Chapter 12

108 3 0
                                    

Chapter 12: Proxy Agad Agad?!

Moira's POV

Beep-Beep-Beep!

"Good Morning!" Sabi ng taong nasa harap ko. Hindi ko maaninag.

"Good Morning din! Sino ka?" Tanong ko.

"Hulaan mo!" Pangaasar niya.

Kinusot ko yung mata ko at pinikit, pagkamulat ko.. Lalaki? Sino to?

"Uhmm.." Sabi ko.

"Tara na kain sa baba." Sabi niya.

"Nasan si Jeron." Tanong ko.

"Wala eh, may training proxy muna ako." Sagot niya with ngiti.

"Ahh. Sya nga po pala ano po pangalan mo?" Magalang kong tanong.

"Sorry hindi pa pala ako nakakapagpakilala. Kiefer.. Kiefer Ravena." Pagpapakilala niya.

"Ah. Not to be rude or anything Kuya Kiefer pero bakit ka po nandito?" Tanong ko ulit.

"Ahh. Kasi diba wala kang kasama tapos may gagawin kasi si Jeron eh tinawagan ako kaya ako muna nandito until dumating siya." Sagot niya.

"Wala ka po bang pasok?" Tanong ko.

"Gaya ng schedule mo., wala din akong subjects ngayon." Sagot niya. Teka? Pano niya nalaman sched ko?!

"Ahh. Sige magaayos lang po ako tapos baba na din po." Sabi ko.

"Sige." Maikling sagot niya.

Paglabas ni Kuya Kiefer sa kwarto ko naligo at nagbihis na din ako. Nagsuot lang ako ng plain white v-neck shirt, shorts, at pink na vans.

Pagbaba ko.. Ayun.. Si Kiefer.. Nganga! :)

"Oh? Ano problema mo?" Sabi ko na medyo natatawa. Wattaface ehh.

Yung mukhang natauhan na siya."Ahh-eh-ano-kasi- tara na kain na tayo." Palusot niya at binilisan niya lakad niya papuntang dining area.

Pagupo ko.

"Asan nga pala yung mga katulong tska yung driver namin?" Tanong ko sabay subo ng food. Hmm masarap ahh.

"Bukas pa daw baliw eh." Sabi niya may laman pa yung bibig. LOL

"Ahh. Sarap nito ah! Ikaw nagluto?" Tanong ko sabay turo dun sa bacon na color black dahil ata sa toyo.

"Yepp. Tinuro sakin yan ng mommy ko eh." Sabi niya.

"Ahh. Galing pala magluto ng mommy mo no?" Sabi ko.

"Oo naman! Yun pa!" Sabi din niya.

Pagtapos namin kumain ng breakfast nag starbucks muna kami near La Salle. Sakto pagdating namin don nakitq ko si Fran sa counter nagoorder. Nilapitan ko naman.

"Aga natin ah?" Sabi ko sabay kalabit sa kanya. Haha nagulat siya.

""Ayyy anak ka ng paTENG!" Pangaasar niya sabay nakakalokong ngiti.

"Ahh ganon?!" Sabi ko sabay taas kilay.

"Hahaha! Ito naman hindi mabiro! Bakit kasama mo si Kief?" Tanong niya sabay turo sa likod ko. Oo nga pala no? Kasama ko si Kiefer nakalimutan ko na.

"Ahh proxy 'daw' siya ni Jeron." Sabi ko.

"Ayy? Nanliligaw palang proxy agad agad?! Tssskk." Sabi niya.

"Hahah! Lol ikr?" Sabi ko naman.

"Ma'am oorder ka po ba?" Singit ng cashier.

"Ahh opo. Dalawang caramel cold coffee po." Sabi ko.

You Changed My Life [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon