Chapter Five

33 2 0
                                    

Chapter 5

Skype

Kami nalang ni Jamie ang magkasama ngayon dahil bumalik na sila Mason sa mga rooms nila. Papunta kami ngayon sa room nila ni Ralph.

"Alam mo, naguguluhan ako kay Ralph. Sabi niya hindi ka niya minahal pero bakit parang ayaw niyang umalis ka?" Tinanong ko siya tungkol sa nangyari sa kanila ni Ralph kanina.

"Ewan ko nga rin eh. Baka ayaw niyang umalis ako dahil hindi pa tapos yung pustahan nila. Leche din iyon eh." Natawa ako sa huling sinabi niya. Hindi halatang kakabreak lang nila eh. Haha.

"So paano mo nalamang pinagpupustahan ka nila?"

"Nagpahula ako." Seryoso niyang sabi. Napatingin ako sa kanya na parang hindi makapaniwala pero bigla siyang tumawa ng malakas. "OMG! Al yung reaksyon mo! Hahaha! Epic." Natawa narin ako. Para talagang di ito yung babaeng nakita kong umiiyak kanina eh. Haha.

"Nandito na tayo. Baka tulog na yung lalaking yon. Sana di na magising. De joke lang! Hahaha!" May kinuha siyang susi sa purse niya at binuksan yung pinto.

Naabutan naming naka off yung ilaw kaya inakala namin na walang tao.

"Asan kaya yung lalaking iyon? Baka lumalandi na naman." Binuksan niya yung ilaw at nagulat kami nung nakita si Ralph na nakaupo sa sahig at nakasandal yung likod niya sa kama. Lumapit ako para tignan kung natutulog ba pero nakayuko ito. Nagsimula ng mag impake si Jamie habang tinitignan ako.

"Anong ginagawa mo? Gigisingin mo siya? Wag na! Baka ano pang gawin niya eh." nagpatuloy siya sa pag impake kaya hindi ko nalang siya pinansin.

Hinawakan ko yung baba niya at itinaas ito. Tinignan ko yung mukha niya at halatang halata sa mukha nito na kagagaling niya lang sa pag iyak. Mugto yung mga nata niya at para ding may hinihintay siya kaya nakaupo siya sa sahig at nakatulog. Hindi ko alam pero naaawa ako sa kanya

Tinulungan ko si Jamie sa pag iimpake upang mapadali ito. Ayaw niya kasing gisingin si Ralph. Alam kong naapektuhan parin siya pero pinipilit niyang wala lang ito sa kanya at hindi siya kawalan. Tinulungan ko siyang dalhin yung mga gamit niya at palabas na sana kami pero bumalik siya sa pwesto ni Ralph. Hinalikan niya ito sa noo at nakita kong naiyak si Jamie.

Paalis na sana siya nang hawakan ni Ralph yung kamay niya. Namutla siya dahil akala niya ay nagising niya si
Ralph pero mabuti nalang ay tulog pa ito. Nanaginip?

"Jam... I love you. Don't go.. please.." may luhang lumandas galing sa mata ni Ralph, mahal niya ba talaga si Jamie?

Naiyak lalo si Jamie kaya pinunasan niya muna yung mga luha niya bago inalis yung kamay ni Ralph. Lumapit ako sa kanya para patahanin siya at medyo gumaan naman yung loob niya.

Umalis na kami sa room nila bago pa kami maabutan ni Ralph.

"Sure ka na ba na iiwanan mo si Ralph?" Tumingin siya sa'kin at kahit hindi na siya umiiyak ay mugto parin yung mata niya.

"I don't know, Al. Natatakot akong mag take risk. Tinanong ko siya kung minahal niya ba ako kahit sa una ay pinagpustahan lang nila ako. Ang sagot niya ay hindi. Hindi niya ko minahal tapos bakit ngayon ayaw niya akong umalis?" Umiyak ulit si Jamie kaya cinomfort ko agad ito.

"But base sa nakikita ko kay Ralph, mahal ka niya. The way he called your name when you started to leave, I think he's really in pain." Nag isip muna siya bago nag buntong hininga.

