Chapter Three

37 2 0
                                        

Chapter 3

We're cousins

Umalis ako kaagad pagkakuha ko ng order ko at ganun rin siya. Magkasabay dumating yung order namin kaya nagmadali akong lumabas para mauna ako sa kanya.
Hindi ko maipagkakaila na gwapo talaga siya. Kahit na v-neck shirt at maong na below the knee lang yung suot niya ay bumagay ito sa kanya. May suot rin siyang sumbrero na nagpacool lalo sa kanya. Meron siyang shades kaso nakasabit lang ito sa shirt niya. Who would hide that ocean like eyes?

Nasa may dalampasigan na kami at nakasunod parin siya. Hindi ko na kinaya ang pagsunod niya kaya hinarap ko na siya. Naabutan ko siya ng nakangisi na para bang ang saya saya ng ginagawa niya. Pano niya nagawang masaya habang inis na inis ako?

"Are you seriously following me?" Hindi parin matanggal sa mukha niya ang ngisi niya. Hindi ko nalang iyon pinansin at hinintay ko nalang siyang sagutin yung sagot ko.

"Hmm. No? Haha. Maybe you're the one who's following me?" Lumaki pa lalo yung ngisi sa kanyang mukha at medyo nilapit niya iyong mukha niya sa'kin. Agad kong nilayo yung mukha ko sa kanya at umirap.

He's stupid! Paanong ako ang sumusunod sa kanya eh ako yung naunang dumating dito at ako rin ang unang umorder at lumabas sa café! Ako rin yung nasa unahan kaya mas obvious na siya ang sumusunod sa'kin!

"I'm obviously ahead of you! Kailan ka pa nakakita na ang buntot nasa harap? At ako yung naunang nakarating dito at ako rin yung naunang lumabas sa café!" Inirapan ko siya ng husto ng nakitang hindi parin nawawala yung ngisi niya.

"Well, darling. I'm sad to say that I have been here since dawn." Ngumisi siya lalo kaya inirapan ko nalang siya at sinigawan.

"Whatever!" Hindi ko nalang siya pinansin at naglakad nalang ako palapit sa dagat. Maganda ang view dito at marami ring turista. Kinuha ko yung phone ko at nagsimula ng kumuha ng picture sa dagat. Asul na asul yung kulay ng dagat at crystal na crystal yung tubig nito. Meron ring mga palm trees at duyan sa gilid gilid ng resort kaya mas gumanda tignan. Nagselfie ako habang pinapakita yung view para meron akong mapost sa instagram at meron rin akong maipakita kay Kevin. Marami ring pwedeng gawin rito, katulad ng jetski at free diving.

Habang nag-seselfie ako ay may nakita akong phone na nakatutok sa'kin. Tinignan ko kung sino ang nagmamayari ng phone na iyon at nakita ko si Nathan na nakangisi habang hawak yung Iphone niyang nakatutok parin sa'kin. Tinaas ko ang kilay ko.

"What are you doing?" Tanong ko sa kanya. May pinindot siya sa phone niya na parang kumukuha ng picture. Ngumisi siya ngunit hindi siya sumagot. Tinanong ko ulit siya.

"Are you stalking me? I knew it!" Ngumisi pa siya lalo at lumapit sa'kin, nilapit niya rin ng bahagya yong mukha niya sa'kin.

"I'm taking a picture of a beautiful view." May kung ano akong naramdaman sa tiyan ko kaya nilayo ko yung mukha niya. Nilayo niya rin yung mukha niya sa'kin at hindi ko nalang siya pinansin. Ayaw kong isipin na ako yung tinutukoy niya sa beautiful nang dahil lang nakatingin siya sa'kin! O sa side ko! Whatever! Ugh. Ininom ko nalang yung latté ko at kukuha na sana ng panibagong picture kaso may narinig akong pamilyar na boses na binabanggit yung pangalan ko. Tinignan ko kung sino iyon at nakita ko si Aiden na nakangiti habang naghahalf jog papunta sa'kin. Niyakap ko agad siya pagkakita ko sa kanya. God. I miss this guy! Close rin kami nito eh dahil nung last kong bisita sa Pilipinas ay nagkasama kami sa bahay kasama yung iba kong mga pinsan.

