Chapter 5

159 3 0
                                    

Chapter 5: A Girlfriend's Rage

Chesca's POV

Ako po si Chesca, yup the same Chesca na girlfriend ng the one and only Jeric Fortuna. Matagal tagal din kaming hindi nakapagusap nor nakapag-meet ni Jeric kasi busy ako kay Matthew, bagong boyfriend ko. Oo secret ang relationship namin ni Matthew pero not for long. Tatakbo kasi akong Officer sa student board ng school kaya kailangan ko pa ang popularity ni Jeric then after that pag nanalo na ako, tapos na din kami ni Jeric.

Pupuntahan ko sana siya ngayong umaga kaso wala siya eh. Sabi ng mga kaibigan niya nagbreakfast daw kasama ang kapatid niya na si Fran at isa pang mysterious girl. At narinig ko pang aalis ulit sila mamayang gabi kasama naman ang buong team.

Hindi pa pwedeng mawala sakin si Jeric, not yet. Sisiguraduhin kong mayayari sakin mamayang gabi sakin kung sino man yang babaeng yan.

Pauwi na sana ako ng nakasalubong ko si Aljon.

"Aljon, ano pangalan ng girl na kasama niyo mamaya?" tanong ko sa kanya.

"Sino? si Fran or yung pinsan ni Thomas?" tanong naman sakin ni Aljon.

"Pinsan ni Thomas? Thomas Torres? Ano pangalan?" sabi ko naman. So pinsan pala siya ni Torres.

"ahh. si Moira." simpleng sagot sakin si Aljon."Una na ako naghihintay na sila eh." pagpapatuloy pa niya.

Moira pala pangalan niya. Sisiguraduhin kong lalayuan niya si Jeric pagkatapos ng gagawin ko sa kanya humanda siya.

Moira's POV

Nagising ako, grabe ang liwanag. Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko at nakita ko si Thomas natutulog sa gilid ko.

"Nasa Ospital ako?" sabi ko sa sarili ko."Ah oo nga pala." natandaan ko na. Sinampal pala ako si Jeron ng pagkalakas lakas kanina.

Kinalabit ko si Thomas.

"Uy gising na Thomas." Bulong ko sa tenga niya. Nagising naman siya.

"Oh? okay ka na ba?" tanong niya,  grabe concern pala sakin to.

"Concern ka sakin? Ayieeee!" Asar ko sa kanya. Nagblush siya, OMG nag blush siya!

"ahh. hindi ah. sige punta na ako sa labas para malabas ka na dito." sabi naman niya ng mabilis at tumakbo palabas. Natawa naman ako.

After 20 mins. may pumasok akala ko si Thomas yun pala si Captain.

"Tara na." Aya sakin ni Captain.

"Ha? eh pano si Thomas?" tanong ko naman.

"Wala na sabi niya ako na daw maghahatid sayo." sagot naman niya.

"ah sige." sabi ko naman sabay tayo na din at sabay na kaming lumabas ng Ospital.

"MOIRA!!!!" Sigaw ng Tigers at ni Fran at lumapit sakin.

"Kumusta ka na?" "Okay ka na ba?' "Masakit pa ba ulo mo?" "Nako mapapatay ko talaga si Jeron!" sabay sabay nilang tanong. Tumawa lang ako at tinitigan nila ako na parang nababaliw na ako.

"Oh bakit ka tumatawa?" tanong sakin ni Fran.

"Wala lang, natutuwa ako kasi concerned kayo sakin." sabi ko naman tapos nagsmile ako sa kanila ng bonggang bonga.

"Awww!" sabi naman nilang lahat.

"GROUP HUG!" Sigaw ko, at ilang minuto lang hindi na ako agad makahinga.

"Guys tama na yan, hindi na makahinga oh." saway ni Captain, bumitaw naman sila sakin.

Teka parang kulang sila ah.

"Nasan si Kuya Jeric? Jeric Teng." tanogn ko sa kanila.

"Umuwi na eh." sagot sakin ni Fran."Mabuti pa umuwi na rin tayo, bukas na lakwatsa." tuloy pa ni Fran.