"Don't assume unless otherwise stated. Palagi yang pumapasok sa isipan ko, Al. Oo dati sinasabi niya sa'kin na mahal niya ako, pero nung nalaman kong pinagpustahan nila ako? Lahat ng salitang sinabi niya sa'kin noon ay para sa'kin sugar-coated words lamang. Gusto kong isipin na totoo iyon dahil ilang beses ko nang napatunayan iyon. Pero hindi ko magawang isipin iyon dahil alam kong sinabi niya lahat ng yon dahil sanpustahan nila. Masakit, Al kaya ayaw ko ng madagdagan itong sakit na 'to. Hindi ko kakayanin iyon." ani niya habang umiiyak. Inalalayan ko siya hanggang sa nakatating kami sa room ko.

Dalawa na ang beds doon, mabuti nalang at naasikaso na ni Aiden iyon.

"Okay ka na?" inaayos namin yung gamit niya. Naglagay siya ng konting damit sa kabinet at ang iba ay nasa maleta niya lang.

"Okay na ko. Salamat ah. Kung wala kayo baka nagmukmok na ko sa dagat ngayon. Haha. I'll take a shower muna, Al. Okay lang?" Tumango ako at pumunta na siya sa banyo.

Naghanda muna ako ng damit bago ko binuksan yung MacBook ko. Nag login ako sa skype at nakita kong offline si Kevin. Maybe he's still asleep.

Mag-lologout na sana ako ng may biglang nag add sa'kin. In-accept ko yun at maya naya ay tunawag ito. Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba 'to o hindi. Sinagot ko iyon at mabuti nalang video call ito kaya makikita ko kung sino siya.

"Ikaw?!" Ngumisi siya at tumango.

"Yup. No other than Nathan Hale! Haha!" Tumawa siya mag isa. Wala siyang suot na pantaas kaya naaasiwa ako.

"Mag suot ka nga ng damit!" Tinakpan ko yung mata ko at narinig kong tumawa lang siya.

"Okay. Okay. Whatever. Haha." Tumayo siya at may kinuha sa kabinet niya. "Ikaw ang kauna-unahang babae na umayaw sa perpekto kong katawan. Haha!" Umirap ako sa kahambugan niya. Nakita kong naka black na sando na siya.

"If no one flatters you, flatter yourself." Ako naman ngayon ang tumawa. Ano ka ngayon ha?

"Madami kaya ang nagsasabi na ang ganda ng katawan ko. At perpekto daw iyon. Pwede ko na nga daw palitan si Adonis eh!" Humahalakhak siya at napangiti nalang ako sa kakulitan niya.

"Paano mo nalaman ang Skype account ko? Stalker ka talaga eh."

"Gwapo ako kaya admirer mo ako. Haha! Wala. Random lang. Hula ganun." Napabuntong hininga ako sa walang kakwentang kwentang sagot niya.

"Sa tingin mo maniniwala ako dyan? Admirer mo mukha mo."

"Haha. Chill. Nakita ko sa facebook account mo. Napindot ko kasi." Napairap ako sa nonsense na rason niya.

Narinig kong binuksan na ni Jamie yung pintuan kaya ieend call ko na sana pero nagsalita si Jamie.

"Nate?" Napatingin kaming dalawa ni Nathan kay Jamie. Lumaki ang mata ni Nathan at tinuro si Jamie.

"Jamila? Magkakilala kayo?" Tinutukoy niya ay kaming dalawa ni Jamila. Tumango kaming dalawa ni Jamie at si Jamie na ang nagexplain.

Tumayo ako at nagpaalam at hinayaan silang mag-usap dalawa.

Magkakilala sila? Paano? Magkakaano-ano sila? Friends? Cousins? Siblings? Lol. Nagbabad ako sa bath tub at nagpahinga.

Pagkatapos kong magpahingay ay nag shower na ako at nagsuot na ng pantulog. Inayos ko yung buhok ko bago lumabas.

Paglabas ko ay narinig kong nag-uusap parin sila.

"I told you, Jamila. He's an ass. He's not worth it." Nakita ko sa mukha ni Nate ang pag-alala. Humihikbi si Jamie at nakayuko ito. Hindi niya nararamdaman ang presensya ko sa likod niya. Guys, I'm here! Duh?

So, magkakilala sila? Ano ba, Allison! Bakit ba isip ako ng isip kung magkakilala sila. Obvious naman diba? Whatever! Wala akong pake! Ugh.

You Lied To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon