Chapter 7
Take care
Ang una naming ginawa ay nag jetski. Magkaiba kami ng sinakyan dahil ayaw ko namang sumakay kasama siya. Lumalayo ako sa kanya kaso sumusunod siya sa'kin. Minsan ay binabasa niya pa ako ng pilit para lang mainis ako.
Nag-race kami kung sino ang mabilis at unang makaabot sa ginawa naming finish line. Kung sino ang matalo ay manlilibre ng snacks, and guess who won?
"Boo, Nathan. Mas magaling pa ako sa'yo!" Humalakhak ako at binigyan siya ng 'boo' sign. I won! Tumawa lang siya habang bumababa sa kanyang jetski. Balak naming mag banana boat riding sa susunod na kaming dalawa lang.
"Mas magaling kaya ako. Gentleman kasi ako kaya ikaw pinanalo ko." Umirap ako sa kayabangan niya. Gentleman his face. Humalakhak lang siya at sumakay sa banana boat. Sumunod ako sa kanya at kumapit na ng mahigpit sa handle bars.
Umandar na yung jetski kaya mas lalong humigpit ang hawak ko habang tumatawa lang siya.
"Guess who's scared?" Tinawanan niya ako at inirapan ko nalang siya. May pataas kamay pa siyang nalalaman kaya nung lumiko kami ay nahulog siya. Tinawanan ko siya ng husto habang siya naman ay sumasakay ulit sa banana boat.
"Hulaan mo sino nahulog?" Humalakhak ulit ako at tumawa rin siya at hindi nalang ako sinagot.
Lumakas ng husto yung paghila sa'min ng jetski kaya nung lumiko iyon ay tumaob yung banana boat namin. Tumawa kaming dalawa ni Nathan at sumakay ulit sa banana boat.
Pagkatapos naming mag banana boat riding ay nagpalit muna kami ng damit bago kumain. Naka khaki shorts siya at white v-neck shirt. May suot rin siyang sunglass kaya mas lalong naging turista siya tignan. Naka tie-dye shorts naman ako at white shirt na naka insert, nagsuot din ako ng simpleng sandals. Hindi ko suot yung sunglass ko at nakasabit lang ito sa shirt ko. Nag order ako ng carbonara at sa kanya naman ay seafood carbonara.
"You know why you won?" Panimula niya.
"Yeah. Only is because I'm greater than you." Ngumisi ako at umiling siya. Tinaas ko ang kilay ko at naghintay sa sagot niya.
"Nah-uh. You won because I let you won." Aangal na sana ako kaso dinugtungan niya na iyon.
"We don't let girls pay for us, Al." aniya at kumindat sa'kin. Umirap ako at nagpatuloy nalang sa pagkain.
Pagkatapos naming kumain ay dumiretso kami sa park malapit sa resort. Tumawag kasi si Jamila kay Nathan at sinabing kung pwede ba namin siya samahan. Nag-alala kaming dalawa dahil nanginginig yung boses niya nang tumawag siya.
Sumakay ako sa likod ng sasakyan ni Nathan at umangal ka-agad siya.
"Why are you there? Dito ka sa front seat." Tinignan niya ako habang naglalakad papunta sa front seat at umirap ng nakaupo na ako. Hindi ko nalang siya pinansin at pinaandar niya na ang sasakyan.
Nakita agad namin si Jamie na nakaupo sa bench. Ang mahabang buhok niya ay tinatakpan ang mukha niya. Nilapitan ko agad siya at tinanong kung anong nangyari. Ganun din ang ginawa ni Nate.
It turned out na sinubukang ayusin ni Ralph yung relasyon nila ni Jamie kaso hindi siya pumayag. Ilang beses daw siyang pinilit nito kaso tinataboy niya lang ito parati. Mahal pa rin ni Jamie si Ralph kaso ayaw niya ng magpaloko ulit. Natatakot siya na parte lang ito ng pustahan nila Ralph at ng kaibigan niya.
Bumalik kami sa resort at naabutan naming naghihintay si Ralph sa harap ng room namin. Paano niya nalaman na nandito si Jamie?
Mugto rin ang mata ni Ralph katulad kay Jamie pero mas mapapansin mo na mas mukhang stress si Ralph kesa kay Jamie. Nilapitan agad ni Ralph si Jamie kaso hunarang agad si Nathan.
"Fuck off, dude. Stop bugging my cousin." Hindi pinansin ni Ralph si Nathan at naglakad parin patungo kay Jamie. Agad sinuntok ni Nathan si Ralph at natumba naman si Ralph sa lakas ng suntok nito.
"I said Fuck off. 'Pag nakita pa kitang lumapit sa pinsan ko, swear hindi lang yan ang mangyayari sayo." Tumayo si Ralph galing sa pagkasuntok ni Nathan at lalapit sana ulit kay Jamie na ngayon ay inaalalayan na ni Nathan patungo sa kwarto kaso hinarang ko na agad ito.
"Please Ralph. Just stop it. Baka kung ano pa magawa ni Nathan sayo. Gamutin mo muna 'yang sugat mo." Tinanguan ko siya at tinapik ang balikat bago nagpunta sa room namin.
Nakahiga na si Jamie sa higaan niya at nakatulog agad ito. Dulot siguro sa kakaiyak kaya napagod ng husto. Tinignan ko si Nathan na kinukumutan si Jamie. Pagkatapos niyang gawin iyon ay tumingin siya sa'kin.
"Ugh. Salamat nga pala. Dahil sa pagligtas mo kay Jamie."
"Hindi ko siya niligtas, prinotektahan ko lang siya dahil pinsan ko siya." Lumapit siya sa gawi ko bago nagsalita ulit.
"Please take care of my cousin, Al." Sabi niya at tinapik ang balikat ko bago umalis pero may narinig pa akong binulong niya bago niya sinarado ang pinto.
"Take care too."
Hindi na ako nagsalita ulit dahil nanigas ako sa kinakatayuan ko. Ewan pero hindi ko maintindihan ang sarili ko. Natuwa ako. Alam kong mababaw ang dahilan nun pero ewan, hindi ko mapigilan ang kasiyahan ko. But of course, I will take care of myself.
[ Short update. Haha x Please vote, comment and continue reading my story x ]
BINABASA MO ANG
You Lied To Me
RomanceEveryone can lie, but except this guy, Nathan Hale. It was an easy thing to do, you'll just say things you don't mean and that's lying. But he will never do it. But he meets Allison Styles, can Allison force him to lie? And why would he lie? -okno-