Chapter 7: Anak ng PaTENG
Moira's POV
Did I hear him right? Mahal niya daw ako? Adik ata tong mokong na to eh. Pagtapos ako sapukin kagabi tapos ngayon sasabihin niyang Mahal niya daw ako!! Chill Moira nagjojoke lang yang mokong na yan Chill.
"What?!" Sigaw ni Chesca.
"Urghhh enough of this." Buntong hininga ko sabay walk-out ng bonggang bonga.
"Wait Moira!" Sigaw ni Jeron.
"Ano?!" Sigaw ko naman sa kanya.
"About dun sa sinabi ko..." Hindi ko na siya pinatapos.
"Ano?! Diba nagjojoke ka lang?! Pleasee tell me you're joking.." Paginterupt ko sa kanya.
"Sorry, pero totoo yon lahat." Pagpapaliwanag sakin ni Jeron hahawakan sana niya kamay ko kaso iniwas ko.
"Ano ba?! Tigilan mo nga ako Jeron! Ang alam ko kasi kagabi lang binatukan mo ako at sinigawan tapos ngayon sasabihin mo mahal mo ako?!" Sigaw ko sa kanya na medyo naiiyak na ako.
"Oo, at yung kagabi hindi ko sinasadya yon! Gusto ko sana magsorry kaya lang pinauwi na ako ni Fran at para hindi ako maabutan ni Thomas at wala ng away na maganap." Pagpapaliwanag niya.
Pshh! Lier go to hell talaga. Bwiset na bwiset na ako sa mga taong katulad niya pinapaalala niya lang sakin si Raymond.. Gantong ganto ang nangyari dati samin bago kami nagsimula.. Ayoko ng maulit yon..
"Whatever Jeron." Sabi ko at tumakbo na ako papasok sa loob ng room namin. Wala pa masyadong tao si Fran lang nandito nagmumusic.
Umupo na ako sa upuan ko. (Katabi ni Fran.)
"Ano nangyari sayo Moi?" tanong niya sakin.
"Wala." simpleng sagot ko.
"weh? Sakin kapa nagsinungaling? Kilala na kita Moi." Sabi ni Fran. Well hindi na ako makakadeny pa, kahit kasi sa maikling oras na nakilala ko si Fran kilalang kilala na namin ang ugali ng isa't isa.
"Oh well, sinabi ni Jeron na mahal niya DAW ako sa harap ng ibang students dito." Sabi ko. "Teka, break na daw sila Chesca at Kuya mo?" Pagpapatuloy ko pa.
"Ha? Pano mo nalaman." Tanong niya.
"Kasi sinugod ako ni Chesca ako daw may kasalanan." Sagot ko naman.
"Ahh, oo kagabi lang at wala kang kasalanan don no." Sabi ni Fran.
"Bigat lang talaga sa pakiramdam na ako ang nasisisi." Sabi ko.
"Hay nako, tigilan mo na nga emote mo jan at ayun na si prof oh." Sabi ni Fran sabay turo sa labas at ayun na nga yung prof namin papasok ng classroom.
C
L
A
S
S
Break time na, sabagay medyo nalibang utak ko dun sa lecture namin sa Physics kaya medyo nakalimutan ko yung problema ko ah.
"San tayo kakain?" Tanong ni Fran.
"Hmmmmm.." Yun lang ang nasabi ko. San ba? Ahh alam ko na! "Sa Bon..." Hindi ako pinatapos ni Fran.
"Sa Kenny Rogers tayo! Dali!!" Sabi nya sabay hila sakin.
"Teka, chill Fran kaya ko maglakad." Sabi ko kay Fran.
"Sorry." Sabi ni Fran."Tara na." Patuloy pa niya.
Pagdating namin sa Kenny Rogers nagpaalam si Fran magCR daw, mga 10 minutes na ang nakakaraan. Ano nangyari don? Baka nalunod na sa cubicle! Ahahha! May kumalabit sa likod ko, pagharap ko si Jeron.
"Ano ginagawa mo dito?" Seryosong tanong ko sa kanya, naiinis padin ako sa kanya.
Hindi siya nagsalita, lumuhod siya at bumukas lahat ng ilaw. Nakita ko sila Thomas, Fran, at ang iba pang archers nakasuot ng white shirt na may naka-print na "sorry, and I love you Moira."
"Moira, alam ko madami akong kasalanan sayo simula nung nabangga kita, tapos nasigawan pa kita at nasaktan ng physically. Pero promise hindi ko sinasadya lahat ng yon. Akala ko kasi nakikipag biruan ka lang sakin. Hindi ko naman alam na mauuwi sa ganito ang lahat. Sorry talaga. At alam ko at alam ng Diyos na ginawa ko lang yon para mapansin mo ako, so pleasee Moira can I court you?" Tanong niya sakin.
Na-zoned out na ako. Ganitong ganito lahat ng nangyari samin ni Raymond, at ganitong ganito niya ako tinanong kung pwede niya ako ligawan. At alam kong hindi rin malayong mangyari ulit lahat ng iyon. Ayaw ko ng masaktan ulit.
"Anak ng pating naman oh! Jeron ano ba? Sorry pero wag mo na akong ligawan. Hindi tayo bagay at isa pa sayang naman ang reputasyon mo kung papatol ka sakin kaya wag nalang." Dahilan ko kay Jeron. Tinignan ko muna si Fran at umiiling siya. Alam niya na hindi yon ang dahilan kung bakit hindi ko hinayaang manligaw si Jeron.
Fran's POV
Halatang nagsisinungaling si Moira. Alam kong hindi maganda umpisa nila ni Jeron pero alam ko bibigyan naman niya ng chance si Jeron eh. Isa lang ang alam ko. May hindi pa sinasabi sakin si Moira.
"Sorry Jeron ah. Ill go talk to Moira." Sabi ko bago tumakbo palabas para hanapin si Moira. San ko ba siya pwede makita? Ahh sa park. Nakwento kasi sakin ni Moira na sa park siya mahilig pumunta para magisip eh, sure ako nandon lang yon sa malapit na park.
L
O
O
K
I
N
G
Bingo! Ayun siya nakaupo sa damo. Nilapitan ko siya, ang lalim ng iniisip niya.
"Moira, okay ka lang?" Tanong ko sa kanya. Wait, she's crying!
"Hind, btw Fran yung tungkol sa kanina.." Sagot niya.
"Alam ko may dahilan ka kung bakit hindi ka pumayag. Ano ba yun? Si Jeron ba talaga?" Tanong ko ulit.
"Hindi, ayos lang naman sana eh. Kaso naalala ko sa kanya si Raymond." Sabi ni Moira sakin.
"Ha? Sinong Raymond?" Tanong ko ulit.
"Siya yung..." Sagot ni Moira.
----
Yehey! :) Ganda no? :) Sino kaya si Raymond? :"> ABANGAN! Wahahah!
Vote! Comment! Share! :)
BINABASA MO ANG
You Changed My Life [On Going]
Teen FictionJulienne Moira Ravena Torres, a 17 year old girl who had a bad past relationship way back in high school. Makakakilala siya ng mga taong hindi niya akalaing babaguhin ang papanaw niya sa mga bagay bagay. Pano kung hindi lang love triangle ang mangya...