Chapter 16

3.7K 47 11
                                    

Enjoy Reading!

~0~

Naiwan akong tulala matapos pumasok sa aking utak ang lahat ng sinabi ni Doc Khael. Parang binigyan niya ng kasagutan ang pag-aalinlangan kong ilang araw ko nang nararamdaman. Siya ang naging daan para malaman ko ang kasagutan sa pakiramdam na hindi ko matumbok-tumbok.

Ilang mabibigat na buntong hininga ang aking pinakawalan. Nakaramdam ako ng pag-aalala para kay Corvus. Kung puno ng pag-aalinlangan ang aking nararamdaman nitong mga ilang araw na nakalilipas, ngayon ay nag-aalala ako para sa kaniya. Pakiramdam ko ay mayroon siyang pinagdaraanan at pilit niya iyong ibinabaon, pilit niya iyong tinatakpan tuwing maghaharap kami. Isa siyang matapang na tao kung gayon, mahirap itago ang tunay na nararamdaman, walang kahit anong maskara ang makakapagpabago noon. 

Ilang sandali pa nga ay bumalik na si Corvus. Sa tingin ko ay inabot siya ng halos apat na oras sa kaniyang pinuntahan. Noong pagkabukas pa lang niya ng pintuan ay suot-suot na niya ang kaniyang ngiti, ang ngiting nakakuha sa akin. Ngunit totoo nga ba ang ngiti na iyon? Totoo bang puro kasiyahan ang nararamdaman niya sa sandaling iyon. Ibinura ko muna sa aking isip ang mga nalaman ko at ang mga bumabagabag sa akin. Isinuot ko rin ang aking ngiti lalo na noong lumapit siya sa akin at niyakap ako na tila ba ilang taon kaming hindi nagkita.

"Finally, I'm here. I missed you, baby." sabi niya at hinalikan ang aking noo. Napangiti ako sa kaniyang simpleng gawi ng pagpapakita ng admirasyon.

"Ilang oras lang tayong hindi nagkita." sabi ko sa kaniya at natatawa.

"Ano naman? Hindi pa rin kita kasama no. Iba kaya kapag kasama kita, nakakakalma." sabi niya at hinalikan muli ang aking noo bago siya umayos ng upo. Inilapag niya ang isang paper bag sa kama kaya napatingin ako roon.

"Ano iyan?" nagtatakang tanong ko sa kaniya dahil inaabot niya iyon sa akin.

"Well, it a gift. Open it baby. Come on." sabi niya. Napailing na lamang ako at binuksan iyon.

Bumungad sa akin ang isang kahon, hindi iyon ganoon kalaki kaya madali ko iyong nakuha mula sa paper bag. Tumingin pa ako muli sa kaniya at tinanguan niya ako parang sensyales na buksan ko na nga ang kahon. Binuksan ko na nga ito, isang bracelet ang laman noon. Simple lang ito, silver na parang maliit na chains tapos ay mayroong maliit na letter C at A. 

"Isuot mo sa akin, Corvus." sabi ko sa kaniya at ngumiti.

"It's my honor." sabi niya at isinuot iyon sa aking kamay. Napaka-ganda. Natutuwa ang puso ko, umaapaw ang kaligayan ngayon isama pa na nandito siya sa harapan ko ngayon.

"Do you like it?" tanong niya at hinahaplos ang aking mahabang buhok.

"I love it, Corvus. Thank you for this." pasasalamat ko sa kaniya at ngumiti. Hindi ko alam kung bakit naisipan kong halikan siya sa kaniyang pisngi pagkatapos, mukha naman siyang nabigla sa aking ginawa at namula ang kaniyang mga tainga.

"D-Did you just kissed m-me?" nagugulat na saad niya.

"I just did, yes." sabi ko at ngiting-ngiti na humarap sa kaniya.

"F*ck. My heart is racing wild." sabi pa niya at hinawakan ang kaniyang dibdib. Kitang-kita na nabigla talaga siya sa aking ginawa. Natatawa naman akong yumakap sa kaniya bago bumulong.

"Maraming salamat, Corvus." sabi ko at hinaplos ang kaniyang katamtamang mahabang buhok.

"C and A means Corvus Alvarado. The bracelet symbolizes that I offer myself to you." sabi niya sa akin.

"Time will come and I will offer myself to you the same way you did, Corvus." sabi ko sa kaniya, doon niya mas hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.

Ravished And Vanished [Acquisitive Billionaires Series #5 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon