Chapter 12

4K 65 5
                                    

Enjoy Reading!

~0~

Anong oras palang ay gising na at mulat na mulat na ako. Nagising kasi ako sa iyak ni Chasen, napatingin ako sa orasan, alas singko pa lamang ng umaga. Kahit na pipikit-pikit pa ang aking mga mata ay bumangon na ako kaagad para lapitan si Chasen. Una ay sinubukan ko muna siyang kalungin dahil baka iyon ang kailangan niya, ngunit patuloy pa rin siya sa pag-iyak kaya't nagpunta ako sa maliit kong mesa, may tubig na iyong bote ni Chasen dahil nilagyan ko na iyon bago pa ako natulog, kumuha lang ako ng gatas mula sa garapon atsaka tinimpla na iyon. 

Habang inaalog ko ang bote ay patuloy pa rin siya sa pag-iyak kaya hinele-hele ko siya para kahit papaano ay maibsan, noong nakita kong halong-halo na ang gatas ay sinubukan ko na iyong ipainom sa kaniya. Sa oras na nainom niya ang gatas ay natahimik na siya at dire-diretsong sumipsip sa kaniyang sucker o chupon. 

Nagutom ang aking baby boy, nakakatuwa siyang pagmasdan na dumedede sa kaniyang bote, sunod-sunod iyon at kitang gutom na gutom siya. 

Hindi ko pa nga napansin na pumasok pala si Sancho sa kuwarto, napatingin ako sa kaniya na mukhang nag-aalala, marahil nagising din siya sa iyak ni Chasen.

"Ayos lang ba siya?" tanong nito sa akin.

"Oo, nagugutom siya kaya naiyak kanina." sabi ko at ngumiti.

"Akala ko kung ano na nangyari." sabi niya at mahinang natawa.

"Naiintindihan kita, kahit kanina ay nag-alala din ako. Ganito pala kapag first time Mother." sabi ko sa kaniya. Naupo kami sa kama, pinagmamasdan niya rin Chasen na gutom na gutom.

"Ang cute niya talaga uminom." sabi ni Sancho at hinawakan ang munting kamay ni Chasen.

"Nakakawala ng antok, ang cute cute niya." sabi ko pa.

"Matulog ka na Sancho, may pasok ka pa bukas hindi ba? Ako na bahala dito kay Chasen. Matulog ka ulit kahit isang oras pa." dagdag ko.

"Hindi na, kaya ko na 'to. Ilang oras na rin naman at maghahanda na ako. Sasamahan na lang kita muna." sabi niya sa akin. Tumango na lang ako dahil hindi naman nagpapatalo itong si Sanctius at mukhang tuwang-tuwa siya kay Chasen, kulang na lang ay kagatin niya ang kamay ni Chasen para maibsan ang gigil niya.

"Baka naman madurog si Chasen sa gigil mo." puna ko at mahinang natawa.

"Mabuti at uminom siya ng ganitong gatas, hindi ba dapat ay breast milk ang pinapainom sa mga ganitong baby?" tanong niya.

"Oo nga, kaso wala pang lumalabas sa akin. Susubukan ko muna kumain ng mga may sabaw para makatulong." sabi ko.

"Mamayang gabi magluluto ako ng tinola para may sabaw." sabi niya sa akin. Tumango ako at ngumiti.

Tumayo na ako mula sa aking pagkakaupo atsaka sinikap na padighayin si Chasen para makatulog siya ng mas komportable.

"Mabuti at malusog siya. May mga kakilala kasi ako na yung baby ay ilang araw bago nakakalabas ng ospital." sabi ni Sancho, natungo pa siya sa mga malalaking plastic na may lamang mga bago at pinaglumaang gamit na para kay Chasen. May iilang kapitbahay kasi na nagbigay sa akin ng mga pinag-liitan ng mga anak nila. Hindi naman ako maarte atsaka mas maganda iyon para hindi na bibili pa.

"Alin dito ang mga dapat na tiklupin?" tanong niya sa akin.

"Iyang nasa mas maliit. Bakit anong gagawin mo?" tanong ko sa kaniya habang hinehele si Chasen, tapos na kasi siya dumighay at pinapatulog ko na lang siya ulit.

"Titiklupin ko na sana." sabi niya sa akin. Binuksan na niya ang plastic maging ang kulay blue na drawer na para kay Chasen.

"Sige, Salamat Sancho." sabi ko sa kaniya. Noong naramdaman ko na na nakatulog na si Chasen ay inilapag ko na siya sa crib niya. Napatingin ako sa orasan ala sais na rin pala. Paglulutuan ko muna si Sancho ng agahan at baon.

Ravished And Vanished [Acquisitive Billionaires Series #5 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon