Chapter : 20 Practice Fight

110 5 1
                                    

Nakarating ang mga taong bayan kasama si Dana sa bundok robta. Sa kabilang banda biglang napalutang ni Gaspi ang bato nang hindi nya nalalaman. Nagulat ang lahat.

"Pano mo na palutang yang batong yan?" tanung ni Cross.

Sinagot ito ni Gaspi.

"Hindi ko alam. Basta ang alam ko lang ay napaka gaan ng pakiramdam ko at parang nararamdaman ko ang lakas ko"

Lumapit si Luna kay Gaspi.

"Kaya mo din ba akong palutangin?" sabi ni Luna.

Sinagot ito ni Gaspi.

"Umm. Sa tingin ko kaya ko"

Tinuon nya ang kanyang kaisipan kay Luna at napalutang nya ito. Namangha ang magkapatid na si Cross at Kriss.

"Wow pano nya na gawa yan" namamanghang sabi ni Cross.

Biglang nagulat ang lahat ng naging tao si Seachel.

"Luna ang galing mo naman. Lumulutang ka na pwede mo ba akong isama" sabi ni Seachel.

"Oo ba basta maging tungkod ka. Baka di tayo kayanin ni Gaspi" sabi ni Luna.

Tumalon ng mataas si Seachel at naging tungkod. Sinalo ni Luna si Seachel na naging tungkod. Nasayahan si Luna.

"Gaspi taasan mo pa" sabi ni Luna.

Tinaasan ni Gaspi ang paglutang ni Luna. Biglang nawalan ng kontrol si Gaspi kay Luna.

"Babagsak sya saluhin nyo!!" sabi ni Gaspi.

Naramdaman ni Luna na hindi na sya lumulutang at bumababa na sya. Nang babagsak na si Luna sa lupa ay biglang tumalon si Cross at sinalo ng katawan nya si Luna.

"Hay buti nalang nasalo mo sya" sabi ni Gaspi.

Biglang na galit si Luna.

"Teka hinihipuan mo ba ako?" tanung ni Luna.

Sinagot ito ni Cross.

"Hindi kita hinihipuan niligtas lang kita" sabi ni Cross.

"Bastos ka manyak!!" sabi ni Luna.

Biglang hinataw nya sa ulo ng tungkod si Cross.

"Aray!! Sinabi ko na ngang hindi kita hinipuan eh. Saka baket may mahihipo ba sayo?" sabi ni Cross.

Mas lalong na galit si Luna sa sinabi ni Cross. Biglang tinusok ng tinusok ni Luna si Cross sa tiyan. Inawat ni Gaspi si Luna sa pag tusok nito kay Cross.

"Tama na Luna niligtas nya lang ang buhay mo dahil babagsak ka wag ka masyadong magalit" sabi ni Gaspi.

"Niligtas lang naman talaga kita ah tapos ito ang gagawin mo sa akin" sabi ni Cross.

"Ah sige pasensyana na saktan kita sadyang mainitin lang talaga ang ulo ko" sabi ni Luna.

"Alam ko na mag sanay na lang kayong dalawa sa pag laban. Nang walang gamit na sandata" sabi ni Kriss.

"Papayag ka ba doon Luna" Sabi ni Gaspi.

"Sige ba. Papatunayan kong masmalakas ako dyan sa Cross na yan" mayabang na sabi ni Luna.

"Tandaan nyo ha pag sinabi kong awat awat hah" sabi ni Gaspi.

"Anong mas malakas ka sa akin. Hindi lang kita pinatulan kasi babae ka noh" sabi ni Cross.

Pumuwesto na sila Cross at Luna at handa ng mag laban."Humanda na kayo. Simulan na" sabi ni Kriss. Nag simula na ang laban nila Luna at ni Cross lumusob si Luna at sumipa ng mataas. Sinalan ng kamay ni Cross ang sipa ni Luna hinawakan ni Cross ang paa ni Luna at dinapa ito. Sumuntok si Cross pababa. Inilagan ni Luna ang Suntok ni Cross. Biglang tumayo si Luna. Sinuntok ni Luna si Cross sa ulo ngunit naka ilag ito. Sabay na sumuntok ang dalawa.

Abangan

Elde : Finding the Ten Holy TreasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon