(Enjoy Reading!)
~0~
Inis na inis tuloy akong umuwi sa bahay. Simula bata pa lang kami ganoon na ang mga ugali ng mga iyon, naiiba lang talaga si Tessa dahil talagang kumakaibigan lang sa mga taong totoo sa kaniya. Bata pa lang kami ay parang may tinatagong galit na ang dalawang iyon sa akin kaya hindi na rin ako naglalalabas noong bata ako at tanging si Sancho na lang ang tunay na kinaibigan.
Naupo na muna ako sa upuan at nilagay sa lamesa ang pagkain na binigay sa akin ni Tessa. Akala ko wala ng magiging dahilan para mainis ako sa buhay ko, pero mayroon pa pala at kapit bahay pa. Nakasimangot tuloy ako habang kumakain ng spagetti. Buti na lang din at hindi kami nag-pang abot kung hindi masisira ang birthday party ng ni Bochog at makikita pa ng anak ko kung paano ako manabunot Diyos ko.
"Oh kumakain ka na diyan ah." napatingin ako sa dumating na si Sancho. Pawis na pawis at halatang galing sa trabaho.
"Aba may handaan diyan sa tapat at nayaya ako kaya may pagkain ako, kaya lang may mga chismosa doon sa sa loob ng bahay ni Tessa kaya umuwi na ako kaagad." sabi ko, natawa nama siya at naupo na sa harapan ko.
"Sinong chismosa? Si Rowena atsaka si Celia?" tanong niya at nakikain ng spagetti na nasa pinggan, mabuti na lamang at marami-rami ang nilagay ni Tessa sa pinggan.
"Oo, sinabihan ba naman ako na tumatanggi sa grasya kesyo pinaalis ko raw ang foreigner ko. Pangarap pa naman daw iyon ng mga babae," pagkuwento ko sa kaniya.
"G*go amp*ta." sabi niya at biglang tumawa ng malakas.
"Anong sinabi mo?" tanong niya matapos tumawa ng pagkalakas-lakas.
"Sinabi ko ko baka siya nangangarap di lang makabingwit kasi di siya maganda." sabi ko at bigla na naman nakaramdam ng inis. Tumawa tuloy siya ng mas malakas pa sa tawa niya kanina.
"Tama iyan, putulin ang sungay ng mga chismosang laitera na akala mo hindi kalait-lait ang mga sarili." sabi ni Sancho sa akin.
"Nainis kasi ako kanina, nagtitimpi pa ako noong una kaya lang nairita na ako sa huli niyang sinabi." sabi ko pa.
"Alam mo naman iyon, bata pa lang inggitera na." sabi ni Sancho at naubos na nga ang spagetti sa pinggan.
"Bakit pala maaga ka umuwi?" tanong ko sa kaniya.
"Maaga lang natapos yung gawain sa site, sobrang pawis na kami kanina sa sobrang init mabuti nga at pinauwi na rin kami kaagad." sagot niya sa akin.
"Talaga ba? Bakit parang nagsisinungaling ka sa akin?" tanong ko at nakataas pa ang kilay. Nakita ko kasi kung paano mag-iwas bigla ang kaniyang mga mata.
"Wala talaga akong maitatago sayo ano?" sabi niya sa akin at napabuntong hininga.
"Sabi mo nga ay halos magkadikit na ang bituka natin." sagot ko sa kaniya.
"May aksidente kasi kanina sa site, may isang worker na nakabagsakan ng plastic na tubo. Malaki pa naman kaya nagkasugat talaga sa ulo at nawalan ng malay. Mabuti at hindi mula sa mataas na palapag pero kailangan pa ring obserbahan." sabi niya sa akin. Nakaramdam tuloy ako ng pag-aalala at bigla siyang tiningnan sa buong katawan.
"Ikaw? Ayos ka lang ba? Baka natamaan ka?" tanong ko sa kaniya habang hawak-hawak ang kaniyang braso ngunit tinawanan niya lang ako.
"Ano ka ba, hindi ako natamaan. Nasa loob ako ng ginagawa na building noong nangyari iyon." sabi niya sa akin. Doon naman ako nakahinga ng maluwag.
"Mabuti naman, sa susunod mas mag-iingat ka sa trabaho." sabi ko sa kaniya.
"Mahirap ma-ospital. Alam mo naman na sa panahon natin ngayon dapat mas mag-ingat at mas maging malakas. Hindi natin kapareho ng buhay ang iba na hindi na kailangang kumayod pa para may makain." sabi ko pa sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Ravished And Vanished [Acquisitive Billionaires Series #5 COMPLETED]
RomanceAcquisitive Billionaires Series Book 5: Corvus Virgo Alvarado Corvus Virgo Alvarado, one of the hottest bachelors of the town. Corvus is a certified playboy and every woman knows that. Corvus is the owner of the famous El Bar De La Fantasia and the...