"sige." sabi ng lahat, tapos naghiwa hiwalay na kamig lahat at kaming tatlo nalang nila Fran ang natira.

"tara na sa QPav, nandun malapit nakapark kotse ko eh." Sabi ni Captain.

Naglakad kami papuntang QPav at nung malapit na kami.

"Kayo nalang kumuha ng kotse pagod na ako eh." sabi ni Fran.

"Sige, wait mo nalang kami dito."  sagot naman ni Captain.

Ang layo pa pala sa QPav ng kotse ni Captain kaya ayun ang layo pa ng nilakad namin. Huminto si Captain sa tapat ng isang kotse at binuksan ang pinto malamang ayun yung kotse niya. Binuksan ko yung kabilang pinto at pagpasok ko niyakap ako ni Captain.

"Salamat naman at okay ka lang." bulong sakin ni Captain.

"Salamat sa pagaalala." sabi ko kay Captain at niyakap na rin siya.

Maya maya may bumukas ng pinto sa side ko, hinila ang buhok at sinabing 'Malandi ka'.

"Ano ba bitawan mo nga ako!" sigaw ko sabay hawak din sa buhok niya. Hindi ko expected pero binitawan niya ako at binitawan ko rin siya.

"Bakit mo kayakap boyfriend ko?! Malandi!" Sampal niya sakin. Aba! ang kapal ng mukha nito ah!

"Sino kaba? at friendly hug lang wag kang malisyosa!" Sigaw ko sa kanya at sinampal ka din si kaliwat' kanan, hindi naman ako papakabog sa kanya noh.

"Liar." sabi niya habang hawak ang kanang pisngi niya, sinampal niya ulit ako sa kaliwang pisngi ko. Grabe mas masakit yon ah.

"Sumosobra ka na ah." sabi ko naman at sinampal ko ulit siya kaliwa't kanan paulit ulit.

Hinawakan niya ang buhok ko sabay sinipa ako sa tiyan, hindi na ako makagalaw napahawak nalang ako sa tiyan ko. Sobrang sakit.

Maya maya lumapit si Captain at pinigilan yung babae.

"Chesca ano ba?! tama na!" saway ni Captain hawak parin siya.

"Hayup kayong dalawa! Malalandi!" sigaw nung babae.

"Ano ba kaibigan ko alng siya." Pagpapaliwanag ni Captain binitiwan na niya yung babae at humarap sa kanya. Chesca pala pangalan niya, siya pala girlfriend ni Captain.

"Sa kotse pa talaga kayo naglalandian! hindi na kayo nahiya ng kabit mo!" sigaw ng babae, esta ni Chesca kay Captain.

"Ano ba?! hindi naman talaga ah! hahatid ko lang siya!" sabi naman ni Captain.

"Captain sige magcocommute nalang ako." singit ko sa usapan nila at tumayo na ako para umalis kaso biglang hinawakan ni Captain ang braso ko.

"Hindi, hahatid kita. Nagpromise ako kay Thomas." sabi ni Captain.

"ARGHHH!!!" sigaw ng babae.

"Mabuti pa sa ibang araw na natin to pagusapan Chesca." sabi ni Captain at papasok na kami sa kotse niya."Alis na kami." tuloy pa niya.

Sumigaw nanaman yung babae at ang sama ng tingin sakin pero hindi ko nalang pinansin. Sinarado ni Captain ang pintoat umandar na kami. Hinahampas parin ni Chesca yung pinto at sinasabing,"bumaba kayo diyan! mga malalande!" ng paulet ulet.

"Pasensya ka na dun ah." pagsosorry ni Captain sakin.

"Wala yun  hindi mo anman kasalanan." sabi ko naman.

"Still, dapat hindi ko hinayaan si Chesca." sabi ni Captain. Medyo napipikit na mga mata ko, inaantok na ako.

Napansin ata ako ni Captain at sinabi niyang,"Sige matulog ka muna, malayo pa naman tayo sa inyo eh." sabi ni Captain.

Tumango lang ako at dahan dahan akong nakatulog.

------------

Heya!! :)) Sorry ! hahah! away nanaman! :DD Wag kayo magalala next Chapter hindi na! :))

Vote! Comment! Share! :))

You Changed My Life [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon