Matagal na kitang nakilala
Nag laro at nagkaka-awayan pa
Naalala mopa kaya nung tayo'y mga bata?
Nagkahiwalay ng matagal ng panahon
Dahil sa pandemya
Ngunit nung ika'y nagbalik
Tila may nag iba
Bumibilis ang tibok ng aking puso sa tuwing ika'y nakikita
Anong nagyayari?
Hindi ito tulad ng dati?
Maraming katanungan sa aking isip
Hindi maiwasang sayo'y mapatitig
Ito ba'y pagibig?
Bakit tila ayaw kitang mawala?
Gulong gulo ang isip ano ba ang gagawin
Alam kong kaibigan lang ang turing mo sa akin
Ako ba ay aamin?Aamin na mayroon akong gusto sayo ngunit ayaw marinig ang sagot mo
Alam kong malabo ka magkagusto sakin
Sapagkat hindi ako kagandahan upang iyong hangaan hindi sapat ang edad ko at kaibigan lang ang turingan
Kay sakit isipin na iibig ako sa lalaking malabong maging akin
Hindi ko gusto maging parte ng buhay moAng hirap lang ng may pasanin
Na parang gusto kumawala sa puso ko
Kailan kaba maaalis sa isip
Bakit kahit sa panaginip
Ika'y nasisilip
Iniisip na sanay ika'y hindi nakilala
Ngunit kung hindi ay wala ang saya
Sa tuwing ika'y nakikita
Tanging hiling lamang ay makahanap ka ng babaeng ituturing mong prinsesa at magtutulungan kayo sa lahat ng problemaPoem from the past and also credits to the rightful owner: ashleyqtt
Posted by iWABluna🌙