Because The Weather Is Good

37 1 0
                                    

"Umuulan nanaman," 

Napasinghal ako at inilikom ang buhok ko sa isang pusod. Basang basa ako nakakainis. Sirang sira talaga ang araw ko. Dali dali kong kinapa ang cellphone ko sa bulsa ko at napabulong ng mura nang makapa yun. Napaka malas talaga.  

Nagpalinga linga ako at sinilip ang oras. Mag aalas dos na ng madaling araw, pero ngayon palang ako uuwi. Kaya ba wala ng bus? Napaupo ako sa isang bench habang nag iintay at pinipiga ang dulo ng t-shirt kong basang basa. Sinandal ko ang ulo ko at napabuntong hininga. Ayoko talaga ng ulan.

Sobrang dumi ng paligid para sakin tuwing naulan. Basa ang sahig, at meron pang kakaibang amoy gawa ng singaw ng kalsada. Maduming tubig ang pumapatak sayo at kagaya ng sitwasyon ko ngayon, di mo maiiwasang mabasa. Atsaka, hindi naman lahat ng tao kagaya ko na may nasisilungan tuwing naulan. 

Napalingon ako sa cellphone ko ng magvibrate 'yon at nakita ang caller ID. Napamasahe ako sa noo ko, pinag iisipan kung sasagutin paba ang tawag o hindi. Pangalan nya palang may kung ano ng namumuo saking galit. Paano pa pag nakita ko na sya?

"Bakit, pa?" Mahinang sagot ko, nagtitimpi.

"Umalis ka raw sa trabaho mo!" Nailayo ko agad sa tainga ko ang cellphone nang marinig ang sigaw nya. Gusto ko lang umuwi, gusto ko lang umuwi nang payapa. Mukhang magiging malabo 'yun dahil sa pagtawag niya.

"Ano nalang sasabihin ko kay Dennis neto?! Hindi ba't sabi ko sayo pagtyagaan mo nalang muna! Iris naman makisama ka naman!" 

Napabuntong hininga nalang ako, sanay na sa naririnig. 'Ni hindi ko na nga magawang umiyak. Wala akong panahon para umiyak. Ultimo pag iyak pakiramdam ko kawalan lang sa oras. Napatingin ako sa harap nang may tumigil na bus sa harap ko. Nakatingin lang ako doon nang matagal at tila nawalan na ng gana bigla kumilos.

 "Miss, sasakay kaba o ano?" 


Dali dali akong sumakay at agad naghanap ng mauupuan, habang hindi pa rin binababa ang tawag. Saktong pagkaupo ko sa tabi ng bintana ay mas lalong lumakas ang buhos ng ulan. Kinandong ko ang bag ko para hindi mabasa yung katabi ko na akala mong may nakakahawa akong sakit kung tingnan at layuan. Napangiwi ako ng bigla syang umayos ng upo at nasagi ang paso ko sa braso na hindi ko namalayang lumulobo na pala. 


"Nakikinig ka paba sa sinasabi ko Iris?!" 


Hindi ko na nga maalala ano ang huling sinabi niya. 

"Maghahanap nalang ako ng bago pa, marami pa naman dyan. " Mahinang sagot ko, nauubusan na ng lakas.

Lumipad na ang isip ko at hinayaan ko nalang sya mag salita nang magsalita sa kabilang linya. Hindi ko na maintindihan ang sinasabi nya. Binaba ko ang tingin uli sa sarili ko at napaismid. Ang pathetic ko ngayon. Kung may manual lang sana kung paano mabuhay, kinuha at sinundan ko na 'yon. Kaso parang wala, parang pinanganak ka lang dito sa mundo ng magulang mo tapos bahala kana kung paano ka mabuhay. Ewan, ganoon kasi ang sitwasyon sakin.

 "Bahala kana nga, basta wag mong kakalimutan magpadala ng pera para kay Ivan dito!" 

Nagtagal ang tingin ko sa itim na screen ng cellphone matapos niyang patayin ang tawag, bago napagdesisyunang kunin ang earphones at umidlip saglit. Ang daming nangyari sa araw na'to at etong oras nalang na'to ang pahinga ko, pero nasira pa. Sa tuwing mangyayari sakin to, hindi ko maiwasang isipin si mama at sisihin sya sa paghihirap ko. Kung hindi nya siguro kami iniwan, hindi ako ang tumatayong ina sa kapatid kong si Ivan at hindi rin ako ang nagtatrabaho para lang mabuhay. 

Because The Weather Is GoodWhere stories live. Discover now