Chapter : 9 The New Member

142 10 0
                                    

Hindi sumang ayon si Luna sa sinabi ni Cross. Nagalit si Cross.

"Hindi lang ikaw ang nawalan!. Ako din. Nawala na ang lahat sa akin pati ang mundo nawala na din. Dahil sa mga halimaw na yon at ang mga halimaw na yon ay ang mga golti. Sila ang sumira sa hinaharap. Kinukompleto nila ang sampung banal na kayamanan at yang si Seachel ay isa sampu. Kasama nya sila Fraim at Netu. Kinukompleto namin sila upang mabalik sa mosa at matalo ang mga eltrado upang mabalik ang kapayapaan sa mundo".

Napaisip si Luna.

"Pwede ba akong sumama sa inyong paglalakbay?"

Natuwa sila Elde ng sinabi ni luna yon.

"Oo naman pwede kang sumama sa amin. Eh si Seachel sasama ba sa amin".Sabi ni Elde.

Sumagot si Seachel.

"Oo sasama ako. Ibalik nyo ako kung saan ako nanggaling at ikaw luna ikaw na ang nag mamay ari sa akin ingatan mo ako at wag gagamitin sa masama"

Biglang naging tungkod ito at bumagsak sa lupa. Bumalik na din sila Fraim at Netu sa pagiging sandata. Bumalik ang mga tao sa kanilang syudad at doon nakita nila ang mga patay na golti at mga patay na pamilya nila. Nakita ni Luna ang kayang lolo sa lapag. Wasak ang dibdib nito at duguan. Tumulo ang luha ni luna.

"Lolo ko! Bakit nila kayo pinatay ikaw lang ang nag iisang nag aalaga at umaalalay sa akin si nanay at tatay iniwan na nila ako pano na ako lolo ko"

Lumakas ang iyak ni Luna. Inakbayan siya nila Cross at ni Kriss.

"Pareho lang tayong nawalan dahil sa mga eltrado kaya itigil mo na ang pag iyak mo. nagsasayang ka lang ng lakas mo ang dapat mong gawin mag insayo ka palakasin mo ang sarili mo upang ipag higanti ang lolo mo" sabi ni Cross.

Tumigil sa pag iyak si Luna sa sinabi ni Cross. Pumalag sya sa pag kaka akbay ng dalawa.

"Ano bayan ang bigat naman ng kamay nyo"

Napaisip si Luna dahil mag kamuka silang dalawa.

"Hmm mag kakambal ba kayo?"

Nag tinginan ang mag kapatid at tumango ng sabay at sabay ding nag salita.

"Oo naman mag kakambal kame".

Ang kaninang umiiyak ngayon ay tumawa na.

"Hahaha ngayon lang ako na ka kita ng ganyan hahaha ikaw maputi sya maitim hahaha"

Nagalit si Kriss.

"Aba sumosobra na to ah" sabi ni Kriss

Lulusubin na sana ni Kriss si Luna ngunit inawat sya ng kapatid nito.

"Hiyaan mo lang sya tignan mo oh hindi na sya malungkot"

Lumapit si Elde kay Luna.

"Ano tara na sasama ka sa amin diba" sabi ni Elde.

Tumayo si Luna.

"Tulungan nyo muna akong malibing ang mga kababayan ko pati itong si lolo at pwede na tayong umalis"

Tinulungan nila ang mga tao sa pag lilinis ng mga katawan nang mga eltrado na pinatay nila at sa paglilibing ng mga pumanaw na kababayan nila. Na ayos na ang lahat at mag gagabi na. Nakitulog sila Elde sa bahay ni Luna sila ay na pagod sa pag lilinis ng syudad ni Luna. Umaga na nagising na ang lahat nag luto na ng masasarap na pagkain si Elde. Kumain na sila ng agahan. Nasarapan si Luna sa luto ni Elde.

"Ang sarap naman nito diko akalain na magaling ka pala mag luto" sabi ni Luna.

Natuwa si Elde.

"Maraming salamat at na gustohan mo ang niluto ko aalis na tayo mamaya ha"

                           Abangan

Elde : Finding the Ten Holy TreasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon