Pagba-balik

4 1 0
                                    

Ika'y na wala, nag lahong bigla na parang bula
Ngunit bumalik ding kusa
Hindi matago ang pana-nabik sa iyong pagba-balik,
Ngunit ang pana-nabik ay nag laho ring kusa
Dahil sa iyong pagba-balik ang iyong pag-ibig ang s'yang na wala

Akala ko sa pag balik mo magiging okay tayo
Akala ko magiging masaya na ulit ako
Ngunit hindi
Kabaliktaran lang ng lahat ng ito

Humingi ka ng patawad sa pag ka-wala mo
Ngunit sa pag lipas ng araw, nag ka-ganito na ulit tayo
Anong silbi ng pag hingi ng tawad mo?
Kung ganun pa rin naman pala ang gagawin mo?

Sa mga pinapa-kita mo ako'y na lilito
Kung ako pa rin ba ang tini-tibok ng puso mo
O baka naman hindi na ako, ngunit wala ring bago
O kaya naman, baka na sa kala-gitnaan na tayo ng ating k'wento
Kung saan pinapa-kita na sa atin na dapat itigil na ito
Isarado na ang libro at gumawa ng sariling k'wento
Na hindi na p'wedeng tayong dalawa ang maging paksa nito.

Written by iWABluna 🌙

Her Unsaid ThoughtsWhere stories live. Discover now