lumalaban sya sa mga ito ng walang tigil habang si Dana at ang mga taganayon ay nakarating na sa bundok robta. Nag tayo sila ng barung barung sa bundok robta at nakitira doon. Sa tatlong araw na pag talo ni Elde sa napakaraming eltrado sila Gaspi,Cross,Kriss at si Luna ay nag eensayo.

"Hay... Kaylan kaya natin mapapalutang ang batong ito pano kaya napalutang ni Elde ito?" tanung ni Luna.

Sinagot ito ni Gaspi.

"Ang alam ko ay sa loob ng isang linggo hindi ko sya narinig na mag salita o gumalaw manlang tapos yun. Pinalutang nya yung bato. Parang ganto tinuun nya yung atensyon nya sa bato at tinaas nya kamay nya" sabi ni Gaspi.

Biglang lumutang ang bato. nagulat silang lahat.

Abangan

Elde : Finding the Ten Holy TreasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon