Chapter : 15 The Beautiful Sacrifice

118 4 0
                                    

Natapos na si Elde sa pag sasanay at hindi parin nagagawang palutangin ni Gaspi ang bato lumitaw si Lope sa isang tabi at pinuri si Elde ngunit pinapaalis na nya ito.

"Kaylangan mo pang hanapin ang sampung banal na kayamanan".Sabi ni Lope.

Sumagot si Elde.

"Sige aalis muna ako hahanapin ko ang Sampung banal na kayamanan. May nagsabi sa syudad sa bundok na sa kabilang nayon meron daw banal na kayamanan at ang banal na kayamanang ito ay ang baso na ininoman ni Kristo sa banal hapunan"

Nagtanong si Cross.

"Pero pano ka makakarating doon? Mahihirapan ka sa pag baba at pag alis sa gubat ng bundok robta"

Sinagot ito ni Elde.

"Susubukan kong lumipad ulit at sa ngayon hindi na ako babagsak"

Nag basta na si Elde sa pag alis nag dala sya ng ilang pag kain para sa kanyang paglalakbay. Umalis si Elde sa silid at tinanggal ang gloves nya hinugot nya ang makina nyang kamay at tinapon. Tinuon nya ang atensyon nya sa kanyang kaliwang kamay at inisip na tutubo ito. Ginamit nya ang ami at muling tumubo ang kanyang kaliwang kamay. Natuwa si Elde dahil meron na syang kaliwang kamay. Tumakbo sya at sinimulan na nyang lumipad nakita nya ang ganda ng gubat at ng bundok. Nakita nya din ang nayon bumaba sya sa dulo ng bangin. Tumalon sya dito at muling lumipad. Naka alis na sya sa bundok robta ngayon ay nasa ere sya at tumitinigin sa magandang tanawin sa baba ay may nakita syang mga taong nag titipon tipon at sa intablado meron syang nakitang magandang babae magandat mahaba ang buhok nito at tama lang ang ilong. Maganda ang mga mata at maganda ang pangangatawan nito. Napatigil sya ng nakita nya ang magandang babaeng iyon. Bumaba si Elde upang tignan ang babae. Biglang may paring lumapit sa magandang babae nag taka si Elde bakit meron itong hawak na kutsilyo. Tinanong nya ang tao na malapit sa kanya.

"Sino yang paring yan. Pari bayan bakit may hawak syang kutsilyo ano ba ang nang yayari dito?"

sinagot sya ng lalakeng pinagtanongan nya.

"Sya si Father Xam sya ang nag aalay ng magagandang kababaihan dito sa lugar namin at inaalay sa mga halimaw na gustong kainin ang lahat ng tao sa lugar namin"

Biglang natuon ang atensyon nya sa pari ng bigla nitong hinatak ang buhok ng babae. May isang babae ang biglang umawat sa ginagawa ng paring si Xam at parang nanay nang babae ito.

"Wag Father Xam wag ang anak kong si Dana" sabi ng babae

"Wala akong magagawa kailangan ko itong gawin upang hindi maubos ang tao sa lugar natin"Sabi ni Xam.

Pinutol ng pari ang magandang buhok ni Dana at Pinahiga ito sa isang lamesa sa harap ng maraming tao.

"Mga halimaw tanggapin nyo ang aming magandang alay" sabi ni xam na biglang napatigil.

Nang sasaksakin na nang pari ang dibdib ni Dana ay biglang hindi magalaw ng pari ang mga kamay nito. Nagtaka ang mga tao dahil kahit anong pilit ng Paring si Xam na saksakin ang dibdib ni Dana ay hindi nito magawa. Lumapit si Elde sa harap at kinokontrol nya ang kamay ng pari. Pinunta ni Elde ang kamay ng pari na may hawak na kutsilyo at tinutok sa leeg ni Father Xam.

"Hoy father Xam itigil mo yan hindi tama ang ginagawa mo sa buhok ng magandang babaeng yan"

                            Abangan

Elde : Finding the Ten Holy TreasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon