Tulad ng buwan ika'y aking pagma-masdan
Sa malayuan, ika'y titignan
Mamahalin, kahit hindi nalalapitan
Susubuking abutin, kahit alam kong mahihirapan langHindi ko alam ang aking nararamdaman
Basta alam kong masaya na'ko masilayan ka lang
Alam kong mali, pero hindi ko mapigilan
Kaya hinayaan ko na lang,
Tumakbo ang oras at ika'y pasimpleng sulyapan
Na kahit minsan ay hindi ko nakitang ngumiti
At kung ngi-ngiti man ay sapilitanAlam kong mali pero bakit hindi?
Kung libre namang mangarap kahit na mahapdiOo, hahayaan ko nalang na maging ganito ang takbo ng mundo
Kasi masaya naman na ako sa ganitoHahayaan ko nalng na tignan ka sa malayuan na parang buwan, papangarapin at pagma-masdan pero sana,
Sa tamang tao,
Sa tamang lugar,
Sa tamang situwasyon,
Sa tamang panahon,
Tulad ng araw at buwan
Ika'y aking malalapitan at mahahagkan
At ang mundo ay tititig na may paghanga sa ating eclipse,
Minsanan lang magkita, magkasama at mahagkan,
Ngunit ito ang patunay na kahit kailan ang pagma-mahal ay hind nababase sa iyong nakikita o namamasdan,
Kundi kung ano ang iyong nararamdaman kaya,
Kaya kong hintayin ang tamang panahon at sana'y ganun din ang iyong tugon.Poem related to moon by iWABluna🌙