Chapter 4

11 1 0
                                    

tw : abuse




"Fidel! Ano ba!?"




Nabitawan ng maliliit na kamay ang mga kubyertos na hawak hawak dahil sa sigaw ng kanyang ina na nagmumula sa kusina. Biglang namula ang kanyang mga pisngi at sabay hinawakan ang kanyang tainga upang pigilan ang nagbabadyang luha.



"Apat na taon palang si Ivan! Nasisiraan kana ba!?"



Nagpumilit siyang bumaba mula sa upuan na mas mataas pa sa kanya upang silipin kung ano nanaman ang pinagtatalunan ng kanyang mga magulang. Sa isip isip ng pitong anyos na bata, "Nag aaway nanaman sila."




"Lasing ako Irene! Ngayon nahimasmasan nako dahil sa ingay ng bunganga mo!"




Napapikit siya nang umalingawngaw ang pag iyak ng kanyang kapatid nang makitang saktan si Irene ng kanyang asawa. Tuluyan na rin kumawala ang mga luhang kanina pang nag uunahang tumakas sa kanyang mga mata. Pagkadilat ay napadako ang tingin nya sa basang higaan ng kapatid nya na naliligo sa ihi at suka ng lasing nyang ama.




"Ma," marahang sambit habang rinig ang panginginig ng boses dahil sa takot na makuha nya ang atensyon ng tatay niyang pulado ang mata.




"Iris, pumunta ka muna kanila Mica. Maglaro ka muna 'ron"



Alam nya sa sarili nya na hindi iyon ang tamang panahon para makipaglaro sa kaibigan niyang kapit bahay din nila. Kaya imbis na kumilos ay nanatili syang nakatayo at di maalis ang mata sa nanay nyang pasimpleng nagpupunas ng luha habang nililinis ang dumi.



"Fidel, tama na!"


Nanlaki ang mata niya at tumakbo sa kapatid nyang nakasiwarik na dahil sa tatay nyang binuhat sya hawak lamang ang maliliit nitong paa. Ingay, iyak, at nagbabagsakang gamit ang maririnig sa kusina. Sapat na para kunin ang atensyon ng kapit bahay na siya rin kaibigan ng kanyang nanay.




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 03, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Because The Weather Is GoodWhere stories live. Discover now