Chapter 4: inTENGs (Intense)
Napa tingin lahat samin including ang brother ni Jeron na si kuya Jeric Teng at ang iba pang tigers. lumapit na samin si Jeron grabe ang sama ng timpla ng mukha niya.
"hindi ko kasalanan na umiyak yan!" sabi ni Jeron at tumingin ako naman umiwas ng tingin kasi hindi ko siya kaya sabayan ngayon sa galit niya.
"ang babaw mo naman kasi! binibiro ka lang naman! tapos sinigawan mo pa! pumapatol sa babae! bading ka ata talaga eh!" sigaw naman ni Fran tska ako binitawan. nakita ko yung kamay ni Fran parang sasampalin na niya si Jeron.
"Uy Fran, hayaan mo na." pagawat ko kay Fran.
"Hindi eh, nagpaiyak ng babae ang babaw babaw naman ng dahilan!" sigaw parin ni Fran, grabe ayaw paawat ni friend.
"Alam mo parehas kayo eh! kanina niyo pa akong umaga inaasar! hindi niyo ba alam masisira reputation ko sa school dahil sa mga BIRO niyo! palibhasa kasi malalandi kayo! Papansin masydo!" sigaw ni Jeron.
Grabe mali na yung sinabi ni Jeron ah! hindi na ako papayag nito sobra na siya! oo alam ko kasalan ko pero hindi parin yun sapat na excuse para husgahan niya ang pagkababae namin!
"Bastos ka!" sigaw ko sabay sampal ko ng malakas sa mukha niya, umiiyak padin ako. Nagulat ako kasi hindi ko inaasahan yung susunod na ginawa ni Jeron pagkatayo niya, sinampal niya din ako ng sobrang lakas.
Grabe ang bigat ng kamay ni Jeron nahihilo ako.
"MOIRA!!" Sigaw ni Fran habang hawak ang mukha kong kakasampal lang ni Jeron. Teka? bakit dalawa si Fran, and grabe halo halo yung ingay iba ibang boses. Tapos biglang nagdilim ang lahat.
Frances Fortuna's POV
Grabe hindi ko akalaing magagawa ni Jeron na manakit ng babae. Nawalan ng malay si Moira siguro dala na din ng pagod kakaiyak tapos ng sampal ni Jeron. Buti nalang at nasa UST kami at nadala namin siya sa UST Hospital.
Pinasok siya sa emergency room at sabi naman ng doctor okay lang siya at kaya lang siya nawalan ng malay ay masyadong nahilo dahil may tumama sa ulo niya.
"OPO DOC KAMAY NI JERON TENG!" gusto ko sanang sabihin sa doctor yan, kaya lang masyado akong nagaalala sa bagong bestfriend ko to worry about that.
Lumapit sakin si kuya,"Nasan si Jeron?" tanong niya and ang serious ng face ni kuya.
"Nasa labas." sagot ko at ayun lumabas na si kuya.
"teka kuya pakibantay lang si Moira ha? labas ako saglit." paalam ko kay kuya Jeric Teng since siya kaming dalawa nalang dito at nasa labas na din yung iba nakaupo sa benches.
Sinundan ko si kuya at baka ano pa gawin non. Napaka serious kasi ng mukha mahirap na mamaya ano pa mangyari.
Nakita ko si Kuya sa tapat ng QPav nilalapitan si Jeron then biglan niyang sinapak.
Jeron Teng's POV
Ang tanga tanga ko talaga! bakit ko ba naman kasi sinampal ang isang babae eh alam ko namang fragile sila. Hindi na ako sumama sa loob ng Hospital dahil nahihiya na ako, nahihiya ako sa ginawa ko. Nandito lang ako sa tapat ng QPav naghihintay na may lumapit sakin.
Maya maya may tumawag sakin."JERON!" sigaw nung lalaki. pagtalikod ko si Captain.
"Hi Paps! kamust...." hindi ko na natapos yung sinabi ko dahil bigla nalang akong sinapak ni Captain.
"G*go ka Jeric!" Sigaw ni Captain tapos hinawakan ang damit ko at sinapak ulit.
Siyempre hindi ako papatalo kay Captain kahit na kaibigan ko siya kaya binawian ko rin siya ng sapak. Bawat isang sapak ko dalawa binabalik sakin ni Captain. bugbog ako.
"Ano ba kayo itigil niyo nga yan!" Sigaw ng isang babae. Napalingon kami ni Captain at ayun nakita namin si Fran at humarang sa gitna namin.
"Ano ba kasing problema mo Cap?!" Pasigaw kong tanong. Grabe naman kasi maka react si Captain parang girlfriend naman niya yung nasaktan ko.
"Bakit ba nananakit ng babae ha?!" sigaw naman ni Captain.
"hindi ko naman sinasadya eh." sagot ko kay Captain. Hindi na ako makasigaw masyado ng masakit ang katawan ko para lakasan pa boses ko.
"Hindi mo sinasadya?! Eh G*go ka pala eh! nakita mo ngang nawalan ng malay!" sigaw ulit ni Captain ano ba kasing pakialam ni Captain?!
"ano ba kasing pakialam mo?! hindi mo naman girlfriend or kapatid si Moira! besides alam ba ni Cheska na nandito ka ha?!" sigaw ko sa kanya.
"Kasi kaibigan ko siya! Oo alam ni Cheska! may magagawa ka ba?!" sagot sakin ni Captain.
":Tumigil na nga kayo! nakakahiya kayo!" saway samin ni Fran.
"mabuti pa umuwi ka na Jeron at baka ano pa mangyari sayo pag naabutan ka dito ni Thomas." sabi sakin ni Fran.
"pero magsosorry muna ako." sabi ko naman sa kanya. Gusto ko talagang magsorry kay Moira.
"sa ibang araw nalang Jeron magkikita naman kayo sa school eh." sagot naman sakin ni Fran.
"sige una na ako." Pagpapa-alam ko sa kanilang dalawa si Captain tahimik lang at ang sama ng tingin sakin at si Fran naman nag nod lang at sumakay na ako sa kotse ko para umuwi. Tama si Fran sa ibang araw nalang ako magsosorry kay Moira.
----
Heya! :)) Grabe first POV ni Frances Fortuna at Jeron Teng! :DD Update ako tomorrow ulit! :)))
Vote! Comment! Share! :D

BINABASA MO ANG
You Changed My Life [On Going]
Teen FictionJulienne Moira Ravena Torres, a 17 year old girl who had a bad past relationship way back in high school. Makakakilala siya ng mga taong hindi niya akalaing babaguhin ang papanaw niya sa mga bagay bagay. Pano kung hindi lang love triangle ang mangya...