Chapter Two

53 3 0
                                    

Chapter 2

Are you following me?

Nung nakarating ako sa suite ko ay agad akong pumunta sa CR at nagbabad sa bubble bath ko. I'm too exhausted today. Freakin jetlag.

Pagkatapos kong magbubble bath ay nagbihis na ako into sweatpants at simpleng shirt ko. Binuksan ko ang MacBook ko at nag login sa skype. Buti nalang online siya. Tinawagan ko siya gamit ang video call at mabuti nalang ay sinagot niya kaagad. I'm pretty sure he's waiting for my call.

"Hi Kev!" Ngumisi ako at kumaway sa kanya. Parang kakagising niya lang dahil parang lutang na lutang siya. Siya si Kevin Lex McCall, best friend ko sa New York. Half Filipino at American siya kaya nagkasundo agad kami. We're from the same school kaya mas nagkasundo kami. Marunong siyang magtagalog dahil bumibisita rin siya sa Pilipinas kasama ng pamilya niya kaso malimit lang siyang magtagalog at halos Ingles ang ginagamit.

"Yo Al. How's Phil?" Ngumisi siya kaya gumwapo siya lalo. Kahit bagong gising lang siya at naka bed hair pa ay gwapong gwapo parin siya. Kulay Blue yung mga mata niya at mataas ang ilong nito. Natural na pula yung lips niya at meron siyang perfect set na ngipin. Perpekto rin yung pagkasculpture ng jawline niya. Maganda rin yung katawan niya dahil parati itong nagwoworkout. I already saw this man topless many times and I can say that he has 8-packed abs. Saan ka pa? Haha.

"It's great! We went to a bar earlier with my cousins but someone offered me a drink! I just drank it without knowing what it was. Unfortunately, it's a vodka. You know I have something in Vodka right?" Tumango siya at pinagpatuloy ko yung pagkwento ko. Kinwento ko rin sa kanya yung tungkol sa lalaking nagngangalang Nathaniel Luke Hale at sa pinagawa nito. Tumawa siya ng husto pagkatapos kong magkwento. Seriously, anong nakakatawa dun?

"There's nothing funny, Kev!" Pinigilan niyang matawa at nagawa niya naman ito pero hindi parin maalis sa kanyang mukha ang ngisi niya.

"It's funny coz' you even washed his shirt! You don't even do that in you're house! God, Al!" Natawa siya ulit kaya inirapan ko nalang siya. Buti nalang at iniba niya yung topic kaya nawala yung inis ko.

"So what's your plan? You know you can't just stay there in your suite forever." Napaisip ako sa sinabi niya. Wala pa akong plano kung ano ang gagawin ko dito. Sa Saturday pa ako makakabisita sa bahay dahil yun ang sabi ni Dad. Sa sabado pa kasi siya makakauwi galing Canada.

"Hmm, roam around? Go to resorts? Shopping? I don't know." Nag-isip ako ng mga pwedeng gawin bukas pero wala talaga akong maisipang magandang gawin.

"You said you have a resort there? Try visiting it." Hindi naman talaga sa'min yung resort na yun dahil pag aari yun ng pinsan kong si Aiden at ng pamilya niya. Pero okay rin naman kung pumunta ako dun.

"Right! That's what I'll do tomorrow. I remembered too that Aiden invited me since he knew I'm here in Philippines. Thanks Kev! Btw, I need to sleep already jerk. It's already quarter to 12. Bye Jerk!" Tinatawag ko siyang jerk minsan at okay lang naman ito sa kanya. Tinatawag niya rin naman akong bïtch at tumatawa lang kami dahil doon.

"Bye Bïtch. I love you." Kumakain siya ng cereal at muntik ng mabulunan kaya natawa ako at natawa rin siya.

"Haha. Okay jerk. I love you too." Kumaway ako sa kanya at inend ang call. Nag logout narin ako at pinatay yung MacBook ko. Nag toothbrush muna ako bago natulog.

Kinabukasan ay nag handa ako ng mga dadalhin ko. Tatlong araw lang naman ako doon kaya hindi masyadong marami ang dadalhin ko. Naka green maong shorts ako at naka black top na pinaresan ko ng black na coat. Medyo mahaba ito kaya bumagay sa shorts ko. Hindi ko muna sinuot yung hat at sunglass ko dahil balak ko munang kumain.

Kumain ako sa restaurant dito sa hotel ng seafood carbonara at mango shake. Pagkatapos kong kumain ay tinawagan ko yung driver na pinahanda ni dad, ayaw niya kasing magcab ako dahil hassle daw iyon. Maya maya ay dumating na yung driver kaya sinabi ko agad sa kanya yung resort na pupuntahan ko. Hindi naman ito sobrang layo dahil isang oras lang aabutin upang marating namin yong resort pero depende daw iyon kung traffic.

Mabuti nalang hindi masyadong traffic kaya medyo madali kaming nakarating doon. Sinuot ko yung sunglass at hat ko. Pumunta ako sa lobby para mag check in kaso nung sinabi ko yung pangalan ko sa receptionist ay meron na dawng nakahandang room para sa'kin.

"VIP Room po yung pinahanda ni Sir Aiden sa inyo. Ipapahatid nalang po namin kayo o yung bagahe niyo sa room niyo. Welcome and enjoy, Miss Styles." Ngumiti yung babae sa'kin kaya sinuklian ko rin ito ng ngiti. Nagpasalamat ako dito at pinahatid ko nalang yung dala ko sa lalaking lumapit sa'kin. Siya daw yung maghahatid ng bagahe ko sa room ko kung gusto ko munang tignan yung kabuuan ng resort.

Nagpasalamat ako at pumunta sa malapit na café rito. Nag order ako ng chocolate latté na parati kong inoorder sa starbucks. Pagkatapos kong mag order ay uupo na sana ako sa table upang maghintay ngunit may narinig akong pamilyar na boses.

"Miss, one coffee latté please." Tumingin ako sa taong nagmamay ari ng pamilyar na bose at nabigla ako nung nakita kung sino iyon. Napatingin siya sa'kin at nabigla rin siya.

"Ikaw?!" Sabay naming sigaw habang tinuturo ang isa't isa. Umiling ako at nagsalita.

"Oo, ako. Are you following me?" Natawa siya sa tinanong ko at umiling rin.

"Heck no. Maybe you're the one who's following me. I'm here for a business, what about you?"

"I'm here because the owner invited me to come here! Which is my cousin." Suminghap kaming dalawa at pumunta nalang ako sa table ko. Nabigla ako ng sumunod siya at umupo sa katapat kong upuan.

"What are you doing?" Tanong ko sa kanya.

"Waiting for my coffee?" Pang aasar niya sa'kin. Ugh! I hate this guy! Inirapan ko nalang siya at hinintay yung order ko.

》》》》

Sa gustong magpadedicate just PM me. :) Please vote, comment and continue reading. Thanks :)

You Lied To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon