Last Chapter

2.6K 87 0
                                    


Last Chapter (Chapter 4)

---

Dasom POV

Nakaupo ako ngayon dito sa sala sa bahay ng mga Portalejo.Pinapasok kasi nila ako at ang lagi nilang sinasabi ay anak nila ako.Yung lalaking kamukhang kamukha ko daw ay kambal ko naman.Yung papa ko daw ay nasa trabaho.

"Dasom,anong nangyari sayo? Halos isang taon ka naming hinanap!" nag-aalalang sabi ni Mrs.Portalejo sakin.

"Ah kasi po--"

Di ko na natapos yung sasabihin ko nung may tumawag sa kanya.

"Tita!"

Napatingin kaming lahat dun sa nagsalita at laking gulat ko nung makita ko si Key habang buhat si Damiel.

Ano daw?! Tita?

Ghad! Ano bang nangyayari dito sa buhay ko?

"D-Dasom?" di makapaniwalang tawag sakin ni Key.

"Ah,h-hi?" shete! Ano bang sasabihin ko?

"Kallin maupo muna kayo ni Kezer." sabi ni Mrs.Portalejo.

"So,Dasom kilala mo ba si Key?" tanong sakin ni Darey.

"Uh yes.Classmate ko sya." sabi ko at ngumiti.

"Yun lang?" tanong nya na parang kulang yung sagot ko.

Bakit? May iba pa ba kong dapat sabihin?

"Mo-mmy..."

Napatingin kami kay Damiel nung magsalita sya habang nakangiting nakatingin sakin.

Teka...

SAKIN?!

"Oww...it seems like she know you.Right Kallin?" sabi ni Mrs.Portalejo habang may kakaibang ngiti sa mga labi nya.

"Ah tita,paano sya napunta dito?" tanong ni Key.

"Ahm Dasom? Saan ka galing?" si Mrs.Portalejo.

"Ah,sa bahay ko po.Ahm,binigay po kasi sakin ng bestfriend ko yung birth certificate ko.Sabi nya nasa wallet ko daw yun nung naaksidente daw ako at nagka-amnesia.Pero hindi ko po matandaan eh." sabi ko.

Nagkatinginan naman silang lahat at tumango.

"I undrstand you pero,naaalala mo ba kung bakit ka naaksidente?" tanong ni Mrs.Portalejo.

"Uh.."

Bigla akong may naalalang pangyayari sa isip ko.Malinaw sya at kitang kita ko.

*Flashback*

Kakapanganak ko palang nun kay Damiel nung biglang may tumawag sakin at sinabing nasa kanya si Damiel at may sinabi syang address.

Nawala ako sa sarili ko dahil sa pag-aalala kaya tumakbo agad ako at pinuntahan yung lugar na yun.

Nasa labas ako nun at tinititigan yung cp ko kung tatawag ulit sila.Gabi rin ngayon kaya medyo madilim dito sa labas.

Biglang lumiwanag sa likod ko at ang alam ko nalang ay nakahiga na ko sa sahig habang may dugo sa ulo ko at nawalan na ko ng malay.

Paggising ko ay nasa ospital ako at may isang babae ang lumapit sakin.Sabi nya sya daw si Rylie Cortez at tinulungan nya kong makapasok sa school at niregaluhan nya rin ako ng bahay ko.

*End of Flashback*

Napahawak ako sa ulo ko at napapikit dahil sumakit ito at kumirot.

"Ahh!" daing ko.

She Got Pregnant (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon