Chapter 3

17 1 10
                                    

Iris's


Walang kwentang buhay.


Walang kwentang buhay kasama ang mga walang kwentang tao habang ginagawa ang pinaka walang kwentang bagay sa mundo. Sinusulyap sulyapan ang orasan na nakasabit sa gilid, habang paulit ulit na nag iistamp ng mga papel na hindi ko alam kung kailan pa mauubos. Sumasakit na likod ko at malapit na rin ako maduling sa mga maliliit na letrang 'to. 

Umunat ako sandali at binitawan ang stamp sandali.Napahinga ako nang malalim habang nilipat ang tingin sa bintanang bukas kung saan kita ang kalsada na may mga tao at sasakyang dumadaan. Sa dami kong dapat pang gawin pinili ko pa talagang madistract at tumunganga sa gilid kaysa magtrabaho. Okay lang matatapos ko din naman 'yan. Hindi naman tataas ang sahod ko kung magpakasipag ako rito at magstamp ng mga papel na parang wala ng bukas. Mababa pa rin naman ang bigayan. Silang mga mayayaman lang din ang nagtutulungan. Pilipinas nga naman.


I leaned my chin on my palm and tilted my head as I start observing those people crossing the street. Lahat may kanya kanyang buhat na istorya at kanya kanyang uri ng pagkatao. Meron kayang isa sa kanila na nag iisip magpakamatay ngayon? O baka mamaya di ko alam isa pala sa mga natingnan ko eh kagagaling lang sa crime scene? Napatingin tuloy ako bigla sa kadeskmate ko. What if isa pala syang serial killer? 


"Iris! Kumain kana ba?" 


Naputol tuloy bigla ang pag iisip ko nang biglang humarang ang kaibigan kong si Noah, sa tinitingnan ko habang may dala dalang dalawang lunchbox sa kamay nya. Panigurado ay aayain nya nanaman akong kumain kasabay siya. Hindi ko nga alam bakit pati ako sinasama nya pa sa pagbabaon nya ng pagkain. Pero sabagay, ganon na talaga sya. Una palang. 


"Hindi pa. Sa bahay nako kakain sabay kami ni Ivan." saad ko saka pinusod ang hanggang dibdib kong buhok bago sumilyap uli sa orasan. Ilang minuto nalang. Nilikom ko na ang ilan sa mga papel na tapos ko ng gawin at pinagpatuloy uli ang trabahong ginagawa. At the end of the day, kailangan ko pa rin 'tong trabaho na 'to kahit anong ungot ko. 


"Eh wala 'kong kasabay kumain." Pati ba naman 'yon problema ko pa?


"Kaunti lang ibigay mo sakin, sa bahay pa rin ako kakain." Lumapad naman ang ngiti nya sakin na para bang may nagawa akong maganda sa buhay nya. Minsan gusto ko nalang isipin na nasa akin ang sikmura ni Noah kaya hindi sya makakakain nang hindi ako kasabay.



Mabuting kaibigan si Noah kaya naman wala rin ako minsan magawa kapag may nirerequest sya kasi pakiramdam ko sa dami ng tinulong nya baka ibalik o isumbat nya sakin yun pag nagkaproblema. Okay naman ang samahan naming dalawa, pero syempre minsan, hindi mo naman hawak ang utak at moral ng isang tao. Atsaka, di pa kami ganoon katagal magkaibigan para lubos ko syang pagkatiwalaan. Hindi kagaya ni Mikyle.


Kaya naman kumakain nalang ako kasama sya kahit na wala pa naman talaga akong gana kumain, kaso ano pang magagawa ko kung ganyan sya ngumiti na akala mo naman nalutasan ko ang problema ng isang third world country.


At kung minamalas ka nga naman, mayroon nanamang papalapit na malas at nangangamoy dagdag trabaho kung kailan papauwi kana.


"Iris, pwede bang ikaw muna sa inventory ko? May emergency lang kase talaga sa bahay." 

Because The Weather Is GoodWhere stories live. Discover now