Chapter 8

117 2 0
                                    

Chapter 8: Painful Memories.

Moira's POV

"Sino ba si Raymond?" Tanong niya sakin at kitang kita sa muka niya ang pagaalala.

Siguro nga kailangan ko ng sabihin kay Fran kung sino si Raymond.

"Si Raymond Ex ko." Sagot ko kay Fran.

"Ah. Pwede ka naman magkwento sakin kung gusto mo eh. Kaibigan mo naman ako." Sabi ni Fran.

Huminga ako ng malalim."Ganito kasi yon."

FLASHBACK

First day of school ko as a 4th year HS student sa bagong school ko dito sa N.Y

Excited na excited ako OMG! Kaya mabilis na nagbihis ako at pinilit ko yung pinsan kong si Kath na dumiretso na agad kami sa school.

Pagdating namin sa school, may nakasalubong kaming grupo ng mga lalaking pinoy.

"Ohh Kath sino yang kasama mo?" Tanong nung lalaking medyo maitim at naka taas ang buhok.

"Oo nga Kath, pakilala mo naman kami!" Sabi pa nung isang lalaking matangkad at moreno.

"Excited? Hahah! Guys, si Moira nga pala pinsan ko." Pagpapakilala nila sakin.

"Hi." Nahihiyang sabi ko.

"Hello Moira, Raymond nga pala." Pagpapakilala nung naka taas yung buhok with matching smile and wink pa.

"Hi, Ciann nga pala." Sabi nung matangkad.

Nagkatitigan kami ni Raymond hanggang sa..

"Guys una na kami ni Moira bye!" Pagpapaalam ni Kath.

"Sige." Sabi nila at kumaway samin.

END OF FLASHBACK

Napahinga ako ng malalim pagtapos ko magsalita.

"Oh? Pano natulad kay Jeron yon?" Tanong naman sakin ni Fran.

"Hindi mo ba gets? Parehas sa pinsan ko sila nakilala." Humarap ako kay Fran.

"Oh? Ano naman masama don? Nagkakilala lang naman kayo parehas sa dahil sa pinsan eh. Alam mo ba..." Sabi ni Fran.

"Meron pa kasi." Pagputol ko sa kanya.

FLASHBACK

3 days have passed. Kadalasan laging sumasabay samin si Raymond, Ciann, at mga kaibigan niyang kumain.

Lunch time namin ngayon and as usual kasama ko si Kath. Himala wala yung mga ungas ah.

"San tayo kakain?" Tanong sakin ni Kath.

Nagiisip ako ng pwedeng kainan habang siya nagtetext lang. Maya maya nagsalita siya.

"Alam ko na! Tara sa McDo!" Sabi niya sakin sabay hila.

Pilit kong pinipiglas ang kamay ko sa kapit niya pero ayaw niya ako bitawan hanggang sa makarating kami sa McDo at nagpaalam siyang magCR lang daw.

10 minutes dina akong naghintay. Maya maya may nagtakip ng mata ko.

"Ahahh, ano ba Kath." Sabi ko.

"Hindi ako si Kath, kakatampo ka naman." Teka? Hindi yon boses si Kath ah. Tinanggal niya yung kamay niya at pagtalikod ko si Raymond lumuhod sa harap ko.

Biglang bumaba galing sa second floor ng McDo sila Kath, Ciann, at yung iba pa nilang alipores.

"Moira, Can I court you? Alam ko masayadong mabilis pero ayaw kong may makauna pa sakin. Na love at first sight ako sayo eh. Pleaseee let me prove my love for you." Sabi ni Raymond still in his knees.

END OF FLASHBACK

Pagkatapos ko magkwento bigla akong niyakap ni Fran.

"Grabe parang inulit pala sayo ang panahon." Sabi sakin ni Fran at bumitaw na sa yakap.

"Oo nga eh." Sagot ko kay Fran.

"Hinayaan mo bang manligaw?" Tanong niya sakin.

"Oo naging kami nga eh. Masaya naman kami eh happy couple kumbaga. Nagtagal din kami, kaya lang may nangyari nung graduation namin." Sabi ko kay Fran.

"Ha ano?" Tanong niya ulit sakin.

FLASHBACK

Umpisa na ng graduation ceremony namin at wala padin si Raymond, nasan naba yung ungas na yon?

G

R

A

D

U

A

T

I

O

N

Tapos na ang graduation ceremony namin hindi ko padin nakita si Raymond.

Bwiset lang, hindi man lang nagcongratulate sakin. Nakakabadtrip lang.

Pauwi na ako ng biglang nakasalubong ko si Ciann.

"Ciann si Raymond nasan?" Tanong ko kay Ciann.

"Ahh -eh- ano.." Grabe nauutal siya ano ba?!

"Ano!? Nasan si Raymond?!" Tanong ko ulit, pucha wag niya ako inisin pa nababadtrip na talaga ako.

"Nasa Garden. Sige alis na ako." Mabilis na sabi ni Ciann. Grabe somethings up!

Nagpunta ako sa garden at nakita ko si April may kahalikan... Teka si.. Raymond..

Nagulat ako sa nakita ko. Naiyak ako. Napansin yata ako ni April at kumalas siya kay Raymond at napatingin si Raymond sa dereksyon ko. Paglapit niya sakin.

*SSLLAAPP!!* tapos takbo paalis ng school.

Wow, grabe ang ganda ng Graduation Gift niya sakin.

END OF FLASHBACK

Naiyak ako ulit pagtapos ko ikwento ang lahat kay Fran at niyakap niya ulit ako.

"I didn't know, I mean we." Sabi ni Fran.

*sniff* *sniff*

"Haha, oo okay lang. Ngayon alam mo na kung bakit diba? Takot ako maulit ulit yon at sa nakikita ko mukang hindi malabong mangyari ulit lahat yon." Sabi ko kay Fran na medyo naiiyak padin.

"Its okay Moira." Sabi ni Fran habang hinahaplos haplos ang likod ko.

"Haha, enough of this. Tara na at bumalik sa school may class pa tayo." Sabi ko at tumayo habang pinupunasan ang luha ko.

Fran's POV

Pabalik na kami ng campus, halatang malungkot padin si Moira.

Ngayon alam ko na kung bakit hindi siya pumayag. Alam ko maiintindihan naman ni Jeron to eh.

Takot lang si Moira.. Takot magmahal at masaktan ulit.

----

Yay! :) ayos lang ba? Sana nagustuhan niyo! :">

Vote! Comment! Share! :-*

You Changed My Life [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon