04

125 11 1
                                    

"Ate pinapatawag po kayo ni kuya laz"



Dahan dahan kong iminulat ang mata ko dahil sa mahinhing boses at mga katok. Five na rin ako ng madaling araw nakatulog kagabi at eight palang ng umaga. Kahit na inaantok ay bumangon ako at pinagbuksan ang kumakatok.



"Huh?" antok na tanong ko



Ilang minutong nanaig ang katahimikan kaya naman iminulat ko ang isang mata ko at nakita kong nakatitig si kayee sa akin. Nakaawang ng kaunti ang mala rosas na labi at mahinhin ang mata.



"Hey" i tried getting her attention



Napakurap sya at pekeng umubo "uh p-pinapatawag ka po ni kuya laz sa o-office nya"



Saglit na umawang ang labi ko at prinoseso ang sinabi nya. Pinapatawag ako? Bukas pa naman ang start ng training ah. Nang makabalik sa ulirat ay tumango ako at tipid na ngumiti



"Sige pakisabi susunod ako" nakangiti kong saad



Namula ang pisngi nya at napayuko ng kaunti "s-sige po ate aalis na po ako" aniya at nahihiyang ngumiti "ang ganda nyo po" pahabol nya bago umalis



Napailing nalang ako. I really like that kid. Mabait sya at mahinhin. Pagkasara ko ng pinto ay nabura ang ngiti ko. Anong trip nun at pinapatawag ako.



Naligo nalang ako at nagbihis. Bukas pa naman ang training kaya naman dress ang pinili kong suotin. White ruffle hem tartan bustier cami dress ang suot ko na may lavender lining na pinartneran ko ng loafer. Hinayaan kong nakalugay ang buhok ko at naglagay lang ng konting make-up para magkabuhay yung mukha ko dahil bakas parin ang antok



Tahimik akong naglakad papunta sa office ni lazarus. Ramdam ko ang pagsunod ng mga tingin nila sa akin pero hindi ko sila pinansin. Wala ako sa mood kasi wala pa akong tulog.



"What do you want?" tanong ko agad pagpasok ko sa office nya



Pagkasara ko ng pinto ay umikot ang swivel chair nya paharap sa akin. May ballpen na hawak ang isang kamay at ang isa naman ay inaayos ang pulang necktie nya. Halos magdabog ako paupo sa harap nya kaya naman mahina syang natawa.



"I just want to tell you that i'll be your personal trainer" nakangiting aniya



Dumilim ang tingin ko sa kanya "ginising mo ako para dito?" malamig kong tanong at sumandal sa upuan "at hindi ko kailangan ng personal trainer"



His smile faded "don't make me start, alexandria" walang emosyong aniya "alam ko yung kalokohan nyo kaninang madaling araw"



"Then bakit hindi mo kami parusahan? You're biased Mr. Imperial" nang aasar kong tugon



He smirked "this is your punishment Ms. Alarie" ganti nya rin "i know how much you hate me so i'll use that as your punishment"



Umarko ang kilay ko "bakit ako lang? Sabi mo "nyo" so hindi lang ako"



"I'm the boss here" he said coldly "they'll have their own punishment"



Umirap ako "fine" pagsuko ko at hinilot ang sintido ko "aalis na ako kung wala kang sasabihin"



"Don't!" pasigaw na pigil nya nung tumayo ako



Nanlaki ang mata ko sa reaksyon nya. What the hell! Napakurap sya at umayos ng upo. He even cleared his throat.



"I mean wag ka munang umalis kasi uh babasahin mo yung mga kailangan mong matutunan sa agency" palusot nya



I just want to sleep. Bumalik ako sa pagkakaupo at naglapag naman sya ng limang folder sa harap ko. I looked at him. He equaled my stares.



"What?" naguguluhang tanong nya



"Dito mo ako sa harap mo pagbabasahin? Hindi mo manlang ako bibigyan ng sarili kong mesa?" i hissed



He shook his head "i want to monitor you" he reasoned out "hindi naman kita iistorbohin kasi may sarili din akong trabaho" masungit na dagdag nya



Bipolar ata to eh. Kanina nang aasar tapos biglang seryoso. Abnormal amp. Nag bukas na ako ng folder at unang sentence palang humihikab na ako. I want to sleep.



"Continue reading" suway nya



Napaayos ako at pilit na iminulat ang mata. Bumabagsak na yung talukap ko punyeta. I cleared my throat and continue reading.



Hindi nakakatulong sa akin yung lamig ng office nya at ang tunog ng keyboard ng laptop nya. Nakakaantok lalo. He's even humming a song. Hindi ko alam kung nananadya to eh.



"Can you please stop?" tanong ko sa antok na boses "i'm trying to read here"



He chuckled sarcastically "you're reading? Hindi ka na nga umalis sa page na yan eh"



I glared at him pero hindi na ako pumalag kasi tama naman. Inis kong nilipat ang page kahit na hindi ko pa tapos basahin. Bumalik sya sa pag humm ng kanta at tutok na tutok sa ginagawa nya.



"You're voice is good" i unconciously said



He looked at me "i know" sagot nya na nakapagpainis sa akin kaya naman dinagdagan nya "i was once a member of a band"



I rolled my eyes. Atleast may talent sya bukod sa pagpatay at pagiging bossy at abnormal. Bumalik ako sa pagbabasa at ilang sentence palang ay pumipikit pikit na ulit ako. Hindi ko na talaga kaya!



"Read" utos nya kaya napamulat ako at tinignan sya



"I'm reading!" irita kong saad at itinaas ang folder na hawak ko



"Hindi halata" bulong nya



Mariin akong napapikit at humugot ng malalim na hininga. Siguro kaya hindi nasasagad ni RK ang pasensya ko kasi sya yung gagawa. Pogi sana kaso nakakabwisit at ang pangit ng ugali.



"Stop murdering me with those stares" he warned



"I'm not!" offended na depensa ko "you're so judgemental"



"And you're not?" he fired back



"Yes" confident kong sagot



Hindi nya nalang ako pinansin at muling bumalik sa pagtitipa sa laptop nya. Napabuntong hininga nalang ako kasi nangingibabaw nanaman ang katahimikan at unti unti nanaman akong hinihila ng antok.



Itinukod ko ang pisngi ko sa palad ko at saglit na pumikit para magpahinga. Gusto ko na talagang matulog at kanina ko pa pinipigilang pumikit. Kasalanan to nila RK. Tsaka saglit lang naman akong pipikit eh. As if matutulog ako ng matagal.



Ilang saglit lang ay hinila na ako ng antok at naramdaman kong bumaba na ang kamay ko at ilang saglit lang ay nakarinig ako ng mahinang mura at mainit na palad na nasa pisngi ko.



"Sabi ko magbasa eh" i heard him say before i dozed off

Untamable Love [ Imperial Series 01 ]Where stories live. Discover now