Chapter 4
kajima..
Bumalik ako sa room ko upang makapagpalit ng damit ko. It turned out na pupunta rin pala yung iba kong pinsan na sina Mason, Liam, Elena, at Sabrina. Sila lang yung close ko sa lahat ng pinsan ko from my Dad's side. Kasama na si Aiden. Magkalapit lang yung edad namin, 20 years old kami ni Elena, 21 naman sina Sabrina at Liam, 23 years old naman sina Mason at Aiden. Mga anak nila Tito Jake at Tita Sophia sila Elena at Mason , at sina Sabrina, Liam at Aiden ay anak nina Tito Marcus at Tita Nicole. Nagyaya silang pumunta sa bar dito sa Styled na 'Styled Madness'. Sila Mason daw ang nagpumilit na ipatayo yung bar na yun para daw makapag-night hangout sila.
Nagsuot ako ng simpleng black dress na body fitting at high low na cut. Nagsuot rin ako ng gold necklace at ginamit ko rin yung gold purse ko. Pinaresan ko ito ng black na 4 inch high heels.
Gusto ko sanang tawagan si Kevin kaso naalala ko na birthday ng cousin niya kaya naisip ko na baka busy siya. Umalis nalang ako at papunta na sana sa bar ng may narinig akong umiiyak na babae.
I'm wishing that it's not a ghost. Crap. Hinanap ko kung saan galing yung iyak at meron akong nakitang nakatalikod na babae at nakaluhod ito. Nagtago ako sa puno para hindi makita. May narinig akong nagsalita na lalaki kaya nilingon ko ito. Nakatayo lang siya at tinitignan lang yung babaeng nakaluhod sa harap niya.
"It was all a lie, Jamie. You were so desperate for me. Sinubukan kong hindi ka pansinin at sungitan ka upang hindi ka mapagtripan ng mga kaibigan ko pero nagpumilit ka. I'm sorry, Jamie but I-I just cant l-love you." Medyo nabasag yung boses na lalaki habang kinakausap yung babaeng nagngangalang 'Jamie.'
Tumayo si Jamie at sinampal yung lalaki. "Fck you! Sana sinabi mo nalang sa'kin noong una! Ayaw mong mapagtripan ako ng mga kaibigan mo pero bakit pinagtripan mo ako?! Ayaw mong pagtripan ako ng mga kaibigan mo dahil gusto mo ikaw ang mang tril sa'kin?! Ganun ba yun, Ralph? Ha?"
Inayos ni Jamie yung dress niya at pinagpagan ito. Yumuko yung Ralph at sinubukang hawakan yung kamay nung Jamie kaso hinawi ni Jamie iyon.Umiling yung Ralph at sinubukang hawakan ulit yung kamay ni Jamie.
"Get a life, Assh0le!" Nagsimula ng maglakad palayo si Jamie. Tinatawag siya ni Ralph kaso hindi niya pinansin iyon. Nagtago ako ng husto nung nakitang patungo sa direksyon ko yung Jamie pero nagsalita ito.
"There's no point in hiding, girl. Kitang-kita na kita kanina pa." Tumawa ng mapait yung Jamie at lumapit sa'kin. Yumuko ako at nagsalita.
"I'm sorry. May narinig kasi akong umiiyak eh. Akala ko kung ano." Tumawa lang si Jamie at naglahad ng kamay.
"Jamila Kate Sabrino nga pala. Single. Haha." Tumawa kaming dalawa sa huling sinabi niya. Tinanggap ko yung kamay niya at nagpakilala rin.
"Melissa Allison Styles but Al is fine. I'm planning to go to the bar, wanna come?" Tinanong ko siya kung sasama ba siya sa bar dahil para naman makalimutan niya muna yung heartbreak niya ngayon.
"Sure! Para naman maibsan yung nararamdaman ko ngayon. Haha! Fcking boys." Bago kami pumunta sa table nila Aiden ay nagretouch muna si Jamie. Buti nalang may dala siyang make up kundi magmumukha siyang multo dahil sa nagkalat na mascara niya.
Maganda si Jamie. Maputi siya, meron siyang mahaba at maitim na straight na buhok. Bumagay sa kanya ang waist length straight hair sa mukha niya. Mataas ang ilong niya at medyo chinita ang kanyang mata, manipis rin yung labi niya kaya bumagay rin ito sa kanya. Naka puting above the knee dress siya at itim na 5-inch killer heels.
Pagkatapos niyang mag retouch ay pumunta na kami sa table nila Aiden. Nagtaka sila kung sino yung kasama ko kaya pinakilala ko ito sa kanila.
"Mason, Sab, Elena, Liam, and Aiden, this is Jamie. My new friend. Jamie this is Mason, Sab, Elene, Aiden, and Liam. My cousins." Ngumiti si Jamie sa kanila at nakipagkamayan sa lahat ng pinsan ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/38069321-288-k736967.jpg)
BINABASA MO ANG
You Lied To Me
RomanceEveryone can lie, but except this guy, Nathan Hale. It was an easy thing to do, you'll just say things you don't mean and that's lying. But he will never do it. But he meets Allison Styles, can Allison force him to lie? And why would he lie? -okno-