(Enjoy Reading!)
~0~
"Nanay alam mo po ba, ang bait sa akin ni Bochog. Lagi niya po ako binibigyan ng kendi." pagkukwento ni Chasen habang naglalakad kami papuntang palengke.
"Ganoon ba, kumusta naman ang Mama ni Bochog? Mabait ba siya sa inyo?" tanong ko, upang makasiguro na ang bahay na kaniyang pinaglalaruan ay ligtas at komportable.
"Opo Nanay, pinagluluto po kami minsan ng pancit canton na tig ganto po oh." sabi niya at sumenyas ng 13 pesos gamit ang kaniyang kamay. Natatawa ko namang ginulo ang kaniyang buhok.
"Nanay hindi po ba mag-iiskul na rin po ako gaya ni Bochog?" tanong nito sa kaniya.
"Opo, sa susunod na buwan ay ie-enroll ka na ni Nanay diyan sa public school." sabi ko sa kaniya.
"Yehey! Nanay eksayted na po ako makinig kay Teacher." sabi nito sa akin. Napangiti naman ako, dahil ramdam ko na nanabik na siyang magsimulang pumasok sa school isa pa marunong na siyang magbasa mapa-pilipino o mapa-english ganoon rin sa pagsusulat at spelling. Talagang hinanda ko siya ng sobra bago pa man siya magsimulang pumasok sa eskwelahan. Dahil batid ko rin na lamang talaga ang mga batang advance sa pag-aaral pagdating sa face to face classes.
"Nanay ito na lang po kaya iregalo natin kay Bochog?" tanong ni Chasen habang hawak-hawak ang isang panlalaking baril-barilan.
"Magkano po diyan sa laruang baril-barilan?" tanong ko sa tindera.
"Sikwenta po." sagot nito.
"Kunin ko na po, ito po ang bayad." sabi ko at inabot ang sikwenta pesos.
"Nanay dapat po dinagdag natin ang bente ko!" sabi ni Chasen sa akin.
"Huwag na baby ko, pambili na lang natin iyan ng ice cream." sabi ko sa kaniya.
"Okay po, Nanay." sagot nito at yumakap sa aking binti habang hinihintay na balutin ng tindera ang regalo. Nagdagdag na rin ako ng limang piso para ito na rin ang magbalot sa birthdat themed wrapper para diretso na rin sa handaan si Chasen pagkatapos ko siyang bihisan.
"Ito na po, Salamat." sabi ng tindera, kinuha na ito ni Chasen atsaka naglakad na rin kami pauwi. Bukas ay balik trabaho na ako ulit, kailangan kong kumayod dahil pasukan na at kailangan ko ng mahigit isang libo rin para sa mga gamit ni Chasen sa eskwela.
"Next month anak kung magkakaroon na kaagad ang Nanay ng pera sa unang linggo ay mamimili na tayo ng school supplies mo." sabi ko sa kaniya habang naglalakad kami papalapit sa bilihan ng ice cream.
"Sige po Nanay, eksayted na po talaga ako." sabi nito at ngumiti sa akin kaya nakita ko na naman ang bungi niyang ngipin.
"Tara na bili na tayo ng ice cream mo." sabi ko at inalalayan siya umakyat sa hakbang ng ice cream store. May malaki kasi iyong hakbangan na parang hagdan ngunit isang hakbang lang. Inalalayan ko at baka madulas, minsan pa naman may pagka-clumsy ang batang ito.
"Pabili nga po ng dalawang tig-sampu na ice cream, yung tsokolate po." sabi ko sa tindera. Kaagad niya naman itong ginawa. Mabilis lang din dahil hindi naman malaki o komplikado ang binili namin ni Chasen. Nagbayad na rin ako kaagad para kapag tapos na ay diretso alis na kami ni Chasen.
"Akin na muna iyang regalo mo. Ito na ang ice cream mo, kainin mo na para pagkauwi natin maliligo ka na." sabi ko sa kaniya. Sinunod naman siya ako kaagad.
"Thank you po Nanay ko!" sabi nito habang naglalakad.
"Para saan po baby boy ko?" tanong ko sa kaniya.

BINABASA MO ANG
Ravished And Vanished [Acquisitive Billionaires Series #5 COMPLETED]
RomanceAcquisitive Billionaires Series Book 5: Corvus Virgo Alvarado Corvus Virgo Alvarado, one of the hottest bachelors of the town. Corvus is a certified playboy and every woman knows that. Corvus is the owner of the famous El Bar De La Fantasia and the...