Pregnant 2

2.9K 88 0
                                    


Chapter 2

---

Dasom POV

Nandito ako ngayon sa bahay ko.Kakauwi ko lang kasi galing sa school at kanina pa ko nabubwisit dahil dyan sa project na yan!

Napatalon ako dahil sa gulat at napahawak sa dibdib ko.Bigla kasing nagring yung cellphone ko.

Kinuha ko yun at tinignan kung sino yung tumatawag.

Unknown number calling...

Sino naman to?! Baka kidnaper to at nililito ako? O kaya naman manloloko na adik?

Nagkibit balikat ako at sinagot nalang.

"Hello?"

"Its me,Key.Ako na magdadala ng baby.Magready ka nalang ng gamit mo."

Si Key? Paano nya nalaman number ko?

"Ok.Paano mo nalaman number ko?"

"Rylie."

Ok? Yung daldalita talaga na yun!

"Ok.Bye."

"Bye.Goodnight Daley..."

Biglang tumibok ng mabilis yung puso ko nung banggitin nya yung first name ko.

*Toot Toot*

Ghad! Ano bang nangyayari sakin?

Pumunta ako sa closet ko at inihanda na yung mga damit at gamit ko.Kinuha ko yung maleta ko at dun ko nilagay yung mga damit ko.Sa backpack naman ay yung mga gamit ko gaya ng toothbrush,shampoo,lotion,sabon at yung mga iba pa.

Nilagay ko lang yun sa gilid at nahiga na ko sa kama saka pumikit.

Agad din akong napamulat dahil nakita ko yung mukha ni Key.

"GHAD!!!" sigaw ko.

Sordy kung mahilig ako sa word na 'ghad' nakasanayan ko eh.

Nagtataka ba kayo kung bakit ako lang ang nandito sa bahay?

Ulila na kasi ako.Naalala ko,nagising akong nasa ospital ako at puro galos.Hindi ko alam ang nangyari sakin nun.Basta ang alam ko ay ulila na ko.

Etong bahay na to ay regalo sakin ni Rylie kaya hindi ako nagbabayad.Nagpapasalamat talaga ako sa bestfriend kong yun.

Maya-maya ay nakatulog na din ako.

---

Nandito na kami sa may ground at kumpulan pero hiwa-hiwalay.Magkakasama na kasi ang mga mapa-partners.

Ako naman wala pa.Late ata si Key.Asan na ba yun?

"Dasom!" pagtingin ko si Key at may buhat buhat na bata.

Ako lang ba yun oh kahawig ko talaga yung baby na hawak ni Key? At saka may naramdaman din ako nung nakita ko sya.Ewan ko kung ano yun.Baka gutom lang to.Tama.

"Bakit ngayon ka lang?" mataray kong sabi.

"Sorry na wifey! Inasikaso ko pa kasi tong anak natin eh."

"Ayiieeeh!"

Buset! Ghad ano ba yan! Feel ko namumula na ko ngayon!

"Ok class! Mga mommies lumapit kayo sakin para maibigay ko yung susi ng room nyo." sabi nung prof.

Tumayo na ko at lumapit dun.

Kinuha ko na yung susi at nagpunta na kami sa kanya-kanya naming room.

She Got Pregnant (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon