Paalam

2 1 0
                                    

Mahal ko, patawad
Patawad dahil hindi ko na kinaya pa
Patawad dahil sa mga tatahakin mo ay mag isa ka na
Patawad, dahil ang relasyon natin ay tinapos ko na
Patawad dahil ang mga pangako natin ay hindi na matu-tupad pa

Mahal kita, ngunit tadhana na ang tumutol sa'ting dalawa
Kaya mas pinili kong pakawalan ka
Kasi baka nga totoo ang sina-sabi nila
Na kung mawa-wala ang isang tao sa buhay mo
Baka tapos na ang misyon n'ya sa'yo
O hindi talaga tinadhana na maging kayo

Pero lagi mong tatandaan, minahal kita ng buo at totoo
Kaya sana
Sa susunod na buhay na'ting dalawa
Sa pag tanda ay sana tayo na ang mag ka-sama

Hanggang sa muli, paalam na mahal ko..

Written by iWABluna 🌙

Her Unsaid ThoughtsWhere stories live. Discover now