Kumalas na ako sa yakap niya at binati ko kaagad siya. "Hi Aid! How's you? God. Gumwapo ka lalo ah!" Tumawa kaming dalawa at umiling siya.

"Hi Al! I didn't really expected na bibisita ka talaga dahil I expected na marami kang gagawin kaya hindi ka makakabisita. Gumanda ka rin ng husto Al. Kung hindi ko lang napansin yang bag mo eh." Itong bag kasi na dala ko ay galing kay Mom at paborito ko iyon kaya kadalasan ay iyon ang ginagamit ko. Napatingin si Aid sa likuran ko. Nakita ko si Nathan na parang galit. Medyo madilim yung tingin niya.

"So you've met already?" tanong niya habang tinuturo kami ni Nathan. Tumango si Nathan at siya na ang sumagot kay Aid.

"Yup. We're neighbors..." Tumango ng ilang beses si Aid. "So magkaano-ano kayo?" dugtong ni Nathan at siya naman ang tumuro sa'ming dalawa.

"We're cousins." Sabi ni Aid ng nakangiti at inakbayan ako. Medyo lumiwanag yung mukha ni Nathan at nawala yung madilim na titig niya.

"So what do you think of Styled?" Tanong niya sa'ming dalawa. 'Styled' yung pangalan nung resort niya at galing iyon sa Styles na apilyedo namin. Ako na ang sumagot sa tanong niya.

"It's wonderful, Aid! Hindi ko pinagsisihan yung pagbibisita rito. Good jub, couz." Sabi ko at tinapik yung balikat niya. Sumang ayon rin si Nathan sa'kin.

"Thanks. Pinangalagaan ko talaga itong resort na ito eh. Sayang kasi kung masira ito dahil ang ganda ng dagat rito. By the way, napasyal na kayo sa mga pools rito? Merong infinity pool dito. You should try it, couz. And you too Nate." Tumango kaming dalawa ni Nathan at pumunta na sa pool section.

Naamaze ako dahil merong tatlong pool at isang infinity pool rito. Meron ring jacuzzi pool kaya mas lalong nakakamangha ito. Lumapit ako sa infinity pool at tinignan ito. Balak ko sanang picturan ito kaso baka mahulog yung phone ko kaya wag nalang. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid.

Pero nabigla ako ng may bumangga sa'king bata kaya na out of balance ako. Akala ko mahuhulog na ako pero may humila sa'kin at sinikop sa mga bisig niya. I can feel his heartbeat dahil yung ulo ko nasa chest niya. Pamilyar yung amoy niya..... kay Nathan! Agad akong kumawala sa yakap niya at inayos yung sarili ko. Why does it has to be so cliché?

"T-thank you. Kung hindi dahil sayo baka basa na siguro ako at yung mga gamit ko." Tumingin ako sa kanya at ngumiti. First time!

"Welcome. Next time mag ingat ka." Lumapit si Aiden sa'kin at chineck kung okay lang ako. Sinabi ko naman sa kanya na okay lang ako dahil hindi naman ako nahulog.

"I'm sorry, ate. Hindi ko sinasadya. Hindi na po ako maglalaro malapit sa pool. Promise." Tumingin ako sa bata na guilty masyado sa nagawa niya. Binend ko yung tuhod ko upang magka level yung mukha namin.

Hinawakan ko yung chin niya at tinaas yung mukha niya. "It's fine, baby. Just be careful next time okay? Baka ikaw naman yung mahulog. Delikado yun. What's your name?" Ngumiti ako sa bata para mawala yung guilt niya.
"I'm Alexandra. What about you, ate?" ngumiti rin siya sa'kin. Maganda rin tong batang to. Bet ko paglaki nito, magiging model 'to.

"I'm Allison." Tinanong ko rin kung ilang taon na yung bata at nalaman kong anim na taong gulang pa siya. Hindi naman kami nakapagusap ng mahaba dahil tinawag na siya nung Kuya niya.

Tumingin sa'kin yung kuya niya kaya nginitian ko ito. Nag-iwas siya ng tingin at hinila paalis si Alexandra.

You Lied To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon