Chapter : 5 Cross and Kriss vs Elde and Gaspi

181 14 0
                                    

Nalaman ng mag kapatid na eltrado sila Elde at Gaspi. Nagalit ang dalawa at hindi manlang nila pinaliwanag sila Elde.

"Kriss akin na ang biomachine ko" sabi ni Cross

Dinukot ni Kriss ang isa pang bio machine sa bulsa nya.

"Oh eto"

Binato ni Kriss ang biomachine at nag simulang lumaki. Nagkahiwa hiwalay ito sa langit at dumikit isa isa kay Cross

"Humanda ka Elde papaslangin kita" galit na sabi ni Cross

Lumakad si Elde papalayo

"Easy lang Cross wag kang magalit kalahating" biglang napatigil si Elde

Hindi pina tapos ni Cross ang sinasabi ni Elde agad nya itong sinapak.

"ahh!!!" sigaw ni Elde

Lumipad si Elde at tumama sa pader.

"Aray! "Ginagalit mo ba ako. Hayaan mo muna akong mag paliwanag"

Lumipad papalapit si Cross kay Elde.

"Papatayin kita! Hindi ko na kaylangan ng paliwanag mo"

Nilabas ni Elde ang espada nyang si Fraim. Hinawakan nya nang mabuti si Fraim at nilusob si Cross. Nag banggaan ang dalawa. Sinalag ni Cross gamit ang kamay nya si Fraim.

"Hinding hindi ko ma papatawad ang mga eltrado!"

Lumayo silang dalawa at parehong naka amba sa susunod na atake. Lumusob si Elde ng Napaka bilis. Napunta ito sa likod ni Cross at hiniwa ang likod nito nawasak ang likod ng biomachine ngunit si Cross ay hindi na susugatan. Pinaghihiwa ni Elde ang biomachine nang mabilis habang si Cross ay hindi nasusugatan.

"Hah! Iyan lang ba ang kaya mong gawin. Bat hindi mo ako saktan o sugatan man lang"

Lumutang ang mga piraso ng biomachine at dumikit ulit sa katawan nito.

"Ako naman ang aatake humanda ka"

Sa kabilang banda nag simula ng mag laban sila Kriss at Gaspi.

"Humanda ka Gaspi papaslangin kita" galit na tugun ni Kriss

Tumakbo si Gaspi na parang duwag.

"Wag mo akong papatayin!" takot na sabi ni Gaspi

Nilusob ni Kriss si Gaspi ng biglang lumabas si Netu sa bulsa ni Gaspi at pumulupot sa kanya. Napatigil sa pag takbo si Gaspi at nag simulang mag yabang.

"Hahaha naka tali ka ano ng gagawin mo ngayon"

Humigpit ang pag kakatali ni Netu at nawasak ang biomachine na suot nito. Kinalagan ni Netu si Kriss sa pagka pulupot at bumalik sa kamay ni Gaspi. Biglang lumipad sa likod ni Kriss si Cross.

"Ah! Kriss natalo ka na din"

Ngumiti si Kriss.

"Oo malakas sila hindi natin sila kaya"

Sumigaw si Cross.

"Patayin mo na kami! Handa na kaming mamatay" matapang na tugun ni.Cross.

Tumawa ang mag kapatid.

"Hahaha hindi naman namin kayo papatayin mabait kami ni Gaspi kalahating Golti lang kami hindi kami kumakain nang tao"

Napaisip si Kriss.

"Ibig sabihin hindi talaga kayo golti kalahating tao kayo"

Binatukan ni Kriss ang kanyang kapatid.

"Kasalanan mo to umaatake ka ka agad at di mo pinapatapos ang sinasabi ni Elde na bugbog pa tuloy tayo"

Lumabas ng bahay ang nanay nila Elde at nakita ang gulo na ginawa ng mga ito.

"Anong ginawa nyo ayusin nyo yan!"galit na sabi ng nanay nila.

Agad natumayo ang mag kapatid sa pagkaka upo sa sahig at nag simulang nag ayos. Nilabas ni Cross ang dalawang biomachine at pinaglinis din.

"Kayong mag kapatid kayo. Ano hindi nyo ba tutulungan yang sila Cross at Kriss!"

Agad na nag ayos ang dalawang mag kapatid.
                          abangan

Elde : Finding the Ten Holy TreasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon