Yugto ng Buwan

3 2 0
                                    

Taong tinuring ko na kasing-halaga ng buwan
Na akala'y magandang pagmasdan kahit sa malayuan

Pitong b'wan na aking pasimpleng pinag-masdan
Hinangaan sa taglay nitong ganda
Ginusto dahil sa pagiging kaka-iba

Ngunit hindi pa pala
Hindi ko pa pala lubusang nakikita
Ang apat na klase ng buwan sa kalangitan

Na tulad n'yang may iba't-ibang ugali at nararamdaman
May kasiyahan, kalungkutan, kabaitan
Ngunit meron ring kasamaan

Alam ko nmng lahat ng tao'y may iba't-ibang kaugalian
Ngunit bakit pa 'ko nanibago sa isa pang-kaanyuan?

Kapag ito'y namumula, natu-tuwa at huma-hanga ako
Kapag tina-takpan ng ulap, ay sadyang ikinalu-lungkot ko
Ngunit bakit d'to, sinukuan ko ito?

By iWABluna 🌙

Her Unsaid ThoughtsWhere stories live. Discover now